♻2♻

6 3 0
                                    

"Punasan mo nga yang bibig mo!Napaka kalat mo kumain!Para kang bata!Tinalo mo pa si Heidie!" Reklamo sa akin ni Tatay Hendrix.

Kinuha ko nalang yung tissue at saka pinunasan yung bibig ko.Nandito kami ngayon sa favorite ko na Ice Cream Parlor.

"Ok na ba?" Tanong ko sa kanya.Habang dumidila ulit sa Cookies and cream kong Ice Cream.

Tumawa sya at saka nilabas yung cellphone nya saka nagki-click dun.Hinila ko naman kaagad yung kamay nya para burahin yung mga picture pero kinuha ng isa nyang kamay yun.Sinamaan ko nalang sya ng tingin dahil alam kong kahit Anong gawin ko hindi nya ibibigay yung cellphone nya.

"Napaka-kalat mo talaga kumain.Para kang bungal." Kinuha nya yung tissue at pinunasan yung sa may ibaba ng ilong ko.My ghaddddd!Si crush pinunasan yung ice cream!Heheheh!Maingg­it kayo please!!

Pero lahat ng imagination ko nawala ng bigla nyang itaas yung tissue kahit nakadikit pa sa balat ko.Napaangat tuloy yung ulo ko ng wala sa oras.Tumawa naman sya ng tumawa na parang wala ng bukas.

Minsan nakakaturn-off talaga itong lalaki na ito!

"Pinunasan ka lang kasi natulala ka na!Ganun ba talaga ako kagwapo hah?" Sinamaan ko nalang sya ng tingin at lumabas ng Ice Cream Parlor na yun.

Pasalamat sya crush ko sya kaya hindi ko sya papatulan.Hindi ko nalang sya papahingahin,just by using my lips.

^_^

Landi ko talaga!

"Hoy!Hoy!Teka lang intayin mo naman ako!"Sigaw nya habang tumatakbo.Dahil alam ko na tumatakbo sya tumakbo rin ako pero hindi palapit sa kanya.

Tinuruan kaya ako ni mommy na maging dalagang Filipina!

Kaso dahil nga pandak ako at maliliit lang ang hakbang ko naabutan nya ako.Nung naabutan nya ako bigla nya akong niyakap kaya yung Ice Cream na kinakain ko dumikit lahat sa damit ko.

Tinanggal ko yung braso nya at saka ako humarap sa kanya.Sinamaan ko sya ng tingin bago ako tumingin sa damit ko na sobra ng sweet.

Ang lagkit ko naaaa!!

Nung tignan ko sya ulit naka piece sign na sya habang nagpipigil ng tawa.Kagat kagat nya yung ibabang labi nya habang nakatingin sa akin.Ang hot nya pero naiinis ako kaya waeffect yan sa akin ngayon.

" Bibilan nalang kita ng damit.Huwag ka na magalit.Promise kahit buong boutique shop bibilin ko para sayo."At ako ay likas na marupok pagdating sa kanya nawala na kaagad yung galit ko dahil lang dun sa sinabi nya.

Pero syempre dapat pakipot muna!

"Heh!Hindi mo ako madadaan sa paganyan-ganyan mo!Tignan mo!Ang lagkit lagkit ko na!" Reklamo ko kahit hindi naman na talaga ako nagtatampo.Wala lang para masuyo lang.Hehehehe.

"Eh sorry na nga.Gusto mo tapunan ko rin ng ice cream yung damit ko eh." Lumapit sya sa akin tsaka nya pinagdikit yung dalawang palad nya na parang bata na huminhingi ng sorry sa mama nya.

"Hmp!Alam mo naman na favorite na T-shirt ko ito eh!" Bigay pa naman ito ni mommy nung 18th birthday ko.Yun yung almost 4 yrs hindi umuwi si mommy,akala ko pati sa birthday ko hindi sya dadating.Yun pala sosopresahin nya ako at reregaluhan ng unicorn na damit.

