Chapter 10

66 0 0
                                    


"Baka nag sesecure lang siya ng future niyo"

"Last week ko pa to iniisip nagmamadali ba siya ? aalis ba siya? kaya gusto niyang mapasagot ako?"

kinukwento ko kina feli at mesi ang pinag usapan namin ni zach last week ang hirap din kasi kapag kinikimkim lang ito at good thing i have a nice friends to listen my drama in life

"Yan nag oover think ka naman jan, so I  asked Mac and he said sa pagkaka alam niya wala pa daw inaayang babae si Zach para magpakasal kaya nga nung sinabi ko nagulat siya"

tinignan ko siya ng masama

"What? You share my privacy?"
nag peace sign si feli sakin at ngumiti

"Kay Mac lang naman at mapag kakatiwalaan naman iyon no"

"Sagutin mo na kase girl"

singit ni mesi na abala sa pag calculate nang mga numbers sa calcu

"Ayoko pa"

"Grabe ha isang buwan na nanliligaw yung tao wag mo naman pahirapan"
sabi ni mesi

"Wow ha, kasalanan ko bang nanligaw siya? at kaya niya naman daw maghintay, ang iba nga jan sumusobra nang 5years bago sagutin"

"Ay nako lola girl nasa sinaunang panahon pa iyon, ngayon kung alam mong siya na go ka na wag na pabebe dahil baka mawala, uso pa naman mga ahas ngayon"

"Wow mesi ha coming from you"
sabi ni feli

nung nasa high school kasi kami ay may friend siya na kaklase niya noong elementary at naging magkaklase din sila ng mag highschool tapos yung nanliligaw  sa friend niya ay naging sila after a week , kaya ng dahil doon ay nagkakilala kami umiyak ba naman sa gitna ng canteen sino di maka pansin sa kanya nun

"Hello, ako naman talaga gusto ni john nuh style niya lang yun na si steffi liligawan niya para maka porma sakin, ganda ko ba naman"

"Kapal a, Umiyak kapa nga e"
singit ni feli

"Kaya nga, kung hindi lang kami naawa ni feli baka ngayon umiiyak kapa rin"
humagalpak kami ng tawa ni feli sobrang epic kasi ng itsura niya dun

"Excuse me ilang beses ko bang sasabihing umiyak ako dahil tinapon ng bruhang yun ang strawberry shake ko sobrang naiinis ako dun"

nag kwentohan lang kami ng mga pinagdaanan namin noon after class, kaya sobrang nakaka gaan sa pakiramdaman na balikan ang mga alaala namin HS days hays nakakamiss, palabas na ako ng gate nang school dahil nauna na sina feli at mesi dahil may mga  responsibilities din sila on they own.

galing pa kasi ako sa admissions office para ipasa ang mga projects, ako kasi inatasan na magpasa lahat lahat kaya natagalan, mag cocomute nalang siguro ako dahil pagod ang paa ko sa heels ko ngayon nag tawag lang ako ng grab

nasa kama na ako at iniisip ang mga sinabi sakin ni zach nung nakaraang linggo, i open my ig account nag scroll lang ako at nakita ko post ni zach

mga ibon na nasa dagat ang pinost niya wala man lang caption iyon kaya pumunta ako sa wall niya at nakitang online siya, gusto ko siya sanang e message kaya lang natatakot ako baka hindi ako replyan at e seen lang, ayaw ko nang rejections sa buhay ko, kaya nag selfie nalang ako at nag update ng stories ko, natulog nalang ako dahil nakaramdam ako ng inis dahil hindi man lang ako minessage ni zach usually kasi kapag matutulog na ako ay palagi siyang nagtetext pero ngayong gabi hindi na ako nakatanggap, sabagay wala namang kami.



