♻6♻

8 3 1
                                    

"Hindeeeee!! Babalik ako dun!! *hik* Hindi pa ako lashing!! Ikaw yata ang lashing! *hik* Ikaw ang naga-aya eh!" Inalis ko yung kamay nya na nakahawak sa braso at saka akmang tatakbo pabalik sa Bar pero hindi pa man ako nakakadalawang hakbang nabuhat na nya ako na parang sako.

"Tumigil ka! Lasing ka na!" Sigaw sa akin ni bespren Hendrix. Pinagpupukpok ko naman yung likod nya dahil nahihilo na nga ako paalog-alog pa ang ulo ko. "Yari ako Kay Tita nito eh." Bulong nya pero rinig ko naman.

"Nashushuka na akoo!" Akala mo sya si Flash sa sobrang bilis na ako nababa ng maayos at inakay sa dulo ng parking para doon maglabas ng kung ano.

Sana all mabilis!

"Kanina pa kasi kita pinipigilan uminom pero hindi ka nakikinig! Nakikipag-agawan ka pa ng bote!" Tinaas ko yung kamay ko at pinakto na nagsasalita.

Ganito pala kapag lasing,parang ang kapal kapal ng mukha mo.Yung tipong pati terror teacher mo kayang-kaya mong sigawan! Pero hindi ko na magagawa tapos na ako mag-aral eh!

"Eh kashi hindi pa ako tapos uminom *hik* kinukuha mo na! Ikaw nga hindi ko pinipigilan eh!" Sigaw ko sa kanya.

Ang galing! Ang dami ng tao sa mundo pero parang lalo silang dumadami kapag nakainom ka! Parang kay Hendrix ngayon, nagiging dalawa sya!

Gusto nyo sa inyo yung isa?

Charot! Madamot ako kaya akin lang sila! I don't share what's mine! Bleh!

********

"Maupo ka muna dyan kukuhanan kita ng damit." Tinulak ako paupo ni bespren pero dahil sa sobrang hilo ko imbis na mapaupo napahiga ako natawa pa nga ako kasi feeling ko nasa roller coaster ako eh.

"Bespren! Baba na tayo! *hik* Nahihilo na akoo!" Sigaw ko habang nakapikit. Grabe kahit nakapikit ramdam ko yung hilo ko. Mahina pala ako uminom?!

"Anong baba?! Adik ka ba?! Hindi ka naman lumilipad ah?!" Sigaw sa akin ni Hendrix habang naghahanap ng damit na masusuot ko sa walk-in closet nya.

Hindi nya kasi ako inuwi sa bahay dahil pareho daw kaming papagalitan ni mama kapag umuwi anong lasing. OA pa naman ng nanay ko!

Daig kayo ng nanay ko! Lalo na kung sa palakasan ng sigaw baka nga mabingi ka pa kung hindi ka sanay eh! Buti nalang sanay na kami ni Papa at Hendrix.

"Eh bakit pakiramdam ko hilong-hilo na *hik*ako?!" Gagi daig ko pa sumakay sa roller coaster sa sobrang hilo ko. Sigurado ako bukas sobrang sakit ng ulo ko.

"Eh binanatan mo ba naman yung isang bote na yun eh! Tapos magtataka ka kung bakit ka hilong-hilo!" Umayos ako ng upo kahit pakiramdam ko tutumba ako. Umiling pa ako ng mabilis nagbabasakali na mawala yung hilo ko.

"Oh magbihis ka para komportable ka sa pagtulog." Sabi nya Sabah abot sa akin ng damit. Isang gray iyon na T-shirt at saka isang gray din na boxer.

Lasing din ba sya? Hirap na hirap na nga ako kanina maglakad magbihis pa kaya?!

"Nahihilo ako! Bihisan mo nalang ako!" Sumandal na ako sa head board ng kama at pumikit kaso bigla nalang nya ako sinigawan.

Wala naman akong ginagawang masama ah!

"Nababaliw ka na ba talaga huh?! Ako pagpapalitin mo ng damit mo?! Masyado bang malakas ang tama sa iyo ng alak huh?!" Ano ba masama doon? Magpapabihis lang naman eh! Nahihilo na kasi talaga ako.