"Eh sorry na nga.Promise kahit ano gagawin ko.Basta bati na tayo." Nagpout pa sya na baka pag nakita nyo mahimatay pa kayo.

Napaka cute nya!

Kahit ano gagawin nya daw!Gawin ko kaya itong slave?O kaya Boyfriend?O kaya pasuotin ko sya ng pang maid na costume?Bwahhaha!Ang­ cute nun!

"Hoy!Natapunan ka lang ng ice cream nababaliw ka na!Bakit ka tumatawa?May nakakatawa ba sa pagso-sorry ko?" Hindi ko napansin na bumubungisngis na pala ako.Sorry naman natawa lang ako ng naimagine ko na magsusuot sya ng maid na costume eh.

"Eh sa may naisip ako eh!Bakit ba nangengealam ka!Tinapunan mo na nga ako tapos sasabihan mo pa akong baliw!Hmp!Bahala ka na nga dyan!Uuwi na ako!" Tinalikuran ko na sya pero niyakap nya ako kaagad.

Ayiiiieee!Nag Back Hug sa akin si crush!Mainggit kayo!

"Hindi mo ba alam schedule mo?" Napaisip naman kaagad ako dun.Anong schedule naman sinasabi nito?Kabisado ko naman sched ko sa pang araw-araw ah.

"Alam ko.Kabisado ko pa nga eh." Ayaw ko tumingin sa kanya mamaya sabihin nya advance ako masyado.Nakadantay kasi yung ulo nya sa balikat ko kaya kapag lumingon ako magki-kiss kami.

Bwahahahah!Lingon nalang kaya ako?

"Eh bakit parang hindi mo alam na may dalaw ka ngayon?" Bulong nya.Pero imbis na magtayuan yung balahibo ko nanlaki yung mata ko.Pakening sheyt!Oo nga!Bakit ko nakalimutan yun?

"Diretso ka lang may malapit na boutique dito.Yayakapin nalang kita para hindi makita ng iba." Pakening sheyt talaga!Sa sobrang landi ko imbis na mahiya ako kinikilig pa ako!

Nang makarating kami ng boutique dumiretso kami sa pants at underwear section.Kumuha kami ng isa at saka kami pumunta sa fitting room para makapagpalit ako.

Kaso paano yung Napkin?!

"Antayin mo ako dyan.Bibili lang ako ng napkin mo.Mabilis lang ako,promise."Pagtapo­s nya sabihin yun sinara nya yung pintuan nitong fitting room.

Ang swerte ko talaga sa baby Hendrix ko.

Dahil may upuan naman dito sa loob naupo muna ako habang iniintay ko sya.Maya-maya nakarinig na ako ng katok sa pinto.Tumayo ako tsaka binuksan ng kaonti yung pinto.

" Oh may wings yan ah!Baka mali na naman nabili ko?" Tinawanan ko nalang sya at nagpasalamat.

Habang nagbibihis naalala ko nung dati na dinala nya ako sa mall.Pero habang naglalaro kami sa game zone nagulat ako ng bigla nya akong yakapin sa likod.Akala ko nga tatanongin na nya ako kung gusto ko sya maging boyfriend,yun pala may maliit na tagos na ako.Hinatid nya ako nun sa restroom eh sakto na walang tao dun kaya nagawa nyang pumasok dun nung nakabili na sya ng napkin.Eh kaso hindi ako komportable ng walang wings kaso mukhang nakalimutan nya na yun dahil sa sobrang pagmamadali.Ayun bumalik ulit sya sa bilihan para bumili.Sabi ko nga wag na kaso ayaw daw nya ng hindi ako komportable.

Kikiligin na sana ako nun kaso dinugtungan pa nya ng....

"Baka hindi na tayo makapaglaro kapag hindi ka komportable."

Ayun imbis na magpasalamat sinapok ko sya sa ulo tapos binelatan ko sya.Nakakakilig na kinontra pa nya eh.Pogi nga kaso tarantado.

Heard (Completed) Where stories live. Discover now