Sinagtala

128 5 2
                                    


Sinagtala 


Tunay na kay hirap umibig,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tunay na kay hirap umibig,

lalo na kung ang iyong nais ay may ibang nais. 

Kahit gaano pa kalaki ang pagmamahal,

uuwi at hihimbing pa ring kasukbit ang pagtangis. 


Puso ko'y naninibugho

sa taong ma-swerteng sa puso niya'y nakaako. 

Napapaisip ako kung paano niya nagawa ito, 

gayong sa tabi niya'y lagi naman akong naririto.


Pakiramdam ko'y 'di patas ang mundo

'Pagkat para sa'kin, siya ang haring araw at bituin ko. 

Kahit kaila'y 'di ako pumalyang mangarap, 

na balang araw lilingon din ang mga mata niyang dala ang sinagtala.


Gayunpaman, sana'y madali lamang magpaibig

nang sa ganoon ay 'di na nananakit ang puso kong sawi. 

Sa tuwing nasisilayan ko silang nagtatagpo ang mga tingin,

napapahawak sa dibdib dahil parang ito ang papatay sa akin. 


Sana'y ako na lamang ang taong 'yon. 

Ano kaya ang pakiramdam na ikaw naman ang iniirog? 

Ang maging tagapagtanggap ng ngiti niyang kasing linaw ng ilog. 

Tunay na kay saya kung hindi lamang pangarap ito. 


Sa bandang huli, kailangan kong tanggapin. 

Na ang kasiyahan niya ay wala sa aking piling. 

Walang saysay ang magpumilit

Bagkus ito lamang ang makasisira sa amin. 


Nagagalak na akong nakilala ko siya. 

Sino bang hindi magagalak na makakilala ng sinagtala? 

Kay dalang na mga nilalang sa mundong tila kawalan, 

Nawa isa rin ang para sa akin balang araw. 




Ex Animo ("From the heart")Where stories live. Discover now