♻9♻

15 2 7
                                    

"Sabihin mo gusto mo lang talaga sya iwasan dahil may kasalanan ka!" Sigaw sa akin ni mama.

"Hindi nga! Ayaw ko lang talaga galawin nung mga panget na yun sila crooky at Lyonn!" Totoo naman eh! Natatakot lang talaga ako na galawin nila sila baby ko bukod kay Hendrix!

Pero si Hendrix talaga original baby ko! Walang makakatalo!

"Pwede mo nalang naman silang ipa ban nalang doon ah!" Pwede nga kaso masyadong marami ang koneksyon nila lalo na yung Ashley na yon! Artista nga alien lang naman nakakausap nya ng matino!

Hindi nga yata taga Earth yun eh!

"Malulusutan nila yon! Wire kaya si Ashley , madaming koneksyon!" Kanina alien ngayon naman wire! Reachelle ano ba yan! Masyadong mo nang pinapasama ang image ni Ashley.

"Huwag na huwag mo nang uulitin na takasan si Manok ah! Kapag nalaman ko na pinagtataguan mo na naman yang si manok sasabihan ko sya na 'wag na din magpakita sayo!" Tinanguan ko nalang si Mama dahil nangangawit na yung panga ko kasasagot sa kanya pati nga pwet ko ngawit na eh. Kanina pa kaya ako dito!

"Ayusin mo buhay mo ah! Aakyat na kami napagod ako kakasermon sayo!" Edi dapat hindi nyo ako sinermonan para hindi kayo napagod hehehehehe.

Nung makaakyat sila Mama akala ko makakahinga na ako ng maluwag kaso pagbaling ko sa kabila nakita ko si Hendrix na blanko ang mukha.

"Mauna na rin ako. May aasikasuhin pa ako." Dahil sa bilis nya maglakad at panic ko napatayo ako sa sofa at tumalon para lang mahabol sya.

Putek! Kailan pa ako natuto ng parkour?

"T-teka! Huy hintayin mo ako! Sasama ako!" Napahinto ako sa pagtakbo ng bigla syang humarap sa akin na may nanlilisik na mata.Para syang si Superman! Balak nya yata ako patayin gamit ang laser ng mata nya!

'Wag naman!Papakasalan mo pa ako!

"Nung araw na gusto ko magpasama wala ka diba? Ngayon na ayaw ko gusto mo sumama? Sabog ka ba?" Awts! Biglang kumirot ang aking heart! Hindi ako nakailag!

Tsaka malay ko bang gusto mo magpasama! Nagtatago nga ako diba?!

Kanina ayusin ko buhay ko ngayon naman direktang tanong kung sabog ako! Sino ba nag sabi sa kanila na nagshashabu ako ah?! Isasama ko kay Ashley na conyo para magsidugo ang mga Ilong!

"Bawal ba ako s-sumama?" Takte naman! Ngayon lang nagalit si Hendrix sa akin ng ganito. Babey ko! Bati na tayo! Kailangan pa natin magplano ng kinabukasan!

"Wala ka naman maitutulong sa akin doon. Kaya umuwi ka nalang. Madali lang naman yun. Hindi na kita kailangan do'n." Naramdaman ko kaagad yung pangingilid ng luha ko kaya yumuko nalang ako.

Dati ako pa sinusundo nya para tulungan sya o di kaya para may kasama sya tapos dahil dun sa mga panget na sumugod akong fucking condo biglang ayaw na nya ako kasama!

Badtrip talaga yung balyena,megaphone at conyong yun!

"S-sige. Uuwi na ako. I-ingat ka ah." Tumalikod na ako pagkasabi ko non. Putek! Kung ayaw edi wag! Baka lalo lang sya magalit sa akin. Hindi ko pa naman alam kung paano ko sya aamuin dahil ngayon lang naman sya nagalit sa akin.

Napatigil ako ako sa paglalakad ng may biglang yumakap sa likod ko. Putek! Wala akong perang dala! Wrong timing naman 'tong magnanakaw na toh!

"K-kuya nage-emote ako dito! Bukas mo na ako nakawan kung gusto mo! Bigyan pa kita isang libo! 'Wag ngayon! Broken hearted ako!" Letcheng magnanakaw toh! Tinatawanan lang ako! Ramdam ko na tumatawa sya at naririnig ko yung hagikgik nya dahil yung baba nya nakapatong sa balikat ko.

Pero apaka bango naman ng magnanakaw na toh!

"Bakit ka naman broken?" Putek! Nagha-halucinate na yata ako! Naririnig ko ang boses ni Hendrix sa magnanakaw na ito.

"Ikaw ba naman ireject ng crush mo diba? Sinong hindi mabo-broken?!" Ang sama ng ugali ng magnanakaw na toh! Broken na nga yung isang tao tatawanan pa nya.

"Kawawa ka naman." Sabi nya tsaka iniharap yung mukha nya sa leeg ko at inamoy-amoy.

Putek! Hindi lang pala holdaper toh! Rapist din ata!

"Hoy manong holdaper! 'Wag ganyan! May nagmamay ari na ng katawan na ito! Hendrix property po ito!" Hindi pa sya nagpatinag at lalo nyang siniksik yung mukha nya sa leeg ko nagawa pa nyang hawiin yung buhok ko.

"Hendrix property pala ah! Tara!" Bigla nya akong binuhat na parang sako! Yung ulo ko nakaharap sa likod nya.

Taena! Sa sobrang galit sa akin ng nanay ko kanina dahil sa ginawa ko sa Manok nya eh hindi nya bayaran yung ransom na hihingiin ng adultnaper na toh!

Isinakay nya ako sa isang kotse at nung umikot sya doon ko nakita kung ano itsura nya.

Matangkad,may kalakihan ang katawan at kamukha ng damit nya ang damit ni Hendrix pero hindi ko makita yung mukha nya dahil naka face mask sya na kulay itim.

Nung pumasok sya sa kotse may ipinatong sya doon sa may aircon yun siguro yung naging dahilan kung bakit ako inantok.

Sorry Mama at Papa! Hendrix may mauuna nang makatikim sa akin! Ang bagal mo kasi!

Heard (Completed) Where stories live. Discover now