Chapter 18

52 1 0
                                    

Ito na naman ako sa pag o'over think na ito... ilang araw na naka lipas hindi kopa din makalimutan ang sinabi niya pagkatapos kasing sabihin ni reycil iyon ay nag blanko na naman ang utak ko hindi ko na naman alam ang dapat kong isipin ano ba ibig niyang sabihin? careful? saan? kay zach? at bakit?
napatigil lang ang pag iisip ko ng tumunog ang phone ko, message iyon ni zach

"What's up?"

tinignan ko iyon ng matagal dahil hindi ko alam kong rereply ba ako o ano, kahit kagabi ay buong araw naman kaming magkatawagan, pero hindi ko napigilan ang sarili ko na isipin ang sinabi ni reycil kaya pinilit ko nalang kalimutan iyon at nag reply nalang kay zach

"Wala, nag re'review lang"

reply ko sakanya at binalik ko nalang ang sarili ko sa pag rereview, napalundag ako ng may tumatawag sakin si zach, kita ko sa screen ng phone ko

"Wifey? What do you want?"

napangiti nalang ako sa endearment niya sakin nasanay nalang ako na ganun niya akong tawagin

"Bakit? Wala naman"

"Nandito ako ngayon sa mall, may ipapabili ka bang food? or Anything?"

nagtaka naman ako sa sinabi niya, akala ko ba mag rereview siya? naiba kasi ang schedule nila at pumareho rin samin ang finals nila at sobrang saya niya daw kasi makakasama niya akong magbakasyon next month after the finals

"Akala ko ba mag rereview ka? Nako Zach ha, kahit matalino ka Hindi pwedeng chill ka palagi, Hindi pang habang buhay ang talino kaya umuwi ka at mag review"

nakuha niya pa talagang mag mall? hindi porket palagi siyang nasa honor list ay chill na siya, naalala ko ng nakaraang araw nag face time kami ay pinakita niya sakin mga medals niya na napakarami sa loob ng kwarto niya na parang bata siyang fine-flex sa magulang ang premyong nakuha niya kaya mas lalong lumambot ang loob ko sakanya ibang iba siya mag trato sa iba at sakin kaya mas lalo ko pa siyang nagustuhan, palagi na kaming nagtatawagan ni zach kahit minsan natutulogan ko na siya sa tagal naming magkatawagan tapos kapag kaumagahan na magugulat nalang ako sa mga esesend niyang pictures kong nakatulog ang epic ng mga mukha ko dun

"Oo uuwi na ako Jan, wait ka lang mahal, bumili lang ako ng dinner natin"

hindi na ako nakapag salita ng ibinaba niya na ang tawag kaya napasinghap na lang ako at binalik ang tuon sa pag rereview ko at nag isip isip ng mga pwedeng gawin sa bakasyon kahit alam kong may project pa akong dapat tapusin, thursday na pala ngayon at nextweek ay finals na kaya kanya kanyang self study na kami nina feli at mesi buong araw lang ako dito sa condo at hindi pa ako nakapag lunch at puro lang ako snacks, dahil tinuon ko talaga ang sarili ko sa pag rereview kailangan e, college na ako at hindi na sa lahat ng oras chill lang kagaya noong sa highschool

nagulat nalang ako at narinig kong may pumasok na sa pinto at pagka angat ko ng tingin nakita ko si zach na may dalang maraming paper bags at may isa pang bag na nasa gilid niya, binigay ko pala pass code ko sa kanya kasi hinihingi niya and wala naman sigurong masama doon diba?

tinaasan ko siya ng kilay at pinag krus ang paa ko at kamay habang naka tingin sa kanya

"Anong plano mo na naman ha?"

dahil nakita kong dala rin niya ang laptop niya at may books pa siyang dala sa kaliwang kamay niya

"Ha? Umuwi na ako baby, tapos magagalit kapa? Asan mga anak natin?"

tumingin tingin pa siya paligid habang tumatawag kuno ng mga anak namin

"Zach Sebastian"

bigla siyang natawa dahil binanggit ko buong pangalan niya

The End (on going)Where stories live. Discover now