Kabanata 10

1.9K 60 5
                                    

(Juanito's Pov)

Minsan na tayoy pinagtagpo ngunit hindi gusto ng tadhana na  magkausap tayo
pero nagbabakasakali parin ako na magkasalubong muli ang landas natin dalawa.

Malungkot akong napaupo. May pag asa pa kayang magkasalubong muli ang landas naming dalawa?

"Magandang umaga Juanito" Ngiting sabi ni Elena habang bumababa ng hagdan

"Magandang umaga din sayo binibini" balik kong sabi sa kanya

Habang pinagmamasdan ko si Elena ay naalala ko ang sinabi ni Madame Olivia.

Ano nga ba ang masamang balak ni Elena?

(Carmela's Pov)

Nagising nalang ako na hinahabol ang aking hininga.

"Sino kaba talaga?"

"Ate kakain na!" sigaw ni Emily habang kumakatok

Tumayo na ako para lumabas na sana ng kwarto pero may napansin akong kwentas sa lamesa.

Linapitan ko ito at kinuha at nagulat nlng ako ng mapagtanto kong ito yong kwentas na ibinigay sakin sa panaginip ko!

P-paano nangyari? bakit nandito ito?

Maya maya bigla na namang may kumatok kaya nagulat ako at nabitawan ko yong kwentas.

"Ano ba ang ingay mo!" sigaw ko pero pagbukas ko ng pinto si dad ang tumambad sakin

"S-sorry po"

"Gumising ka dahil may special tayong bisita sa baba" seryosong sabi nito at bumaba

Sumunod naman ako at inayos ang sarili.

Sino ba kasi ang bisita kay aga aga.

"Good morning" hay aga aga wala na ako sa mood. eh pano ba naman eh si Rayver pala at ang pamilya nya ang sinasabi ni dad na SPECIAL na bisita.

Umupo na ako at kumain narin.
Tahimik lng kaming kumakain hanggang sa nagsalita si Emily

"Ate saan mo ipinagawa yang kwentas mo? ang ganda ah, hindi ko alam mahilig ka pala sa mga ganyang klaseng kwentas" sabi nito kaya napakunot naman ang noo ko.

Yumuko naman ako para makita kung anong kwentas ang sinasabi niya.

OMG!

H-how?

"Ate bilhin mo naman ako ng ganyan pleaseee"

Napatayo naman ako kaya nagulat sila. Pero hindi ko sila pinansin at dali daling umakyat ng kwarto

"Carmela san ka pupunta?!" sigaw ni dad pero hindi ko ito pinansin

"Im sorry" pagpapaumanhin ni dad kina Rayer

Dali dali akong umakyat ng kwarto.

Ang naalala ko ay nahulog ito kanina at hindi ko pa ito pinulot at kailan man ay hindi ko ito sinuot!

Paano ito nangyari ?

Napahawak nlng ako sa kwentas kong suot at may bigla nlng akong naalala

"Je t'aime, Ichi liebe dich, Te amo. Tatlong magkakaibang lenggwahe , pero iisa lang ang ibig sabihin nito. Mahal kita Binibini. "

Napahawak nlng ako sa ulo ko dahil sa sakit nito at hanggang sa natumba ako at hindi ko na alam ang nangyari.

Nagising nlng ako na nasa tabi ko na si Elena

I love you since 1892 Fanfic( Kasalukuyan)Where stories live. Discover now