8. **Hanky, Caution, Bloods**

9K 151 4
                                    

My Super Boyfriend 

Written by toneewritestragedies

Inspired by Zettai Kareshi (Absolute Boyfriend)

8: **Hanky, Caution, Bloods**   

Sami's POV

"Ayokong gumala, dito lang tayo sa bahay Sushi. katamad magliwaliw e. aalis pa man din ako mamaya." Sabi ko kay Sushi habang pinuputulam nya yung kuko ko sa paa. Tapos ko na kasi syang masahihin kaya sya naman ang magsisilbi saken. Nyahaha.

"Aalis ka? Bakit di ko alam? Bakit di mo sinabi saken Sami?" kumunot yung noo nya. Kahit kelan talaga napaka-chismoso neto e.

"Eh sasabihin ko pa lang yun dapat bago ako umalis mamaya. Sarreh." And I made „peace? sign.

Ngumuso na naman sya. "Ayaw mong umalis tayo ngayon pero mamaya aalis ka nang di ako kasama? Saan ka ba pupunta Sami girlfriend? Sama ako please?"

"Gagawa kami ng requirement sa isang major subject namin. Alam mo na, visual arts major blah blah. Pupunta kami nina Carrie sa isang butterfly sanctuary."

"Kaya nga sasama ako diba? Sama ako Sami ha? Yey! Thank you ^_^" sorry sa superboyfriend ko ha. Masyadong assuming.

"May sinabi ba akong pwede ka sumama ha? Dito ka na lang Sushi. at isa pa, school matters yun. Kung gimikan yun, pwede pa kita isama. Eh kaso hindi e. kaya next time na lang okay? Alam mong nangnganib ang grades ko" Ilang pangit na port folio na lang ang ipasa ko sa mga professors ko, tsugi na ako sa School for the Arts, hello to other departments naman >///<

"Sige na nga, dito na lang ako. Pero wag mo naman iunderestimate ang sarili mo na hindi mo ka magaling. Para saken, ikaw ang the best painter sa buong Milky Way Galaxy! Ganito ako ka-proud sayo Sami girlfriend. Kaya pwede ba. Wag kang masiraan ng loob okay? Andito lang ako para suportahan ka. Itaga mo pa dito sa hawak kong nailcutter *v* "

Buti nandito si Sushi para pagaanin ang loob ko. Simula kasi nang may nangyari samen, mas minahal ko sya, mas nagkaintindihan kami at mas naging close sa isa?t isa. Parang hindi ko lang sya Superboyfriend, naging magbarkada rin kami.

"Yan ang gusto ko sayo Sushi e. palagi kang may baon na pambobola haha." Pinisil ko yung dalawang pisngi nya. Ang cute kasi ni Sushi kahit ang laki nya e haha.

"Di naman kita binobola girlfriend. Maniwala ka okay?" kinindatan nya ako. Pakshet. Pwedeng himatayin?

Tumango ako. "Naniniwala po Sushi."

Pagkatapos gupitan ang kuko ko sa paa, tinanggalan naman ako ni Sushi ng tutuli sa tenga, tumunog yung doorbell. May bisita? Parang wala namang nagtext saken na may pupunta rito =__=

"Sino yun?"

"Di ko alam e." tumayo kami ni Sushi mula sa couch at binuksan ko ang pintuan.

"Hello Sami, Hello my son-in-law! Kamusta kayo?"

M—mama? 0.0

"Anong ginagawa nyo rito Mama? Napasugod ka!" naloka naman ako sa pagdating ng ina kong pasaway.

"Wala naman, binibisita ko lang kayo rito. Anak, gumaganda ka ata ha."

"Hi po Mama ^_^ Ayy, Sami. Ang tigas ng tutuli mo, lalagyan ko ng baby oil itong cotton buds para lumambot ha."

**SAPOK**

"Ano ba „yan Sushi? pati ba naman yan ibo-broadcast mo pa sa harap ni Mama?" nakakahiya tuloy >///< arrgh.

"Sami, he?s just telling the truth, diba my son-in-law?" tumingin naman si Mama kay Sushi kay Sushi. wow ah. Maka-son-in-law? Feel na feel >.<

My Super BoyfriendOn viuen les histories. Descobreix ara