♻1♻

21 3 3
                                    

"Ilibre mo na kasi ako Hendrix!Ang yaman mo naman tapos napakakuripot mo!Hindi ka naman mauubusan ng pera eh!" Nakakabwiset na itong lalaking toh!Napakakuripot!

"May pera ka rin naman pero ewan ko ba sa'yo ang hilig hilig mo sa libre." Nginusuan ko nalang sya.

Andito kasi ako ngayon sa kwarto ni bespren Hendrix.Nangungulit na ilibre ako sa mall.Oo nga may pera ako kaso may limit ang paggamit ko ng pera samantalang sa kanya wala.Kaya sya yung ginugulo ko.Hanggang ngayon kasi may access pa rin ang mga magulang ko sa ATM ko dahil nga raw magastos ako.

"Bilis na kasi Drix!Damit lang naman ang ibibili mo eh!"Tinusok tusok ko yung tagiliran nya kaya napilitan na syang patayin yung laptop nya. Sakto naman na tapos na rin sya.

"Oo na!Oo na!Palibhasa alam mong hindi kita kayang tiisin." Reklamo nya habang sinusuot yung T-shirt nya.

Nasanay nalang ako na nakikita yung katawan nya dahil sa tuwing pumupunta ako dito its either nakasando syang manipis na sa sobrang hapit eh bumabakat na yung abs nya o wala talaga syang sando o t-shirt na suot.

Kahit na sinong babae makakakita siguro ng katawan ng bespren ko mahihimatay o di kaya malalaglagan ng panty.Masyadong maganda ang pagkakahulma ng katawan ng bespren ko na kahit siguro yung Nanay sa kanto eh gugustuhin na makita syang nakahubad.

"Tingin ka na naman dyan!Sabi sayo eh!Macho ako eh ayaw mo lang umamin!Alam ko rin na crush mo ako!"Oo na aamin na!Crush ko si Hendrix simula nang pinakilala sya sa akin ni mommy bilang anak ng business partner nila.

" Alam mo kahit kailan napaka-kapal ng mukha mo!Malaki nga katawan mo ang tanong gwapo ka ba?Ha?Gwapo ka?"Hinampas hampas ko sya habang palabas kami ng kwarto nya.Nasangga pa tuloy namin yung laruan ng nakakabata nyang kapatid na si Heidie.Nagkatinginan­ tuloy agad kami dahil alam na namin mangyayari sa amin.

"Kuyaaaaaaaa Hendrriiiiixxx!Ate chelllllleee!" Tumakbo na kami pababa ng hagdan.Nagkanda-dapa­ dapa pa kami makababa lang.Baka ibato na naman nya sa amin yung mga laruan nya eh.Mabibigat pa naman yung laruan nyan.

"I-ikaw kasi eh!A-ang harot mo eh!" Hingal hingal kami ng makarating kami sa garage ng mansyon nila.Feeling ko nawalan ako ng hangin sa baga dahil sa ginawa namin na pagtakbo.

"I-Ikaw kaya yun!Ang l-likot likot mo!Hampas ka nang hampas!"Ako pa sinisi eh sya yung nakabunggo dyan.

Huminga muna ako ng malalim tsaka sya hinampas ng malakas sa braso.Napaaray naman sya kaagad.Sa bigat pa naman ng kamay ko eh sinong hindi aaray.

" Babalik na nga lang ako sa loob.Ayaw na kita ilibre.Inaaway mo ako."Nanlaki kaagad yung mata ko dahil sa sinabi nya. Hindi pwede!Paano na yung sale ng damit sa mall?!

Niyakap ko kaagad yung braso nya dahil kapag yan nakaakyat na nang kwarto nya tatamadin na yan bumaba.

"Hindi na!Sorry na!Hindi ko na uulitin!Promise!" Hinigpitan ko talaga yung yakap ko sa braso nya.Mamaya nyan hindi nya na talaga ako bilhan eh.

