Kabanata 8

2.5K 82 18
                                    

(Juanito's Pov)
Hindi namin nahanap ni binibining Elena si binibining Carmela ngunit sa aming paghahanap ay nasiyahan kaming dalawa.

Para lang kaming namasyal at nakakapanibago yon sakin dahil bago lng ako dito sa mundo nila at parang bago lng daw rin yon para kay binibining Elena dahil hindi sya pinapayagang lumabas ng mga magulang nya noon.

Kaya sinulit namin ang mga lugar, kumain at lumakad ang aming ginagawa.

Ay meron pa palang isang bagay na aming ginawa ngunit bago yon sakin.

Yong tinatawag niyang selpon? kumuha kami ng litrato kahapon gamit ang selpon nya.

Kasalukuyan akong nasa kusina. Ako naman ang gagawa ng almusal namin. Ako naman ang mag aasikaso sa kanya. Napagtanto ko na parang wala yata akong ambag dito sa bahay nila kaya para makabawi ay ako na ang nagluto.

Niluto ko ang paborito kong kaldereta ngunit naalala ko lng si binibining Carmela

"Wow ang bango!" sigaw ni binibining Elena habang pababa ng hagdan

"Halika na binibini, malapit na itong maluto"

"sige!" sabi nito at mabilis na umupo

"Sana makita na natin si binibining Elena noh" lumingon naman ako sa kanya at ngumiti

"Huwag lng tayo mawalan ng pag asa, mahahanap rin natin sya"

Matapos kong sabihin yon ay naging tulala si Elena at sakin lng nakatingin. Tila akoy naiilang kaya agad akong nagsalita.

"Luto na!" sabi ko at napansin ko namang bumalik sya sa katinuan.

"Masarap nga! Lahat yata ng babaeng makakatikim nito ay ma fafall sayo!" sabi niya pero agad nyang tinakip ang bibig nya

"ma popol?" kunot noong tanong ko

"ahh w-wala" sabi nito at kumain muli.

(Carmelas Pov)
Nasa restaurant na kami ni Dad at hinihintay na namin yong anak ng kumpare nya na sinasabing makakasama ko rito sa restaurant.

Mabuti narin ito para mabawasan ang ka stressan ko.

Maya maya ay may biglang pumasok.

Uminit nalang bigla ang ulo ko nang makita kung sino ito.

Lumapit ito papunta samin kaya sinalubungan ko syang nakataas na kilay.

"Nandito ka na naman ba para inisin ako? " mataray na sabi ko

"No, Im here to work with you"sabi nito at bumaling ng tumingin kay dad.

" Im Rayver Lim, Greg's son sir "sabi nito at nakipagkamay kay dad kaya nagulat ako.

"Wag mo sabihing..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sa akin na naman sya tumingin.

"Yes, we work together miss Carmela" nakangiting sabi niya pa!

"Wait, so magkakilala kayo?" singit ni dad

"No" ako
"Yes" siya

Mas lalo akong nainis dahil sabay pa kaming sumagot ni Rayver!

"so ano ba talaga?"nalilitong sabi ni dad.

"We met yesterday sir. Bumisita ako rito kahapon para tingnan ang restaurant nyo, at the same time yong makakatrabaho ko, and realize na mabait naman pala ang makakatrabaho ko at maganda pa" sabi niya at tumingin sakin kaya napairap nalang ako ng wala sa oras.

I love you since 1892 Fanfic( Kasalukuyan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon