Chapter 23

248K 11.1K 10.3K
                                    

#RTG23 Chapter 23

"Are you sure about this?" tanong ni Sancho sa akin. Tahimik akong tumango habang naka-upo sa loob ng sasakyan niya. Lumabas siya para kausapin iyong mga kumupkop sa akin. Ayoko silang makita... baka kung ano lang ang masabi ko... Apat na taon ng buhay ko iyong ninakaw nila sa akin... Alam ko na natakot lang sila sa pwedeng mangyari, pero ni hindi man lang nila inisip na may mga taong naghihintay at nag-aalala sa akin...

Mali pala ako.

Hindi lang mayayaman ang mga tuso...

Kahit mahirap, minsan, nagiging sakim din...

Nilakasan ko iyong tugtog sa loob ng sasakyan ni Sancho para hindi ko marinig iyong katok ni Nanay—mali pala ako. Hindi siya iyong totoo kong nanay... Sinungaling lang siya...

Gusto ko na lang umalis dito.

"Are you okay?" tanong ni Sancho nang pumasok siya sa sasakyan. Tipid akong tumango. Hindi ko inalis iyong tingin ko sa mga kamay ko. Ayokong makita sila. Ayokong maawa sa kanila. Hindi naman sila naawa sa akin nung niloko nila ako.

"Alis na tayo," sabi ko.

Nang masigurado kong hindi ko na sila makikita ay at saka lang ako tumingin sa harap ko... Iniisip ko kung masyado lang ba akong nagtiwala o kung bobo ba ako... Apat na taon 'yun, e. Ilang beses akong nataka kung bakit hindi ako pinapayagang umalis kahit matanda naman na ako... O iyong mga paiba-ibang kwento nila sa kung sino ako at kung ano ang ginagawa ko dati...

"As promised, my family will still pay them for the land," sabi ni Sancho. "Are you sure you don't wanna press charges?"

"Oo," sabi ko. Galit ako, pero matanda na silang dalawa... Hindi naman ako ganoon ka-walang puso para ipadala sila sa kulungan. Nagpapasalamat na lang talaga ako at nakita ko si Sancho kung hindi, baka buong buhay na lang akong nandun sa gitna ng kawalan...

"Are you sure na sa Vizcaya mo gustong magpahatid?"

"Oo."

"Ayaw mo sa Manila?"

"Ano'ng gagawin ko roon? Sabi mo may pamilya na siya."

"Lyana, he thought you were dead—"

"Parang ang igsi ng 4 na taon para sukuan niya ko."

"Don't you think you're being unfair? Paano kung namatay ka nga talaga? You'd want him to forever wait for you?"

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Kakaalam ko pa lang na may asawa na pala ako... at na may iba siyang pamilya... Ano ba ang gusto ni Sancho na gawin ko? Ang bumalik sa Maynila? Manira ng ibang pamilya? Para saan? Ni hindi ko nga natatandaan kung sino si Sean... Pangalan lang ang alam ko.

"Magka-kilala ba kayo? Masaya ba siya? Sa tingin mo ba matutuwa siya kapag bumalik ako?"

Hindi siya nagsalita agad. Tumingin ako sa kanya. Naka-diretso lang ang tingin niya sa daan. May tinatago ba siya sa akin? Dapat bang may hindi ako malaman?

"Bakit ayaw mong sumagot?" tanong ko.

"Because I think that's something you should discuss with him, not me," mabilis niyang sagot. "Lyana, you do know that you're alive... and you're the legal wife, right? Doesn't matter if he's married now—you're the wife."

"Bakit mo ba siya pinagtatanggol?"

"Because..." sabi niya habang agad akong napa-tingin sa kamay niyang mahigpit na humawak sa manibela. "Because I know the feeling of losing someone you love... That shit hurt... And I won't wish that on anybody."

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon