♻5♻

6 3 0
                                    

"Grabe nakakahilo pala ang ilaw dito sa loob ng Bar,Drix!" Komento ko.Nakakahilo ang ilaw dito sa loob ng Bar. Mausok din dito dahil sa dami ng nagve-vape.Marami rin magme-make out sa mga tabi tabi.

"Gusto mo na ba umuwi?" Grabe naman itong lalaking toh!Kakapasok pa nga lang namin tapos nagaaya na kaagad sya pauwi?

"Grabe ka naman Bespren!Kakapasok lang natin dito oh! Hindi pa nga tayo halos nakakalayo sa entrance eh!" Reklamo ko sa kanya.Halos wala pa ngang isang kilometro ang nilayo namin sa entrance eh.

"Uwi nalang tayo,baka pagalitan ako ni Tita dahil pinapasok kita sa Bar." Parang nanay naman nya yung magagalit sa kanya kung makapagsalita sya. Kahit naman sya nagpasok dito sa akin ako babatukan ng nanay ko hindi sya dahil pinilit ko na naman daw sya.

Sa sobrang bait nya never ko pa syang nakita na pinagalitan ni Tita!Ako kasi batang pasaway!

"Ako ba niloloko mo?Kahit kailan hindi ka napagalitan kaya kapag nalaman nila ito ako ang papagalitan hindi ikaw!" Sya takot na takot pagalitan ako kabaligtaran nya!

"Ayaw ko rin naman na mapagalitan ka kaya uwi na tayo." Pumunta ako sa isang table na walang nagmamay-ari at tsaka ako umupo. Wala na syang nagawa kundi umiling at umupo nalang din sa tabi ko.

"Order ka ng drinks,bilis!Hindi ako marunong eh!" Hindi ko naman talaga alam kung paano umorder dahil FIRST TIME ko nga diba?

"Juice lang ah." Hanubayan!Ang KJ talaga ng lalaking toh!Pumayag pa sya na mag Bar kami kung hindi din nya ako papatikimin ng alak.Isa nga yun sa dahilan kung bakit ko ginustong pumasok dito eh!

"Yung totoo,anak ka ba ng madre?" Daig pa nya ako kung kumilos eh!Akala mo sya yung babae sa aming dalawa! Bukod sa pagiging mahinhin masyado rin sya conservative! Sa dami yata ng babae na kilala nya ako at mama lang nya ang nakakalapit sa kanya ng husto!

Binatang Pilipino!

"Basta bawal ka mag alak! Hindi pwede sa'yo!" Eh bakit pumayag pa sya na pumunta kami dito kung hindi nya rin naman ako papatikimin ng alak?

"Eh bakit pumasok pa tayo dito? Kaya nga kita pinilit na pa--" Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil nilagay nya yung isang daliri nya sa labi ko.Nagkada duling pa ako dahil tinignan ko pa yung daliri nya.

"Oo na!Tama na! Basta isang bote lang tapos uuwi na tayo!" Nagliwanag kaagad yung mukha ko dahil dun. Kaso bakit Isa lang? "Hep!Bawal na umangal!" Sabi nya kaagad at tsaka may pinindot kaya dali-daling lumapit yung isang waiter sa amin.

'Di bale ok na iyon kaysa naman sa juice lang talaga ipainom nya sa akin!

Habang nagsasabi sya ng kung anong alak doon sa waiter ako naman nagtitingin sa paligid.Ganito pala ang itsura ng isang Bar.May mga nagsasayawang ilaw mayroon din na mga teenager na kung makasayaw sa gitna eh dinaig pa ang baliw.Mayroon din na mga babae na nakaupo sa hita ng mga lalake.

Grabe ang pagka-wild ng mga tao sa loob ng Bar! Hindi naman siguro ako magiging ganyan!

"Ayan na!Pag nahihilo kana sabihin mo sa akin para umuwi tayo kaagad!" Sigaw nya sa akin dahil masyadong malakas yung sound dito sa loob ng Bar.

