7.**My Girl.. For Real**

9.6K 197 5
                                    

My Super Boyfriend 

Written by toneewritestragedies

Inspired by Zettai Kareshi (Absolute Boyfriend)

 7. **My Girl.. For Real **

Sami's POV

Maaga akong gumising. Mas maaga pa sa gising ni Sushi. Gusto ko kasing ako naman ang mag-effort sa kanya at bumawi ngayon. Tutal naman may napamalengke kahapon, yun na lang ang lulutuin ko para sa breakfast namin. Marunong naman ako magluto pero di kasing galing ni Sushi >//<

Nagsaing ako sa rice cooker tapo nagluto ng beef steak. Gumawa naman ako ng simpleng fruit salad para dessert naming dalawa. Sa 5am na nagising ako para maghanda ng almusal namin, 7am na ako natapos. Ni hindi pa nga ko nakakapaglinis ng buong apartment >//<

Para di magising si Sushi at mas sumarap pa ang tulog nya, itinutok ko yung electric fan sa may paanan nya. Nagwalis ako at naglampaso ng sahig, nagpunas ng mga bintana, upuan at mga appliances, nagpalit ng kurtina.

Kahit nakakapagod, wala akong pakialam. Para naman kasi to kay Sushi. effort ko to para matuwa sya saken.

Naligo na ako tapos nagsuot na rin ng uniform. At alam nyo ba kung anong klaseng uniform ang sinuot ko? Ang nag-iisang maikli kong skirt na bigay saken ni Mama last sem na ayaw ko suotin. Arrgh. Ito yung first time kong magsuot ng skirt na under the knee. Pero para kay Sushi. Why not? :))

"Sushi, oy gumising ka na dyan. 8am na oh. Hey, wake up!" ginigising ko sya. Kinikiliti ang paa at tagiliran, buti naman at madali lang to gisingin kundi bubuhusan ko talaga to ng tubig =__=

"Ugh. Sami? Ang aga mo naman magising -__- Kumain ka na ba? Di pa ako nakakaluto e."

"Okay lang yun. Nagprepare naman na ako ng breakfast natin. Kaya bumangon ka na dyan at maghilamos."

Nagulat sya sa sinabi ko at nagmadaling tumayo. Pumunta sya sa kitchen at halata sa mukha nyang gulat na gulat sya sa nakita nya.

"Sami girlfriend! Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng ito ha?"

"OO naman. Marunong naman akong magluto kahit paano." Sabi ko sa kanya sabay kindat. Hindi naman choosy si Sushi kaya sana masaya sya sa ginawa ko.

"Wah. Ang galing galing naman girlfriend ^_^ I love you so so much! Very much! Thank you!!" niyakap yakap nya ako sa likod with matching patalon-talon pa. haha. Pasaway talaga to e.

"Alam mo namang bumabawi lang ako sa lahat ng good deeds mo saken e."

"Di mo naman kelangang gawin „yun."

"I insist. Kaya umupo ka na dyan at kumain na tayo ;) "

"Aye aye girlfriend!"

Nagsimula na kaming kumain. Ayun, kaunting kwentuhan. Medyo kinikilig nga ako nung sinabi nyang ang sarap ng luto ko e. ang sarap sa pakiramdam. :))

"Nauuhaw ka ba Sami? Gawan kita ng juice gusto mo?"

"Wag na. ako na lang ang gagawa." Tatayo na sana sya pero inunahan ko at naglakad ako papuntang ref.

"Sami?"

"Oh?"

"Ang sexy mo naman girlfriend. Ngayon ko lang napansin na ang ikli ng palda mo ah."

"Haha, bagay ba saken?" nagpaikot-ikot ako at nagmodel-modelan. Hehe. Pasensya na, sadyang lumalandi lang.

"Oo Sami Girlfriend. Nakakasilaw ang kasexyhan mo *v* "

My Super BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon