Chapter 21

63 1 1
                                    

"Nag impake kana?"

"Yeah, kakatapos lang"
sagot ko kay mesi sa kabilang linya

"Nag usap na kayo ni Zach?"

"Pina intindi ko naman na sakanya at mukang okay naman"

nagkwentuhan lang kami ni mesi tungkol sa nangyari.. alam ko naman na ayaw talaga ni Zach kay reycil kaso anong magagawa ko? may kailangan kaming tapusin na project at naintindihan naman daw niya

nandito na kami ngayon sa loob nang sasakyan ni zach at nasa likod si loey at feli, tinatamad daw sila parehong mag drive kaya pinasabay nalang sila ni Zach

"How about that guy?"

nakakunot noo na tanong ni zach sakin

"Ah susunod siya mamaya"

tinaasan niya lang ako ng kilay at nagsimula na mag drive nasa unahan namin sina mesi at mac, nasa likod naman namin si ryan at nakita ko siyang may dalang babae kanina, halos 30 minutes na kami nag babyahe gusto ko sana matulog kaya lang nakakahiya naman kay zach at halos 30 minutes niya na din ako hindi kinakausap kaya tumingin nalang ako sa likod at kita kong tulog na si feli at nahagilap ko na tinitignan siya ni loey pero nang mahalata ni loey na nakatingin ako, bigla siya nag ayos at binaling ang tingin sa cellphone niya, ngumiti nalang ako at umayos ... something fishy about them huh? wala talaga siyang may na kuwento samin e.

hindi ko na nakayanan at nakatulog ako nagising nalang ako ng naramdaman ko ang paghinto, tumingin ako sa likod at wala na sina loey at feli, naramdaman kong may nakatingin sa gilid ko kaya tinignan ko

"You're gorgeous"
bigla ako namula sa sinabi niya

"Tss, kakagising ko nga lang tapos gorgeous?"

"That's why, you're even more gorgeous"
hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at inayos muli ang mukha ko

"Kanina pa ba tayo nakarating? bakit hindi mo ako ginising ha?"

hindi niya ako sinagot at ngumisi nalang

pagkatapos kong mag ayos inaya ko na siyang bumaba, at mas lalong gumaan ang pakiramdaman ko sa mga nakita ko, sa labas pa lang sobrang nakaka relax sa pakiramdam, hinawakan niya ang dala kong bag at hinawakan din ang kamay ko, palakad kami papasok nang nag vibrate ang cellphone ko

kinuha ko sa bulsa ko at tinignan sa screen at nakita kong si reycil ang tumatawag nakita rin iyon ni zach kaya narinig ko siyang napamura

sinagot ko nalang iyon

"Hey?"

"Hmm, hello"

"Anong oras punta natin mamaya sa company niyo?"

bumitaw ako sa kamay ni Zach at sinenyasan siyang mauna na dahil alam ko naman na ayaw niya kay reycil

"What time ka ba pupunta dito?"

"I'll message you, but I'll be arriving in 4 hours"

well may oras pa ako para mag ayos ng mga gamit at mag libang libang dahil medyo maaga kami umalis kanina sa manila

medyo may alam na ako sa pasikot sikot dito dahil naka ilang visit na kami dito noon, tinawagan ko nalang si mesi kung anong room ako

"Nasaan kayo?"
sabi ko habang tumitingin tingin sa paligid

"VIP room"

pagkasabi niya nun, dumeritso na ako sa VIP room,  sampung room lang ang nandito sa 1st floor kaya tumawag ulit ako at nag tanong kung anong room number, tatawag na sana ako nang naramdaman kong may nakayakap sa likod ko

The End (on going)Where stories live. Discover now