"Psh!Tara na nga.Alam mo naman na hindi kita matitiis eh." Ginulo nya yung buhok ko kaya pinanliitan ko sya ng mata.Ang tagal ko inayos itong buhok ko tapos guguluhin lang nya.Pero hayaan mo baka pag nag reklamo ako umuwi na talaga yan.

Sayang kaya yung sale sa mga damit sa mall!

Binitawan ko lang yung braso nya ng makasakay na kami sa kotse nya.Habang papunta kami ng mall binuksan ko yung player ng kotse nya at nagpatugtog.Kaya habang nagmamaneho sya kumakanta at tsaka sumasayaw kami.

*******

"Nagpalibre ka na naman kay Hendrix ano?Ikaw talaga na bata!Mamaya nyan eh isipin ni Hendrix na kinaibigan mo lang sya dahil sa pera nya!" Kahit kailan apaka OA ng Nanay ko.

Kahit walang pera si Hendrix gusto ko pa rin sya naging kaibigan.Masyado syang mabait,gwapo at saka isa pa maginoo.

"Grabe ka naman mama!Hindi naman ako gold-digger ano!At saka isa pa may sarili akong business ma!" May sarili akong kumpanya.Kaya lang naman akong nagpapalibre eh dahil kinoclose nila ang ATM ko kapag alam nila na gumagastos na ako.

"Umayos kang bata ka ah!Para tayong naghihirap dahil dyan sa ginagawa mo!" Napanguso nalang ako dahil sa sinabi ni mama.Madalang naman ako magpalibre kay Hendrix eh.Mga M-W-F-S lang naman yung sched ko na pagpapalibre eh.

"Opo!Babawasan ko na!Mga 3 times a week nalang." Napatakbo kaagad ako ng ambaan ako ng batok ni mama.

Asan ba kasi si Papa eh?!Wala tuloy akong kakampi!

Dumiretso nalang ako sa kwarto ko kahit naririnig ko pa yung sigaw ni mama sa baba.Mayamaya huminto rin yung sigaw sa baba siguro nasa kusina na naman si mama nyan.Lagi syang tumutulong sa kusina kahit may tagaluto naman.

Kinuha ko muna yung laptop at saka nanood ng mga palabas.Nung medyo tinamad na akong manood pinatay ko na muna at tumayo para kumuha ng damit sa walk-in closet ko.

Nung makakuha ako ng damit maligo ako kaagad.Nung matapos naupo ulit ako sa kama at kinuha naman yung cellphone ko.Nagcheck ng emails nung matapos ako nag bukas ako ng messenger at chinat si Hendrix.

Me:Besprennnnn!

Bespren:Ano na naman?May kailangan ka na naman?

Me:Grabe ka naman bespren! Porket chinat ka lang may kailangan kaagad? Hindi ba pwede kakamustahin ka lang?

Nginiwian ko tuloy yung cellphone ko.Napaka advance naman ng lalaking ito.Kapag chinat may needs kaagad.

Ang tagal nya magreply kaya chinat ko sya ulit.

Me:Huyyyy!Ano na!Bakit hindi ka na nagreply?!

Bespren: Nagtaka lang ako.

Me:Grabe ka naman magtaka bespren!Humihinto talaga!

Bespren:Saan ka nakakita ng nagiisip na hindi napapahinto?

Dahil dun sa sinabi nya napahinto ako at tsaka nag-isip kung meron bang tao na hindi humihinto.

Teka pati ako napahinto!Cool!

Me:Oo nga ano!Kahit ako napahinto nung iniisip ko kung may tao bang nagiisip na hindi humihinto!Ang talino mo talaga bespren!Lahat pala talaga napapahinto kapag nagiisip!Ngayon ko lang nalaman yun!Thank you!

Bespren: Kahit kailan wala ka talagang kwenta!

Eh sa ngayon ko nga lang nalaman eh!

Heard (Completed) Where stories live. Discover now