Chapter 14

57 0 0
                                    

"Ano na nasa number 20?"

"Hoy!"

"Maria Rain Lastimosa!!"

napabalik ako sa katinuan ko ng isigaw ng buo ni mesi ang buong pangalan ko kaya dinilatan ko siya ng mata ko

"Ang ingay mo"
reklamo ko sa kanya

"Kanina pa ako tanong ng tanong hindi mo ako pinapansin"

lumapit si feli at nag lapag ng juice at mushed potatoes sa table namin napag kasunduan kasi naming mag group study at nag okay nalang din si feli na sa condo niya, dahil pinag usapan rin namin kanina ang nangyari kay mac at mesi at ang sabi niya nag kiss daw sila nung nalasing siya sa club kaso daw may biglang tumawag at boses babae daw kaya nainis siya hindi man lang daw niya natikman iyong laway ni mac kaya hindi daw cool yun, kaya tumawa kami ng tumawa ni feli after niya mag kwento

napabalik nalang din ako sa iniisip ko nang mag salita si feli

"Any problem?"

agad akong lumingo, wala naman akong problema pero parang may bumabagabag sakin na hindi ko ma ipaliwanag na kung ano

"Yieeee kinikilig ka siguro hanggang ngayon dahil pinost ka ni zach sa Instagram no?"

"Aray ko!"

binato ko kasi ang hawak kong ballpen at sapol sa mukha niya, sanay na kami mag batuhan ng kung ano ano

"Kanina ka pa tulala jan kaya naisip ko baka kinikilig ka"
mataray na sagot ni mesi

"Hindi ako kinikilig"

paglilinaw ko kahit kagabi ng makita ko iyon ay may parte sa loob ko na gusto ko ang nakita pero hindi ko alam ang dapat kung maramdaman, nagtataka pa rin ako at kung saan niya kinuha ang picture na yun kahit hindi ko naman ipinasa sa kanya dahil pumunta ako nun sa powder room kaya wala talaga akong idea

"Ganito kasi yan iyang lines na yan dapat alam mo ang sukat para madali yung pagkuha mo ng sagot at dapat tandaan mo formula para madali lang"

si feli na nagpaliwanag kay mesi

"Wala bang short cut yan? nakakalito naman"

reklamo ni mesi na halatang gulong gulo nga dahil sa mga lines, numbers at letters na kailangang e solve at e arrange by numbers at dapat walang palya dun at dumagdag pa ang debit at credit na mas lalong nagpapasakit sa ulo ko alam naman namin ito dahil pinag aralan din naman namin ito noong highschool kaso ang hirap pa rin kapag ginagawa mo ng actual nakaka sira ng pag iisip

"At ito ang credit at debit hindi basta basta yan"
ulat ni feli habang nag susukat sa ruler niya

"Huh? sabi nang classmate natin dati yang credit at debit is iyong increase at decrease ah?!"

natawa nalang ako kay mesi ginagago niya lang si feli para mainis, iniinis niya lang si feli at halata sa mukha niya dahil pa ngisi ngisi siya

"Ewan ko sayo"

pagdadabog na sabi ni feli papuntang study table niya, nasa sahig kasi kami at nakahiyata para mas comfortable
halos 6:00 pm na kami natapos sa group study namin at sobrang sakit ng leeg ko kaka yuko ko siguro kanina

"May pasok na naman bukas hay nako"

pagod na sabi ni mesi habang nililigpit ang mga gamit niya, naligpit ko na din mga gamit ko at ready nang umuwi dahil gabi na, dala ko din naman ang sasakyan ko at sinama ko lang si mesi dahil tamad daw siya mag drive

"What's up people!!! It's Showtime!!"

napalundag kami sa gulat dahil biglang sumulpot si mac galing sa labas, ang daming dalang plastic bag ni mac kaya kinuha iyon ni feli sa pinsan niya

The End (on going)Where stories live. Discover now