"Ano ba masama doon? Sige na! Naduduling na ako oh!" Binuksan ko ng malaki yung mata ko at saka tinuro-turo. Nagduling-dulingan pa ako para epektib.

"Baliw ka talaga! Tinatanong mo pa kung ano yung masama! Dapat pala hindi nalang talaga kita pinayagan na uminom!" Nagkamot pa sya ng ulo nya at saka kinuha yung cellphone nya. Nung lumabas sya tinignan ko yung damit na binigay nya. Tinaas ko yung kamay ko at winasiwas tsaka ako pumikit.

Naalimpungatan ako nang may narinig ako na boses ng babae. Binuksan ko yung mata ko pero hindi ko mapigilan yung pagsara kaya minabuti ko nalang na makinig.

"You owe me one for disturbing me in the middle of the night,Mr.Guevarra." Rinig kong sabi ng babae. Pinilit kong dumilat para tignan yung babae na kausap ni Hendrix.

Nang makadilat ako nakita ko ang isang medyo may katangkaran na babae,kulay Chico ang balat pero makinis,hugis puso din ang mukha. Babae ba sya ng baby ko?

"Lumabas ka muna Mr.Guevarra ako nang bahala sa kanya." Tinanguan lang sya ng baby ko at nung makalabas tsaka sya lumapit sa akin at pinaayos ako ng upo.

"Kabet ka ba ng baby ko?" Pupungay pungay ang mata ko habang tinatanong ko sya. Kasi ang luka-luka tumawa muna at hinubad ang dress ko para isuot yung damot na binigay ni Hendrix.

"May asawa na ho ako kaya inyong inyo na ang baby nyo,Ms.Reachelle Samantha Perez soon to be Guevarra." Napangiti nalang ako dahil sa sinabi nya. Masyado na akong inaantok para sagutin pa sya sapat na sa akin na marinig ko na hindi sya kabet ng baby ko.

"Tapos ko na ho kayong bihisan mauuna na po ako,baka ho hinahanap na ako ng kambal ko." Tinanguan ko nalang sya at kinawayan kahit nakasarado na yung mata ko.

Sana all may kambal!

Napalingon ako sa may pintuan ng bumukas iyon pero wala akong nakita dahil hindi ko talaga kaya idilat yung mata ko pakiramadam ko nga isang linggo akong puyat.

"Hendrix ikaw na ba yan?" Tanong ko nalang hindi ko makita eh. Narinig ko naman syang bumungisngis.

"Yes. Matulog ka na kukuha lang ako ng unan dahil doon na ako sa sala matutulog." Hinalikan pa nya ako sa noo bago ko maramdaman na kumuha sya ng unan. Kaso hinila ko yung braso nya nung naramdaman ko na aalis na sya.

"Wag mo akong iwan. Dito ka lang ayaw ko matulog nang walang katabi." Sabi ko sa kanya habang hawak ko pa rin yung braso nya. Parang hindi ko kaya matulog nang walang katabi ngayon.Hindi ako kontento sa mga unan na nandito.Gusto ko yung mayayakap din ako.

"Alam mong hindi pwede iyon,Reachelle." Mahinahon nyang sabi sa akin.

"Ngayong gabi lang naman at saka wala naman tayong gagawin na masama." Sana pumayag na sya gusto ko na syang yakapin eh.

"Basta ngayong gabi lang ito. Help me God. Don't let me do something stupid tonight." Hindi ko na narinig yung ibang sinabi nya dahil umikot sya papunta sa kaliwa ko malaki pa naman ang kama nya.

Nung makahiga sya dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap sya. Napaigtad sya pero pinagsawalang bahala ko nalang.

"'Wag ka naman masyadong malapit,chelle." Tinulak pa nya ako ng mahina pero lalo ko lang syang niyakap kaya wala na din syang nagawa. Narinig ko nalang syang bumuntong hininga at naramdaman ko nalang na niyakap na din nya ako.

"Goodnight Drix."mahinang sabi ko at lalong sumiksik sa kanya.

" Goodnight.Sana lang makatulog ako." Tuluyan ng bumagaak ang mga talukap ng mata ko ng maramdaman ko na hinalikan nya ako sa noo.

Heard (Completed) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz