5.**Mood Swings**

9.1K 174 17
                                    

My Super Boyfriend 5: **Mood Swings**

Written by Toneewritestragedies

Inspired by Zettai Kareshi (Absolute Boyfriend)

Sami's POV

Nasabi ko na ba sa inyong manyak si Sushi? Psh. Oo nga pala, mga 356 times na ata. Eh paano ba naman kasi e, aminado akong may pagkamakakalimutin ako pero simula nung nilaplap nya yung labi ko. Ay sorry. Ang laswa. Simula nung t-in-orrid kiss nya ako, mas naging makakalimutin ako, di ko nga alam kung bakit. Isa pang bagay, ang tanga ko. Bakit nung hinalikan niya ako ng matagal, hindi ko man lang sya magawang itulak? Nakatulala lang ako sa kanya. Di ko alam! Pagkatapos nun, nahiga na lang ako sa kama ko. Syempre di na siya kasama baka rape-in nya ako e. Paghiga ko naman, tuluyan na akong hinila ng antok.

Paggising ko kinabukasan, nilagnat ako. Seryoso. Buti na lang at weekend ako nagkasakit , kundi aabsent ako ng school days.

Eh delikado na ang scholastic records ko sa Asters. Ngayong kina-lunesan, okay na ang pakiramdam ko  basta wag lang ako malikot para di mabinat.

"Sami, sure ka na bang papasok ka ha? Parang maputla ka pa rin e." sabi Sushi habang worried na nakatingin sa akin. Bakit ba habang tumatagal lalong nagiging gwapo siya sa paningin ko? Nakakainggit ha. 

"Napadami lang ako ng lagay ng pulbos sa mukha. Teka tabi ka nga dyan sa pintuan Sushi, ang laki mong harang e." sabi ko sa kanya. Eh ayaw akong paalisin! Tinulak ko sya pero ang bigat nya. Laki kasing bulas.

"Sami girlfriend, please naman wag ka na makulit. Baka mabinat ka pa e. Ayokong magkasakit ka."

"Tse. Alam mo Sushi, ang keso mo e, sobra. Magaling na nga ako kaya pwede ba lumayas ka na dyan sa may pintuan at papunta na akong school. " the more na tinutulak ko sya, the more na nagpapabigat sya para di ko sya maitulak. Bwisit.

"Alam mo girlfriend--"

"Di mo ako girlfriend." Pagtatama ko sa kanya. Nasasanay kasi na pinababayaan ko siyang tawagin ako ng ganyan e. 

"Alam mo girlfriend," Pilit niya. Hay ang kulit talaga. "Dapat pala nung unang araw nang lagnatin kita, t-in-orrid kiss ulit kita para mawala ang lagnat mo. Kasi feeling ko, yun ang dahilan kung bakit ka nagkasakit e."

"Buti alam mo." Bulong ko sa sarili ko.

"Wala, ang sabi ko ang sarap mo humalik." Bigla syang natulala sa sinabi ko kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para hawiin sya sa may pintuan. Syempre utakan lang. Wait, bakit ko ba biglang sinabi 'yun? Nasarapan ba ako sa kiss niya? Arrgh! Nakakagulo ng isip!

"Talaga Sami?"

"O-oo!" teka nga, parang tinototoo ko na ata ang sinabi ko!" Ah ewan.

"Eh di kung nasarapan ka, kiss ulit tayo! T'as sex na tayo. Wag ka na mag-school Sami!"

Sinapok ko siya. 

"Aray naman. Joke lang." hinimas niya ang ulo niya.

"Puro ka joke kahit hindi naman joke yang sinasabi mo! Ang bastos mo, Sushi! Teka, tutal naman ay sinabihan kitang masarap humalik, papasukin mo na ako sa school pwede ba puhleese?" t-in-ry kong magpa-cute sa kanya kahit ang sagwa ko tignan. Bahala na! gusto ko na talagang makaalis!

"OO na nga Sami girlfriend!" tumawa ako nga pang-demonyo nang marinig ko yun. "Pero sa isang kondisyon." nagpause ang tawa ko bigla. Asar to. "Ihahatid kita sa Asters para safe ka. "

"Eh? Anong pinagsasabi mo ha Sushi? Kaya ko na ang sarili ko, mag-fx na lang ako papasok ng school."

"Sami naman. Baka kung anong mangyari sayo e."

My Super BoyfriendWhere stories live. Discover now