3.1. **The Date**

9.7K 180 6
                                    

My Super Boyfriend 

Written by Toneewritestragedies

Inspired by Zettai Kareshi (Absolute Boyfriend)

Chapter Three

The Date

Sami.

"Oy ikaw Sushi. Saan ka ba nakatira? Ilang araw ka ng istokwa sa labas ng apartment ko ah. Lumayas ka ba sa inyo?" Oh sige, pangangatawanan ko na yung Sushi na tawag sa kanya. Eh di naman kasi niya sinasabi yung tunay na pangalan nya e. At saka nararamdaman ko namang hindi magnanakaw ang lalakeng to. May pagka-manyakis lang naman siya. Kaso sorry siya, hinding hindi siya makakaisa saken kung yun ang iniisip niya.

"Dito nga ako nakatira Sami. At saka galing ako sa pinanggalingan ko ano." tignan mo tong gagong to. Kung ano ano sinasabi e. nakakabwiset.

"Ewan ko sayo. Talagang siniseryoso mo 'yung pagiging Super Boyfriend ah. Teka. Saan bang lugar ka nanggaling at para maibalik kita doon aber?"

"Ha?! Wag mo naman akong isauli dun girlfriend at saka kahit isauli mo ako, babalik at babalik ako sayo. Ganun kita ka- love."

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka nagpatuloy lang kami sa pagkain. Sinuswerte na to si Sushi e. Libre na ang pagkain saka board and lodging sa labas. Pero di ibig sabihin nun e tanggap ko na siya 'boyfriend' ko. 'Di kami talo nitong manyakis na to.

"Hoy, bilisan mo nang kumain dyan ha. May klase pa ako. Totoo na 'to. Tinext ko na si Carrie kung may klase, sabi niya meron na daw. Nagkataon lang nung isang araw na nalimutan kong walang pasok kaya pahiya ako sa tapat ng gate."

"Okay. Nga pala Sami girlfriend, gusto mo ihatid kita pagkatapos nito? Para naman maipagtanggol kita sa mga gustong manamantala sayo. At saka para maipakilala mo ako sa mga kaibigan mo. Please?"

"Seryoso ka?"

"Oo naman. Pati ako seryoso sayo."

Bigla akong napalunok sa sinabi niya. Pati pagkakasabi niya seryoso din e! pakiramdam ko lahat ng balahibo ko sa katawan nagtaasan dahil sa sinabi niya! Parang manyak ang dating! Kadiri!

"Tss. Di pwede! Dito ka na lang sa bahay. Maglinis at mamalengke ka!" pwede naman siguro mautusan ang lalakeng to ano?

"Maglinis at mamalengke? Sige! Gusto ko 'yan Sami! Yey! Sige, hihintayin na lang kita rito, lulutuan kita ng masarap na pagkain! Nomnom!"

Ang weirdo nito. Ang laking bulas pero kung gumalaw parang bata. Hindi bagay. "Basta wag mo lang lagyan ng lason o kaya kahit anong gayuma ha?!"

"Ano ba 'yan girlfriend. Kahit naman may pagka-manyakis ako ng kaunti, 'di naman ako mamamatay-tao ano? At saka 'di ako desperadong gauymahin ka. Dahil sa simula pa lang, nagayuma na kita."

Muntik ko nang maibuga yung kinakain kong tuyo sa sinabi niya. Ano raw?! Nagayuma na raw nya ako? Sinuswerte sya ah!

"Payag pa akong inamin mong manyak ka e, Pero yung nagayuma mo ako? Gusto mong gawin kitang tuyo ha? Ang kapal mo rin eh!" sabi ko sa kanya. Tumayo na ako saka nag-ayos ng mga gamit ko.

"Joke lang Sami. Teka, ako na mag-aayos ng gamit mo. Magtoothbrush at mouthwash ka na lang para fresh breath ka saka pwede tayo mag-kiss after. 'Di ba okay 'yun."

Sinapok ko siya.

"Ayos na sana yung sinabi mo e, dinagdagan mo naman ng kamanyakan! O sya sige. Ayusin mo yang gamit ko ha. Pag may nawala dyan, gugulpihin kita. Magtu-toothbrush na ko." Lumapit na ako sa lababo saka kinuha yung sepilyo.

My Super BoyfriendWhere stories live. Discover now