Kabanata 12

1.9K 62 9
                                    

Nakokonsensya na ako kay Juanito. Hindi pa kasi sya umuuwi kagabi. Saan kaya natulog yon?

Pagkagising na pagkagising ko ay agad akong nagbihis upang hanapin si Juanito baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Hindi ko parin kasi sya pwedeng pabalikin dito sa bahay dahil nandito pa si dad at hindi ko alam kung kailan babalik si dad sa States.

Siguro nasa park lng yon. Wala naman yong ibang pupuntahan.

Nang makarating ako sa park ay hindi nga ako nagkamali.

Nandito nga sya.

"Juanito!" sigaw ko at lumingon naman ito.

"Binibini?" 

"Pasensya na hindi kita napuntahan agad kahapon, pasensya na talaga"

"ayos lng yon, ako nga dapat humingi ng pasensya kasi nakitira lng ako sa bahay nyo. Ah oo nga pala binibini, plano ko sanang magtrabaho upang may sarili naman akong salapi at hindi na kita maabala pa"

"Nako hindi ok lng! Hindi naman siguro magtatagal si dad at babalik narin sya ng State."

"Ayos narin yon para hindi mo na ako poproblemahin pa"

"S-sige. Kumusta ka nga pala? Nakatulog kaba ng maayos kagabi? San ka natulog? Huhu nako pasensya na talaga Juanito, Wala talaga akong ibang choice kahapon sorry na talaga"

"Huwag ka nang mag alala sakin binibini, ayos lng naman ako"

"Sige, sabi mo eh" napangiti naman ito sa sinabi ko.

"Oo nga pala, si Carmela" sabi nito kaya napigilan naman ako

"K-kaibigan mo pala si Carmela?"

"Pasensya na, hindi ko naman kasi alam na yong Carmelang hinahanap mo at ang Carmelang kaibigan ko ay iisa."

"Ayos lng yon, ang importante nakita ko na sya. Kaso may problema" napakunot naman ako sa sinabi nya

"Hindi nya ako maalala" sabi nya at napayuko nalang. Hindi narin ako nagulat kasi alam kong hindi naman talaga kilala ni Carmela si Juanito. Hindi PA kilala.

"Nga pala, nagsimula ka na bang maghanap ng trabaho? Gusto mo tulungan kita?" pag iiba ko ng topic.

"May nakita akong isang kainan kanina kaso hindi ako tinanggap kasi wala daw akong Id, resyome at kung ano ano payon. Eh hindi ko naman maintindihan kung ano yon kaya umalis nalang rin ako. Iba kasi sa panahon namin. Kung masipag kang mag trabaho aba tatanggapin kana"
natawa naman ako dahil yong mukha nya ay parang nag rereklamo

"hahaha sige ako ng bahala sayo." tawang sabi ko

"Pero may napansin lng ako sa pangalan ng kainan kanina, Isabela's Resta-urant?"

Mapaglaro talaga ang tadhana.

"Restaurant, hindi resta-urant" pagtatama ko sa kanya

"Restawrant?" panggagaya nya at tumango naman ako kaya napangiti sya. Bumilis rin bigla ang tibok ng puso ko dahil sa ngiti nya.

arghhh! Elena tumigil ka nga!

"May negosyong ganoon ba sila Carmela ?" tanong nito

Gustuhin ko mang magsinungaling ngunit hindi ko magawa.

"Oo, sa kanila nga iyon"agad naman lumiwanag ang mata nya sa narinig nya.

"Kung ganon, kailangan kong magsikap upang makapasok ako roon nang sa ganun ay araw araw kong makikita si Carmela at maaalala nya ako" sabi nito at gumuhit ang napakasayang ngiti sa labi nya.

Mapait akong ngumiti at kinuha ang cellphone ko.

"Maalala?"

" Oo, ahhh kasi parang hindi nya ako naaalala. Kaya gagawin ko ang lahat upang maalala nya ako"

"Ganun ba, pero hindi ba't importante rin na maging marunong ka ng manamit upang hindi magtaka ang mga taong nasa paligid mo kung bakit ganyan ang suot mo?"

Tila napaisip rin ito sa sinabi ko at ngumiti.

"Tama ka binibini, ang kaso paano?"

" Ako ang bahala" sabi ko at binigyan sya ng nakakalokong ngiti.

bago kami umalis ay tinawagan ko na muna si dad upang mag paalam.

(Narrators POV)

Nagsimula nangang turuan ni Elena si Juanito at gaya ng dati pumunta sila ng mall upang mamili ng damit para sa binata.

Hindi nila napansin ang oras kaya ginabi na sila.

"Maraming salamat talaga binibini, sobra sobra natong binigay mo sakin. Hayaan mo, babawi ako at sa susunod ikaw naman ang bibigyan ko ng mga regalo"

"Huwag na, baka masanay ako. At tsaka ano ka ba, tulong ito at ang tulong ay walang hinihinging kapalit."

ngumiti naman ang binata sakanya at nagtawanan sila.

"oh sya ihahatid na kita, may kakilala akong kaibigan na nagpaparenta ng kwarto. Ayos lng ba kung doon ka muna matulog pansamantala?"

"Binibini kahit saan ako matulog ayos lng naman. Huwag mo na ako alalahanin pa."

"hinid Juanito ayos lng talaga hindi ba't sinabi ko sayo na tutulungan kita"

" Nagpapasalamat talaga ako dahil nakilala kita." sabi ng binata ngunit sa isip nya ay nagtatanong.

"Ano nga bang gagawin mo binibini? Tungkol ba saming dalawa ni Carmela ang balak mo? Totoo ba itong pinapakita mo sakin? Hindi ko alam kung ano ang gagawing masama mo Elena pero sana matulungan ko kitang magbago. Ayokong mapunta sa wala yong pagkakaibigan natin."

Hinatid na nga ni Elena si Juanito kung saan sya titira pansamantala.

Nasa byahe na sya ngayon papauwi at hanggang ngayon iniisip nya parin ang tungkol kina Juanito at Carmela.

Ilang saglit lng ay nakauwi narin ito at natulog agad.

(Carmela's Pov)

Nang makauwi ako galing kina Elena kahapon ay napaisip talaga ako sa nangyari. Bakit kilala ako ni Juanito?

Palakad lakad lng ako hanggang sa mapansin ko na suot ko pa pala hanggang ngayon ang kwentas na nakita ko kahapon.

haysss kakapagod na ah!
ang dami ng nangyaring weird saakin.

Ano ba kasing ibing sabihin ng panaginip ko at bakit bigla nlng naging totoo yong kwentas na ibinigay sakin? Paano nangyari yon?

"Carmela mahal kita"

"Carmela mahal kita"

"Carmela mahal kita"

"Carmela mahal kita"

"Carmela mahal kita"

"Mahal din kita Juanito"

Nagising nalang ako na hinahabol ulit ang aking hininga.

"A-anong ibig sabihin ng panaginip ko?" nasabi ko nalang at bigla nlng akong napaiyak nang hindi ko alam ang dahilan.

Ito na muna sa ngayon!! Huhuh pasensya na po talaga at natagalan ang UD ko,  busy lng po talaga ako. Sisikapin ko pong bumawi pero sa ngayon ito na muna... Enjoy readinggg!! and please don't forget to vote!!<:

I love you since 1892 Fanfic( Kasalukuyan)Where stories live. Discover now