9.2.**His Real Identity**

7.8K 142 7
                                    

My Super Boyfriend 

Written by toneewritestragedies

Inspired by Zettai Kareshi (Absolute Boyfriend)

9.2: **His Real Identity**  

Sami's POV

Nasa kotse kami ni Auntie Elisse papunta sa main office ng Ideal Enterprises—kung saan posibleng dinala si Sushi err Reikko pala. Alam kong maraming dapat sabihin si Auntie kung ano ang correlation nila ni Sushi at ng tatay nito.

"Sami, I really apologize for what did happened to you and Reikko. Pasensya na rin kung nadamay ka sa problema ko." Tinignan ko si Auntie, mangiyak-ngiyak na sya. Hinawakan ko ang kamay nya para icomfort sya kahit paano. Ngayon, medyo naiintindihan ko na kung bakit di namin alam kung bakit laging busy si Auntie Elisse at di nya sinasabi kung nasaan sya. May confidential issues pala syang kinakaharap ngayon..

"Auntie, bakit po in danger si Sushi ngayon? Este R-Reikko Shadows pala =_= Anong problema ba? Bakit hindi mo man lang kami sinabihan? Pamilya mo rin kami."

"Ito ang mali sa akin. Palagi akong namumuhay nang mag-isa nang hindi sinasabi sa inyo kung anong nangyayari sa akin. Tahimik ang pamilya nyo pero sinasali kita sa problema ko Sami." Ito yung unang beses na narinig ko si Auntie na seryoso akong kinakausap. Palagi kasi syang kalog, maingay at masayahin. Pero hindi namin alam na sa likod pala ng mga ngiting nakikita namin ay isang pusong malungkot at problemado.

"Auntie Elisse, pamangkin nyo ako. Please naman, ano bang mali? Gusto kitang matulungan!"

"Si Bernard Shadows. The owner of Ideal Enterprises is my husband, and Reikko is my stepson..."

"WHAT?!" para akong na-lock jaw sa revelation ni Auntie. No way. Kelan pa nag-asawa si Auntie? Wala syang sinasabi sa amin. Alam kong di rin ito alam nina Papa. Waah. Ano na bang nangyayari sa mundo namin ngayon?!

"Sorry kung ngayon ko lang ito nasabi sayo Sami. I?ve been married for 5 years now, hindi ko magawang sabihin sa inyo ang totoo dahil ikakahiya ako ni Kuya.. ng pamilya natin."

"Bakit naman? Auntie, wala ka dapat ikahiya kung mahal mo yung taong pakakasalan mo. Matatanggap naman namin kung may anak sya sa ibang babae e."

Sinet-aside ko muna yung side namin ni Sushi. kelangan malaman ko muna yung history ni Auntie at nung Daddy ni Sushi at pagkapatos, saka ko pagtatagpiin ang mga bagay bagay nang maintindihan ko ang lahat.

"You will be ashamed of me Sami! Leader ng Mafia si Bernard Shadows! Ayoko kayong idamay dito dahil baka mapahamak kayo at ayokong mangyari yun sa inyo." Natutop ko yung bibig ko sa sinabi ni Auntie Elisse. Kaya pala madalang lang namin sya makita at makausap. That?s the reason. Di ako makapaniwalang ganito ka-kumplikado ang buhay ni Auntie. I pity her.

"Bakit mo sya pinakasalan kung alam mong ganun ang background ng taong yun? Bakit Auntie?"

"I didn't knew he was one of that group. Nalaman ko na lang na leader sya ng Mafia two years after our marriage. And it hurts on

my part. Di ko sya maiwan dahil mahal ko sya. I wanted to help him and change his life. Pati na rink ay Reikko. I need to save and

protect him."

Save and protect Sushi? anong meron dun? "Auntie, anong ibig mong sabihin?"

"Reikko is such a wonderful boy. He might be lucky to have all the material things in life pero malas sya sa pamilyang natirhan nya. He doesn?t deserve these hardships."

My Super BoyfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin