Fika

54 4 0
                                    

Fika


Nakabaon na raw sa lupa ang kalahating katawan ng taong magsusundalo 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakabaon na raw sa lupa ang kalahating katawan ng taong magsusundalo 

Samantalang ang magiging manunulat ay walang kinabukasang masasalo. 

Nang tinanong ko kung bakit at paano,

Sagot nila'y 'di raw kasi ito ang madaling landas para umasenso. 


Sa praktikal nang pag-iisip ng mga Pilipino,

hindi na ang kagitingan ng propesyon ang nakatitingala ng kanilang noo. 

Bagkus ang pamantayan na ay ang pera't titulo na ibibigay nang pino. 

Pera't titulo kapalit ng panghabangbuhay na pagsisisi na hindi pinili ang nais na kurso. 


Walang landas na madali para sa kahit na sino. 

Diskarte ang siyang basehan kung may makaaabot sa apo. 

Mabuting isipin ang kapalaran ng pamilya mo,

subalit tantyado mo ba ang natitirang oras sa buhay mo? 


Hindi pa raw huli, ani nila. 

Marami pang susunod na pagkakataon, dagdag nila. 

Walang nakaaalam kung kailan ang umpisa't katapusan. 

'Wag kang manghula, pumila ka gamit 'di lang ang puso kundi pati ang utak. 


Hindi man agarang pag-unlad ang hatid ng propesyong nais mo,

alalahanin mong pumapasok ka nang may ngiti sa mga labi mo. 

Hindi man gaanong tanyag ang turing sa sining na pinili mo,

tandaan mo na walang dungis ang mga kamay mo. 



Ex Animo ("From the heart")Where stories live. Discover now