Kabanata 5

3.1K 103 17
                                    

(Carmela's Pov)

" basta kahit anong mangyari wag na wag kang maiinlove sakin!" sabi ko pa ,naaninag ko pa din yong puti ng mga mata niya.

"H-ha? Inlove?" nagtataka nyang tanong. Omg! oo nga pala, mas sanay mag tagalog at magkastila ang mga tao sa panahong ito.
"Ahhh-- Ang ibig kong sabihin, wag na wag kang iibig sakin" paliwanag ko ulit, seryoso ako pero nagulat ako nung biglang napakunot yung noo nya at medyo natatawa na sya ngayon.

Napataas naman ang kilay ko. Pinagtatawanan nya ba ako?!

"H-hoy! Anong itinatawa-tawa mo diyan?" pagsusungit ko ulit. Naaninag kong tumayo na sya at pinagpagan nya din yung damit nya. Tatayo din sana ako kaso hindi ko kaya

"Binibini, huwag mo sanang mamasamain, dahil may iba na akong napupusuan" sabi pa nya, naaninag ko na parang naka smirk pa sya. Abaaaaa!

Whuut? Tinurn down nya ako?!

At dahil sa inis napatayo ako, buti nalang madilim ang buong paligid kaya hindi niya nakita ang reaksyon ng mukha ko dahil sa sakit ng likod at paa ko, napilay nga ako huhu.

"Ma'am nandito na po tayo"
Nagising nalang ako nang may tumatapik na sa balikat ko.
Nakatulog pala ako.

"T-thank you" sabi ko at inabot na ang bayad

Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok na sa loob ng bahay.

Bigla akong napatigil nang maalala yong panaginip ko.

Sino ba talaga sya?Anong meron sa kanya?

"oh ate nanjan ka na pala"
hindi ko pinansin si Jenny at nagpatuloy lng sa paglakad.

"Mabuti't umuwi ka ng maaga"

nagpatuloy lng sa ako sa paglalakad at nilampasan si dad.
Umakyat agad ako ng kwarto pero nagsalita ulit si dad

"Carmela kinakausap pa kita"

"dad bukas nlng pagod ako"
walang gana kong sagot

"But I want you to know na bukas na bukas ikaw na ang magmamanage ng business natin, kaya dapat umayos ka na"

"Ano? "

"Sinabi ko na uulitin ko pa ba? Carmela ikaw lng ang aasahan ko sa restaurant natin kaya umayos ka"

Ito na nga bang sinasabi ko! noon palang ayaw ko na ng business management na yan at pinilit pa talaga akong kunin ang course nayon at ito na, ako na nga ang mag mamanage. Hayssss

Padabog akong umakyat papunta sa kwarto ko at humiga.

Paano nga ba maghandle ng businesss? Kahit inaral ko to noon wala din naman akong natutunon masyado dahil hindi ko nga gusto ang business management

(Juanito's Pov)

Nagising nalang ako sa isang kwarto. Nakakapanibago, nandito ako ngayon sa bahay nila Elena.

Maya maya may biglang kumatok

"Juanito?" si Elena

Bumangon na ako at binuksan ang pinto.

"A-akala ko tulog ka pa, ito mga damit, isuot mo na muna yan. Matagal pang uuwi sila mama at papa kaya ipapahiram ko na muna sayo itong damit ni papa"

"salamat binibini"

"Elena na nga lang"

"eh parang wala na yata akong respeto kapag Elena lng yong sasabihin ko. Binibining Elena nlng pwede ba?"

I love you since 1892 Fanfic( Kasalukuyan)Where stories live. Discover now