Tula #5

2.7K 74 31
                                    

"Ginoo"

Aking ginoong Juanito,

  Akoy nagpapasalamat dahil nabasa ko ang kwento nyo ni Binibining Carmela.
Dahil sa isang tulad mong maginoo
akoy humihiling na sana sa modernong mundong ito
maaari bang mawala ang mga lalaking bastos at gago?
at mapalitan ito na maginoong katulad mo

Ginoo, nais kong sabihin sa iyo na binuo mo ulit ang puso ko
Dahil sa pinakita mong sakripisyo para sa bayan mo
hindi lang ikaw, kundi pati narin sa mga kasama mo

Akoy napagtanto na hindi pala madaling mabuhay sa panahon nyo pero nakaya mo
dahil isang Binibining nagbigay na inspirasyon sayo

Nais ko rin sanang humingi ng paumanhin sayo Ginoo
dahil nong una hindi ko nagustuhan ang kwento mo
dahil nagsasalaysay ito sa makalumang panahon nyo
na kung saan karamihan sa amin
hindi binibigyan ng halaga yong mga taong nagsakripisyo upang makamit ang kalayaan nating mga pilipino
Ngunit nais ko ring sabihin sa iyo na habang binabasa ko ang kwento mo
napagtanto ko na mahalagang mabasa ito lalo na sa mga pilipinong nakalimot sa mga bagay na isinakripisyo ng mga tao noon na binalewala na ngayon

Ginoo, hindi man kayo nabuhay sa modernong ito
at kahit nabubuhay lamang kayo sa libro
Nananatili parin ang kabutihan nyo dito sa aming puso
at sanay makahanap rin ako ng aking sariling Ginoong Juanito Alfonso

Nangangarap at Naghihintay
Binibining Angeline

#ILOVEYOUSINCE1892

I love you since 1892 Fanfic( Kasalukuyan)Where stories live. Discover now