♻4♻

10 3 0
                                    

"May dalaw ka nga pero kung makapagkulit ka parang wala lang sayo!Paano kung tagusan ka dyan!Wala ako dyan Reachelle kaya umayos ka ah!" Napakasungit naman ni tatay Hendrix ko.

"Hindi naman ako makulit ah! Nandito nga lang ako sa kama ko eh!" Tinawagan kasi nya ako at tinatanong kung may ipapabili daw ba ako.Pauwi na kasi sya galing Palawan para i meet yung isang kliyente nya.

"Kaya pala pagulong-gulong ka pa sa kama mo." Napatayo kaagad ako at saka tinignan yung cellphone ko.

Paano nya nalaman eh hindi naman kami naka-video call?

"H-hindi naman ako gumugulong sa kama ko ah!" Patingin tingin pa ako sa cellphone ko para lang malaman kung nakikita ba talaga nya ako o hindi.Wala rin naman CCTV sa kwarto ko kaya nakakapagtaka.

"Hindi na nga,kasi tumayo kana."Natatakot na talaga ako dahil sa sinasabi nya kaya tinignan ko ng mabuti yung cellphone ko hinahanap ko kung may nakalagay ba dito na camera chip o ano.

Wala naman.

" Kahit kailan ang adik mo talaga."Sabi nya bago nya patayin yung tawag.

Hindi naman ako nagsha-shabu pero lagi akong natatawag na adik.Adik kay Hendrix pwede pa pero kung usapang shabu,aba labas ako dyan!

"Hindi nga sabi ako adik eh!" Sigaw ko sa cellphone ko kahit alam ko na hindi na nya yun maririnig.Pinatay na nya eh paano pa nya maririnig yun.

"Adik ka." Nanlaki kaagad yung mata ko at saka dali-dali kong inilapit yung mukha ko sa cellphone ko sunod yung tenga ko naman ang dinikit ko.

Pakening sheyt!Saan galing yun?!

"Alam mo na pinatay ko na yung tawag pero dyan ka parin nakatingin sa cellphone mo.Adik ka talaga." Dahan dahan akong lumingon sa likod ko.Naka tayo doon si Hendrix habang magka-cross ang dalawang braso nya.

Tumalon ako pababa sa kama tapos niyakap ko sya.Tumawa naman sya habang niyayakap ako pabalik.Bwahahhaha!M­ainggit kayo nayayakap ko crush ko!

"Grabe naman!Ganyan mo ba ako kamiss chelle?" Yes na yes crush!Ganito kita kamiss!Parang sa sobrang pagka miss ko sayo gusto na kitang itali sa katawan ko!Bwahahahaha!

"Nagugutom ka ba?Gusto mo kumain?" O ako yung gusto mo kainin?Charr!

"Dumaan muna ako kila Lola bago dumiretso.Pinakain na nila ako dun kaya busog na ako." Namiss ko talaga sya kahit dalawang araw lang sya na nawala.

"Gusto mo gala tayo?" Ang sweet naman ng baby Hendrix ko.Hindi pa sya nakakapagpahinga nagaaya na ng date.

Baka ako stress reliever nya?Bwahahahaha sweet!

"Hindi ka pa nga nagpapahinga nagaaya ka na dyan." Mas gusto ko na magpahinga muna sya kaysa maggala kami.Alam ko pagod sya eh.Mabait naman ako kahit malandi.

"Mamaya na ako magpapahinga.Gusto pa kita kasama eh." Pinigilan ko mapangiti dahil alam ko na sasabihin na naman nya akong baliw.I just tucked my hair behind my ear to stop myself from smiling.Dalagang Pilipina yeh!

"Nakakahiya naman yun!Mamaya nya masakit yung likod mo tapos maggala pa tayo." Kinuha ko yung bag nya sa balikat nya at saka ako tumalikod sa kanya para ilagay sa kama at tsaka ilabas yung ngiti ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Anong nakakahiya?Bespren nga tayo diba.Mas gusto kitang makasama kaysa magpahinga." Ok na sana eh.Nakakakilig na kaso 'Bespren nga tayo diba'.

#Friendzone

Humarap ako sa kanya pero malapit na pala sya sa akin kaya muntik na ako matumba pero nasalo nya ako, napatingin tuloy ako sa mata nya.Ang ganda talaga ng mata nya.Palibhasa may lahi si crush kaya may kulay ang mata nya.Kulay Green lang naman.

