Chapter 08

310K 11.8K 6.2K
                                    

#RTG08 Chapter 08

Sean had been nothing short of supportive nang magtake ako ng BAR exam. He insisted on bringing me dinner on Saturday nights kahit na sinabi ko naman sa kanya na hindi na kailangan dahil sagot naman na 'yun ng sorority ko—actually, sagot na nila lahat mula sa BAR kits hanggang sa hotel room ko for the entire BAR month... Wala na nga akong kailangang gawin dahil binibigay na ng soro sa 'kin lahat.

But Sean insisted because he said he's my boyfriend and it's his duty. Kaya sabi ko, dalhan niya na lang ako ng doughnut—at dinalhan nga ako ng isang dozen. 'Di ko naman kayang ubusin! Ang ending, pinamigay ko rin sa mga sis ko.

"You're almost done," Sean said, holding my waist and smiling at me. Nandito kami sa harap ng UST at naghihintay ng pagbubukas ng gate. Kahit umaga pa lang, ang dami na agad na tao... Mamaya na kasi iyong last salubong dahil last Sunday na.

"Yeah..." I said. "Sean," I called.

"Yes?" he replied. It's amazing how he always managed to look fresh kahit alam ko na sobrang dami niyang ginagawa sa duty niya. Once kasi naisipan ko na puntahan siya sa hospital na sinabi niyang may duty siya tapos bigla ko siyang nakita sa hall na naglalakad kasabay iyong isang group ng doctors.

He looked so... unbelievably hot.

Naka-suot siya nun ng scrub suit tapos sobrang seryoso niya habang nakikinig sa sinasabi nung resident nila. Sobrang hot lang niya tignan lalo na at may naka-sabit na stethoscope sa leeg niya. Kaya naman nagtext ako sa kanya na sabay kaming magla-lunch, and kahit na alas-3 na kaming naglunch dahil sa dami ng pinuntahan nila nung resident niya, it was still a good day because we had sex in my car.

If he liked me in my red heels, I definitely liked him in his scrubs.

"Wanna have dinner with my fam later?" I asked.

Sean's eyes widened. "Really?"

I bit my lower lip. "Yes..." sagot ko na medyo na-guilty. Sigurado na ako na seryoso sa akin si Sean ngayon. Tuwing randomly pumupunta ako sa duty niya, wala akong nakikita na nilalandi niya... I mean, napapansin ko na nilalandi siya nung ibang babae, pero hindi naman siya nagrereciprocate, so all is well. Ang unfair naman kung aawayin ko siya dahil 'dun, e, hindi niya naman kasalanan na habulin siya ng babae.

"My family will be at school later for the salubong," I began, "But if you wanna wait—"

"No, it's fine. Do you want me to wait with them?"

"Is it okay with you?" tanong ko.

Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko na kasama nila Papa si Sean... Kasi hindi naman talaga tiga-Manila ang family ko tapos puro mga alta pa iyong nasa Brent. Ayoko lang na ma-awkward-an sila Papa. Mas maayos na kasama nila si Sean. Mabait si Sean. Sigurado ako na hindi niya papabayaan ang family ko.

"Of course," he replied. "When will they arrive? Want me to pick them up?" tanong niya.

Nakita ko na nagbukas na iyong gate. Mabilis na pumasok iyong mga natirang BAR takers. Medyo marami ring hindi tinapos iyong BAR month lalo na after nung 2nd week... Sobrang nakaka-takot nga, e. Ang hirap nung 2nd week exams! Ngayon lang ako naging sobrang thankful talaga sa profs ko na tinerrorize ako nung college of law days... Sobrang naaalala ko halos lahat nung sagot sa tanong dahil iyon halos lahat ng recit questions namin. Tandang-tanda ko kasi maraming umiyak sa 'min nun sa sobrang hassle.

Tumingin ako kay Sean. I tiptoed and kissed him on his cheek.

"They'll head straight to my condo. Dinner later na lang," I said, smiling at him. "My family will be waiting at school."

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon