Chapter 17

52 0 0
                                    

"I think we need to talk"

nandito kami ngayon sa labas ng condo ko

"Go on"
sagot ko habang hindi siya tinitignan

"Dito?"

tanong niya sakin, ayaw ko naman na may maka kita sa amin at baka may maka rinig pa ng pag uusapan namin, kaya binuksan ko ang condo ko at sumunod naman siya

"I'll take a bath first"

"Yeah, take your time"

ngiting sagot niya habang nagkakalikot sa tv, wow feeling at home ah
after ko naligo nagbihis lang ako ng maong shorts at sleeveless na crop top
kumuha lang ako ng apple sa lamesa at pinuntahan na siya

"Oh ano?"

tanong ko sa kanya habang nakatayo ako sa gilid niya dahil abala siya sa panunuod ng tv, kaya umangat ang tingin niya sakin at ngumiting ti-nap ang space sa gilid niya, kaya umupo ako habang nakatingin sa kanya, hindi niya pa din ako sinasagot akala ko ba mag uusap kami?

"Ano na pag uusapan natin?"
iritang tanong ko habang kinakagat ang apple na kinakain ko

"Us"
sagot niya at lumapit sa may apple na kinakain ko at naki kagat rin habang tumitingin sakin, woah parang ang init yata, mainit ba weather ngayon? at sabay pinatay ang tv at tumingin ulit sa mga mukha ko

"Us? Us, mo mukha mo! dali na ano na pag uusapan natin? busy ako may gagawin pa akong project bukas"

inis na sabi ko, dahil maaga pa akong gigising bukas, multitasking na naman kami neto dahil finals pa nextweek tapos may project pa

"What kind of project ba? So I can help?"

"Wag na"

"Why? Baka may maitulong ako?"

"Change topic ka e, ano nga pag uusapan natin?"

kaya  tumingin siya lalo sa mga mata ko at kinuha ang kamay ko at hinawakan 

"Paano ako maka kain nito ha kung hawak hawak mo kamay ko?"

nagulat ako ng kinuha niya ang apple sa isang kamay ko na hinahawakan niya at kinagat ang apple at nasa bunganga niya lang iyon habang kinakagat

"Bite me, imean the apple"

sabi niya sabay kindat, anong trip na naman to? isang kagat nalang iyon dahil naubos ko na dahil kanina ko pa iyon kinakain, hinahamon ako ng mga titig niya na para bang tinutukso na kagatin iyon, akala mo magpapatalo ako?
kaya lumapit ako at kinagat ang natirang apple at ginaya ko rin ang ginawa niya na tumitingin sa kanya habang kumakagat at nginuya iyon pagkatapos
tinaasan niya ako ng kilay at nginuya na rin ang natirang mansanas sa bibig niya

"Kung wala kang sasabihin umalis kana"

tumayo na ako dahil nakaramdam na ako ng antok, kung wala manlang din siyang sasabihin mas makakabuting umalis na lang siya, palakad na ako sa kwarto nang mag tumayo din siya at naramdaman ko nalang na niyakap niya ako patalikod, lahat ata ng balahibo ko nagsitayuan na dahil sa presensya niya sa likod ko, sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero mas lalo niya lang siniksik ang mukha niya sa leeg ko kaya mas lalo uminit ang pisngi ko, bakit kapag siya hindi man lang ako maka tanggi? bakit kapag siya nanghihina ako? may gusto na ba talaga ako sa kanya?

"Kahit ipag tabuyan mo ako araw-araw ikaw pa rin hanggang sa huli ang pipiliin ko"

"Bakit parang ang bilis sayo Zach?"

bakit parang ang bilis sa kaniyang ganitohin ako? ni ilang buwan pa lang kami magkakilala at hindi pa rin sapat iyon, pero kahit naman ako, kahit ilang buwan pa lang gusto ko na rin yata siya hindi ko lang ma amin dahil natatakot ako....

The End (on going)Where stories live. Discover now