"Hey nandito tayo ngayon  para magsaya ha wag kj"

nandito kasi kami sa club dahil weekend naman at sobrang wasted na ni mesi at as usual si feli juice lang ayaw niya daw uminom dahil baka walang mag liligpit samin, e hindi ko naman binabalak na uminom ngayon konti lang siguro

2 weeks na ng hindi nagpapakita si zach sakin kahit sa school hindi ko na din siya nakikita seryoso mo mukha mo sebastian
sabi ko nalang  sa utak ko

"Siguro nga trip niya lang ako"

baka nga siguro tama ang hinala ko pinag titripan niya lang ako, sa una lang talaga magaling ang lahat kapag napagod kaka antay titigil din

"Tequila please"
napag desisyonan kong magpaka lunod ngayon sa inuman

"Wow! Sadgirl yarn?"

hindi ko nalang pinansin si mesi dahil may tama na din siya at nilak lak nalang ang buong bote nandiyan naman si feli kaya magpapaka wasted ako tonight total wala naman na akong paki alam  sa paligid ko

"Pucha?! Maria Rain Lastimosa?"

pagkabalik ni feli may tinawagan yata siya kaya hindi napansin na lumaklak na ako ng alak

"Akala ko ako lang magpapakabaliw ngayon siya rin pala may tama na yata dun kay zach"

natatawang sabi ni mesi kay feli habang paliko likong naglalakad papunta sa dance floor

"Fuck u mesi"

at pinagpatuloy ko nalang ang pag laklak ng tequila ang sakit sa lalamunan nito gumuguhit pa,  siguro nga may tama na nga ako dun ayaw lang aminin ng sarili ko tama nga sabi nila dun mo lang ma rerealize kapag nawala na ang taong iyon, feeling ko naka lutaw na ako sa sobrang sakit na talaga ng ulo ko at sobrang hilo ko na din

"Fuck anong buhay ba ito? Mesi stand up straight! Rain come on wash up, uuwi na tayo"

naiistressed na sabi ni feli habang hindi alam ang gagawin kung sino uunahin samin dahil lasing na lasing na kami

"Nunonono because Im in the mood for dancing wuhoooo"

kanta ni mesi habang papunta sa dance floor

"Wait for me"

kahit sobrang hilo ko na ay sumunod pa rin ako sa kanya dahil ako ay nasa mood rin sa pagsayaw, nagpa gitna na kami ni mesi at naiwan si feli na naka upo at mukang may tinatawagan sa phone niya

hindi ko na alam pero high na high ako sa tequila na nilak lak ko gusto kong sumuka pero tinatamad ako pumunta ng comfort room, kaya ko naman pigilan ito
sayaw dito sayaw diyan sayaw everywhere ang ginawa namin

"Wuhooooo sayaw para sa taong pinaasa at iniwan wuhoooo"

bigla na lang iyon lumabas sa bibig ko, wala  naman sigurong may nakarinig nun dahil sobrang lakas ng music at kung meron man wala akong paki alam

"Yessss!! sayaw para sa mga lalaking babaero"

natatawa akong napatingin kay mesi sino kaya tinutukoy nito, kami kami lang din nagka rinigan malapit lang kasi kami sa isat isat, sayaw pa din ako ng sayaw na parang wala ng bukas at nakaramdam ako na may humawak sa bewang ko kaya napalingon ako sa likod ko

"Hi, im single"

sabi niya habang nakipag sabayan siya sa sayaw ko, hindi ako nagreklamo dahil sanay na ako, we used to do this at bar pero hanggang touch touch lang walang kiss or sex na nagaganap, pero ngayon ewan kung mapipigilan ko ang sarili ko since naiinis ako at nag iinit ang ulo ko kapag naaalala ko siya,  im in my legal age' we are in a legal age rather

"Im single too, and ready to mingle"

i said, while my hands around his neck, infairness he's handsome, he's probably a foreigner dahil sa itsura niya, inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, kaya mas nilapit ko din ang mukha ko since my hands is around his neck magkakalapit na mga labi namin nang bigla siyang napahiwalay sakin at natumba

"Fuck! putang ina-"

nagulat ako ng biglang sinuntok ng lalaki na naka leather jacket  ang lalaking nasa harap ko

"Zach?!"

////:)

The End (on going)Where stories live. Discover now