Akala ko ikikiss nya ako yun pala tutulungan nya ako tumayo.Sayang!Ganun pa naman yung napapanood ko sa mga K-Drama.

"Ehem!Ano alis na ba tayo?" Tanong nya sa akin habang nakatingin sa may salamin sa terrace ng kwarto ko habang lumulunok-lunok pa.

"Sige,antayin mo nalang ako sa baba.Magbibihis muna ako." Gusto mo dito ka lang panoorin mo ako.Hehehehehe.

"Sige!Bilisan mo ah!" Sabi nya saka nagmamadaling lumabas ng kwarto ko.

Ako naman pumunta kaagad ako ng walk-in closet ko para humanap ng damit.Nung makahanap ako maligo agad ako at nagbihis.Nag make-up din ako ng light lang dahil alam ko naman na papagalitan ulit ako ni Tatay Hendrix kapag masyadong makapal ang make-up ko.

Maganda na daw kasi ako!Charr!

Nung bumaba ako naabutan ko sya na uminom ng kape habang kausap si mama.Tungkol sa business yung pinaguusapan nila. Nung makita nya na tapos na ako tumayo na sya at pinaalam ako kay mama,pumayag naman si mama dahil aalis din naman daw sya maya-maya.Paglabas sumakay kami agad sa kotse nya.

Nung makarating kami sa paroroonan bago kami pumasok nakita yung katapat nya na Bar.Parang gusto ko magbar.In 24 yrs of my existence i still don't know what is the feeling of being drunk.I didnt also have a chance to enter a Bar.Seryoso yan ah!Its eighter im busy or Hendrix didn't allow me.Oo nakatikim na ako ng wine pero hanggang tikim lang dahil hindi na ako pinayagan ni Hendrix na uminom ng marami kaya hanggang tikim lang ako.

"Drix!Pasok tayo sa Bar!" Sabi ko kay Hendrix habang nakasabit yung kamay ko sa braso nya.Gusto ko talaga maranasan na pumasok at malasing sa Bar.

"No.We're not going to enter that Bar." Sabi nya sa akin tsaka ako hinila papasok sa loob ng mall. "I'm not really going to allow you after seeing you in that dress." Hindi ko narinig yung huling sinabi nya dahil sa sobrang hina pero sigurado ako na may sinabi sya.

"Ano sabi mo?" Tanong ko sa kanya.Ang hilig nya sa ganyan lalo a kapag magkasama kaming dalawa.Ang hilig nya bumulong.

"Wala naman akong sinasabi ah." Pinanliitan ko nalang sya kahit alam ko naman na nagsisinungaling sya.Narinig ko kaso hindi ko naintindihan.

Naglaro kami at nagikot pero parang hindi parin ako kuntento.Usually kapag kasama ko si Hendrix at inaya nya ako gumala sobrang saya ko parang lumulutang pa nga ako kapag ganun eh.Kaso ngayon parang nakasakay nga sa ulap hindi naman lumulutang ni hindi nga lumipad eh.Nakaupo kami ngayon dito sa isang bench na malapit sa fountain dahil napagod kami sa paiikot.

Para akong nasa classroom,katabi ko nga si Crush kaso utak ko yung lumilipad hindi ako.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Hendrix yung baba ko at iniharap nya sa kanya.Tinignan nya ako ng mabuti na parang may iniisip din syang malalim.

"Gusto mo ba talaga pumasok ng Bar?" Tanong nya sa akin.Agad nagliwanag yung mukha ko dahil sa tanong nya.Parang unti-unti ng umaangat yung ulap na sinasakyan ko!

"Oo!Gusto ko talaga!Kaso ayaw mo naman!" Sabi ko sa kanya tapos nginusuan ko sya. Huminga muna sya ng malalim bago sumagot.

"Papasok tayo ng Bar pero siguraduhin mo na magbe-behave ka." Parang gusto ko tumalon bigla dahil dun sa sinabi nya sa akin.

"Oo!Promise magbe-behave ako!" Tinaas ko pa yung kanang kamay ko.

At tuluyan ng lumipad ang ulap pataas!

Heard (Completed) Where stories live. Discover now