♻3♻

0 1 0
                                    

"Uyy Hendrix, tignan mo! Ang galing nya guwama ng letter!" Tinuro ko ang babaeng nasa cellphone ko na nagvi video habang gumagawa letter. Sinilip nya naman ito at nagkibit-balikat lang. " Ang galing nya diba?!" tanong ko muli sa kanya.

"Tsk! Ang ingay mo!" Singhal nya sa akin. Sinama an ko nalang sya ng tingin at muling tumingin sa pinapanood.

Every time that I saw or heard that someone is making a letter it instantly caught my attention. Ewan ko ba pero simula nung nakita ko si Papa na gumagawa ng letter para kay Mama dahil mahilig daw si Mama na magbasa ng letters. Naadik na rin ako magbasa ng mga ganun. Dumating pa nga sa point na hinihingi ko kay Mama lahat ng love letters na binibigay sa kanya ni Papa para lang basahin.

I tried making one but it turns out to be a horrible letter. Hindi kasi ako marunong mag design at isa pa walang papel na hindi nalulukot sa akin. Pero kahit ganun binigay ko pa rin kay Mama nung una ayaw pa nya tanggapin dahil para daw kinahig ng manok sa sobrang gulo at madumi puro kasi iyon bura. Pero nang malaman nya na letter ko iyon para sa kanya tinabi nya iyon. Kinabukasan nun nakita ko sa kwarto nila ni Papa na naka frame na. Sobrang natuwa ako nun.

Kaya sa tuwing may makikita ako na letter hindi ko lang iyon nagugustuhan, hinahangaan ko din ang gumawa non dahil alam ko na binigyan nya iyon ng oras para lang mapaganda. Kaya ganun nalang ang Inis ko noong nakita ko na itinapon ng kaklase ko ang letter na ginawa para sa kanya ng isa ko pa na kaklase.

"Huy! Tulala ka na!" Nagulat ako ng bigla akong alugin ng malakas ni Hendrix. Napatingin ako sa kanya at napasimangot. Ang lakas kasi talaga. "Kanina pa kita kinakausap tsaka tignan mo tapos na yung pinapanood mo oh!" Tinignan ko naman agad yung cellphone ko at nakita na tapos na nga.

Tsk! Nagre reminisce pa ako dito eh! Epal!

"Pake mo ba! Nagalit ba ako nung hindi mo ako pinansin?!" Change topic is life. Nakita ko na napakunot ang noo nya at tumingin sa akin na nagtataka.

"Ansabi mo? Kanina pa ako nagsasalita dito. Ikaw kaya yung hindi namamansin dyan! Tulala ka nga eh!"

"Ah basta! Bahala ka Jan!" tumayo na ako at iniwan sya. Hindi ko na alam isasagot eh! Dumiretso lang ako kahit hindi ko kabisado yung mall. Maya-maya kumonti yung mga tao na kasabay ko kaya napatingin ako sa paligid. Konti nalang din yung mga stall.

"Aish! Nasaan na ako?!" Mahinang bulong ko sa sarili habang pa tuloy Pa Rin sa paglalakad. Pag dating ko sa bandang gitna huminto ako saka tumingin sa paligid. Wala na talaga akong kasabay. Hindi ko na talaga alam kung nasaan ako.

"Bwiset kasi si Hendrix! Na ligaw na ata ako!"

*BRRZK! BRRZK! *

Agad ko na kinuha yung cellphone sa bulsa ko at nakita ang pangalan ni Hendrix. Nagiisip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. Inaway nya kaya ako! Pero sa huli napagisipan ko na sagutan nalang makakalimutin kasi talaga ako. Baka hindi na ako maka uwi.

"Reachelle! Asan ka na ba?! Kanina pa kita hinahanap!" Nalayo ko yung cellphone sa tainga ko sa sobrang lakas ng sigaw nya. Halatang hinihingal din sya. Mukhang hinahanap nya talaga ako.

"Ang lakas naman ng boses mo! Masakit sa tainga! Nakalunok ka ba ng mic?" tanong ko sa kanya.

"Huwag mo ako mabiro-biro Reachelle Samantha Augustine! Kanina pa kita hinahanap! Nasaan ka na ba!?!" Nagulat naman ako sa tono ng boses nya. Ngayon ko lang narinig yung ganun na tono nya. Para ganda sya na pumatay ano man na oras. Napalunok tuloy ako ng laway ng wala sa oras.

"H-hindi ko din alam. B-basta dumire diretso l-lang ako." pakiramdam ko ma iiyak ako anu ang oras. Ngayon lang nya ako tinaasan ng boses sa tagal namin na magkasama.

Heard (Completed) Where stories live. Discover now