Chapter 32

255K 13.6K 15.2K
                                    

#RTG32 Chapter 32

Hindi gumagalaw si Sancho.

Pakiramdam ko ay hindi rin siya humihinga.

"Sancho..." pagtawag ko sa kanya nang isang minuto na ang lumipas at wala pa rin akong naririnig na kahit ano mula sa kanya. Naka-tingin lang siya sa akin na parang biglang-bigla sa ginawa ko.

Nang akmang hahawakan ko ang pisngi niya ay agad siyang tumayo na para bang mapapaso siya kapag dumikit ang balat ko sa kanya.

"What the fuck?!" sigaw niya habang problemadong sinusuklay ng mga daliri ang buhok niya. Tumalikod siya sa akin. At humarap. "Lyana, what the fuck?!" tanong niyang muli. "Are you that drunk?!"

Agad kong inabot iyong halos ubos ng bote ng wine.

"Ha? Hindi naman mataas ang alcohol content nito..." sabi ko nang binabasa ko iyong information na naka-sulat doon sa label ng wine. Nang tumingin ako kay Sancho, kitang-kita ko pa rin iyong pagkunot ng noo niya na para bang gulung-gulo siya sa mga nangyayari.

"Why did you—"

"I told you—"

"That you were about to do something illegal," he finished my sentence for me. Tumango ako habang naka-tingin sa kanya. Saglit niyang ipinikit ang mga mata niya at huminga nang malalim. "Clearly, you're drunk," sabi niya at saka mabilis na kinuha iyong cellphone niya sa lamesa at nagsimulang maglakad palabas.

"Aalis ka na?"

Hindi siya sumagot.

Agad akong tumayo at humabol sa kanya.

"Sancho," pagtawag ko habang naka-hawak sa braso niya.

"What?" sagot niya habang naka-talikod pa rin sa 'kin.

"You'll just... leave?"

"Well, yes. What the fuck do you want me to do?" sagot niya bago mabilis na binuksan iyong pinto at saka lumabas.

Naiwan akong tulala roon.

Did... I misread the situation?

Ako lang ba ang may gusto sa kanya?

Talaga bang mabait lang siya sa akin?

* * *

Halos hindi ako naka-tulog sa pag-iisip sa ginawa ni Sancho. Nang sumakay ako sa elevator ay nagdasal ako na hindi kami magka-sabay dahil nahihiya ako sa ginawa ko.

Hindi ko dapat siya hinalikan.

Hindi na ulit ako iinom.

"Good morning!" masayang bati ni Yago nang pumasok ako sa opisina. Himala na kumpleto kami ngayon. Nagpa-tawag ng meeting si Jax at nagdiscuss lang siya tungkol sa mga pending na kaso na hawak ng firm namin at iyong report nung accountant sa financial aspect ng firm. Halos hindi ako nakapakinig nang maayos dahil sumasakit ang ulo ko.

Nang matapos iyong meeting, dumiretso ako sa lamesa ko at sinandal iyong ulo ko roon. Pwede kayang matulog lang ako nang sandali? Pakiramdam ko ay hindi ako makakapagtrabaho nang maayos kapag ganito na pumipintig ang ulo ko sa sobrang sakit.

"Atty. Laurel."

"Hmm?"

"Drink this." Nag-angat ang ng ulo at nakita ko si Yago na may hawak na baso ng tubig at gamot. Tumingin ako sa paligid. "Don't worry—wala na iyong mga KJ."

Natawa ako nang sandali at napa-aray dahil sumakit ang ulo ko dahil doon. Nagpasalamat ako sa kanya nang kunin ko iyong baso at gamot.

"Bakit alam mo?"

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon