4.**Meeting the Family**

8.5K 165 8
                                    

My Super Boyfriend  4. Meeting the Family

 Written by Toneewritestragedies

Inspired by Zettai Kareshi (Absolute Boyfriend)


Chapter 4

Meeting the Family

"Ugh. Aww. Ahhhh. Ang sakit naman! Teka lang. Ow shet." Biglang natigilan sa pagkatok si Mrs. Adachi dahil sa narinig kay Sami mula sa loob ng apartment nito. They were about to visit their daughter because it's a non-working holiday.

"Anong naririnig ko kay Sami, Papa? Anong klaseng tunog 'yon?!" natutop ni Mrs. Adachi ang kanyang bibig dahil sa mga halinghing na nasa loob ng unit ni Sami.

"Sami naman, wag kang magulo. Ang sikip e. Relax lang okay. Hinga lang ng malalim."

"Ang sakit kasi Sushi! Dahan-dahan. Ahhww. Shet. Sakit talaga araaaaaaay ko..."

"Mama, takpan mo ang tenga ni Gummy. Di ko alam kung magagalit ako o matutuwa sa naririnig natin ngayon. Diyos ko po. Ganap nang babae ang Sami natin." natataranta naman si Mr. Adachi at napapailing, samantalang tinakpan naman ng asawa niya ang mga tenga ni Gummy para di marinig ang mga di kanais-nais na salita.

"Ahh. Sakit talaga Sushi! Wag mong ipilit, masakit lalo. Alam mo namang masikip, pinipilit mo pa. Araaay ko naman!"

"Ugh. Teka. Pinagpapawisan na ako rito Sami girlfriend!"

Parehas lumaki ang mga mata ng mag-asawa sa narinig mula kay Sushi sa loob—na unti unting napalitan ng saya at tuwa.

"Papa! Apir tayo. Babae na ang anak natin. Di ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Di ko alam na dito pa natin malalaman na nagkatotoo na ang matagal nating dasal sa Diyos! Huhuhu! Thank you po Lord!"

Nagyakapan ang mag-asawa sa tuwa, pati na rin si Gummy ay nayupi dahil sa 'di maipaliwanag na sayang nararamdaman ng dalawa.

"Ano nang gagawin natin Mama? Kakatukin ba natin sila, o hahayaan na lang natin—"

"Ohhhhh! Ahhww!" nakarinig ulit sila ng sigaw mula sa loob ng unit ni Sami.

"Hay naku, tara na nga Mama, hayaan na nating mapag-isa si Sami at yung boyfriend nya sa loob."

"Sige, sige. Tara. Nakuuu, grabe! Ang saya saya ko ngayon Papa! Teka, asan si Gummy?"

Paglingon nila ulit sa pintuan ng unit, bukas na ito at pumasok si Gummy sa loob. "Si Gummy!" sabay na banggit ng mag- asawa at nagmadaling sinundan si Gummy na wala sa loob na pinuntahan ang kapatid.

"Gummy anak!"

"Gummy?! Anong ginagawa nyo rito? Mama, Papa. Kayo rin?!" unti-unting napatingin si Sami sa parents niya matapos niyang makita ang kapatid niya.

"Hello po Mama, Papa!" masayang bati ni Sushi habang kumakaway.

"Sushi, parents ko 'yan. Di mo sila magulang." P-in-oke ni Sami ang braso nito.

"Bakit? Ikakasal naman tayo sa future 'di ba?" ngumisi si Sushi samantalang si Sami naman ay napa-face palm na lang.

"Babae na ang anak natin! Thank you Lord!" sabi ni Mr. Adachi at pinagdikit ang mga palad at tumingala.

Hinila ni Gummy ang laylayan ng shirt ni Sami. "Akala kasi nina Mama at Papa, gumagawa kayo ng baby ng boyfriend mo Ate Sami."

***

My Super Boyfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن