11.**Choose**

7.1K 144 4
                                    

My Super Boyfriend 

Written by Toneewritestragedies

Inspired by Zettai Kareshi (Absolute Boyfriend)

11: **Choose**  

Sami's POV

Sorry Sushi. Di ko gustong saktan ka ng sobra, hindi mo rin alam kung gaano kahirap yung ginawa kong ipagtabuyan ka. lalo na ang sabihin sayong tapos na tayo at ayoko na sayo. Kelangan ko lang gawin yun para maging maayos ang lahat. Para di ka na madamay pa pati ang pamilya ko. Importante ka saken at ayokong may mawala sa buhay ko. Pero kelangan kita pakawalan. Mahal na mahal kita Sushi. Sana, sa kabila ng mga sinabi ko, maramdaman mo pa rin yung pagmamahal ko para sayo. Sana mapatawad mo ako. Naduwag lang ako, hindi kita kayang maipaglaban...

//Flashback//

"You're challenging me, Samantha Adachi." Sabi ni Bernard Shadows sa akin habang sinisindihan nya yung sigarilyo nya.

"Bernard, kung anu man ang utang ko sayo para kay Reikko, ako na ang magbabayad. Pabayaan mo na lang sya." Si Auntie Elisse.

"Sinuswerte ka naman ata Elisse. ano ako? Tanga? Negosyante ako. Hindi ako basta-basta magpapauto sa offer mo."

Nilapitan ko sya at tinignan ng direcho. "Alam mo, ikaw. Hindi mo naman sya anak e. Wala kang karapatang saktan at pahirapan si

Reikko!"

"Really? How do you say so Miss Samantha? He?s carrying my name. I fed him, I sent him to world class private institutions, I give everything that he needs. Tapos wala akong karapatan sa gusto kong gawin sa kanya? Better think twice, Young lady."

"Pero wala syang atraso sayo para gawan mo sya ng hindi maganda!"

"You're right. Sa akin, wala. Pero ang mga walang kwenta nyang magulang, meron."

Napaka-immature mag-isip ng huklubang to! Ano bang mapapala nya sa paghihiganti kay Sushi? wala naman diba? Mapapagod lang sya e!

"Hindi ka pa rin nagbabago Bernard. Kelan ba papasok sa kukote mo na mali ang ginagawa mo ha? Tigilan mo na si Reikko." Sabi sa kanya ni Auntie pero tumawa lang si Bernard Shadows.

"At ikaw naman Elisse, kelan ka rin ba titigil sa pangingialam mo sa buhay ko ha? You?re just my wife! Don?t mess up with my plans alright?"

Aba?t--! Ang walang kwenta pala ng taong to e! sino ba sya para sabihan ng ganyan si Auntie? Ang kapal ng mukha nya!

"Hoy ikaw Bernard Shadows! Pwede ba wag mo nang isali si Auntie Elisse dito, pasalamat ka at sya ang asawa mo at may nagtitiis pa sa panget mong ugali! Buti na lang talaga at hindi mo naging kamukha si Reikko at apelyido mo lang ang nakuha nya sayo. Dahil ang panget mo!" wala akong pakialam kung bastos ang pananalita ko. dapat lang yan sa kanya. Ang sama nya e! Lalo na yung pagmumukha nya!

"Sami.." hinahawakan ako ni Auntie sa braso at kinakalma. Napaka bullshit kasi ng lalakeng to. Asar!!

"Yea. Yea. Say whatever you say Samantha. Alam ko naman na sa huli, ako pa rin ang mananalo." Arrgh! Ang yabang ng taong to! Ang sagwa naman ng pagmumukha!

Naweirduhan ako nung bigla syang nagsnap at may pumasok na nga kasing-panget nyang goons sa loob ng opisina. Kinuha nila si Auntie at pilit na nilalabas.

"Hoi! Anong ginagawa nyo? Mga pangit kayo! Bitiwan nyo si Auntie Elisse!" tinutulak ko sila at binabawi si Auntie pero hinahawi nila ako. Pumipiglas din sya pero di pa rin makawala. Shet! 

My Super BoyfriendWhere stories live. Discover now