Parang ayoko tuloy sabihin sa kanya kung nahihilo na ba ako o hindi kasi parang ayaw ko pa umuwi.

"Pwede ko na ba tikman?" Tinanong ko nalang sya imbis na sagutin ko pa yung sinabi nya. Ayaw ko pa kaya umuwi! Mamaya nyan low tolerance ako sa alak mapaaga pa ang uwi namin!

Nginiwian lang nya ako at saka kinuha yung bote ng alak at nagsalin sa baso. Nung inabot nya sa akin yung baso ineksamina ko muna.

Malay ko ba kung may lason toh!

"Walang lason yan! Nasa tabi kita at nakatingin ka sa akin ng lagyan ko yan!" Nagulat naman ako sa kanya. Ang galing naman ni bespren nahulaan nya yung nasa isip ko.

May special powers ba sya?

"'Wag lang baliw! Inumin mo na yan! Baka gusto mo na umuwi na tayo?" Dahil dun sa huling sinabi nya ininom ko tuloy ng straight yung alak na dapat pala hindi ko na ginawa dahil gumuhit sya sa lalamunan ko.

Sheyt! Sobrang pait nya!

Nagulat ako ng biglang tumawa si Hendrix. Sa sobrang tawa pa nga nya napahawak na sya sa tyan nya eh. Sinamaan ko naman sya ng tingin dahil sa pagtawa nya sa akin.

"Anong tinatawa mo dyan ha?!" Susumbong ko toh kay mommy pag nainis ako! Bespren nya ako tapos tinatawanan lang nya ako! So bad!

"Eh paano naman kasi ang pangit ng pagkaasim ng mukha mo ng uminom ka ng alak!" Sabi nya sa akin tapos tumawa sya ulit ng tumawa.

Sino ba ang nangasim ang mukha pero maganda parin?!

"Sige nga humanap ka ng babae na kapag nangasim ang mukha eh mas maganda pa sa akin! Pag may nahanap ililibre kita!" Tarantado talaga ito kahit kailan! Pag may nahanap sya gusto nya kiss ko pa sya eh!

Ay ako lang pala may gusto!

"Hahahaha!Hindi ko kailangan ng pera mo!Mas mayaman pa nga ako sa'yo eh!" Eh bakit kailangan nya ipagyabang? Hindi ko naman sya niyabangan ah! Alam ko naman na mas mayaman sya eh! Hindi naman nya kailangan ipagmalaki!

"Oh,nagmumukha lang bibe! Inom na nga lang tayo! Mamaya sabihin mo inaaway na naman kita!" Hirit nya pa bago kunin yung baso na hawak ko at saka nya nilagyan ulit ng alak. Kinuha din nya yung isang baso at nilagyan din ng alak. Nilapit nya sa akin yung baso at sinabing magcheers daw kami.

*Plenk*

Oh tunog ng baso yan 'wag kayong ano!Nag-cheers nga kami diba!

"Mas magulo pa pala sa loob ng Bar kaya sa sabungan,Drix.Akala ko wala ng mas gugulo pa sa sabungan. Marami din naman nagtutukaan dito pero halos lahat nagkakagulo doon sa dance floor." Nalaman ko kung ano ang sabungan ng dalhin nya ako sa isang park pero bago pa man kami makarating sa park may nadaanan kaming nagkakagulo. Gusto ko talagang tignan pero ayaw nya ako pababain ng sasakyan pero dahil pinilit ko sya pinababa na din nya ako. Nung makarating kami soon tinanong ko sya kung ano iyon in explain naman nya agad sa akin kung anong lugar iyon.

Natuwa ako habang nanonood kami pinilit ko pa nga sya na tumaya kami. Hindi na nga kami nakapunta ng park dahil sa sobrang kulit ko.

Heard (Completed) Där berättelser lever. Upptäck nu