Chapter 16

57 1 0
                                    

"Antay naman jan!"

"Hoy Maria!"

napalingon ako sa likod sa tawag sa akin ni mesi

"Hintayin mo kasi ako!"

kaya huminto ako at inantay siya

"Nagmamadali ka ba ha?"

"Oo"

"At bakit? Sure naman na ako na hindi papasok si proof jupiter kaya chill lang"

alam ko din naman iyon, kapag kasi papalapit na ang finals ay hindi na nagtuturo ang mga proof's at binibigay nalang ang time na iyon for review para sa finals kaya lang meron sa loob ko na kailangan kong bilisan kasi baka makasalubong ko siya dito dahil ang pagkaka alam ko same ang schedule namin sa kanila

"Hey, Thanks for everything yesterday mwaaa"

sabay halik sa pisngi sa akin ni feli, napag usapan kasi naming magkita kita sa labas ng gate kaso itong si mesi nagpunta pa sa condo at pinuno ako ng tanong na kung paano daw ba siya nakauwi,at iyon ay hindi ko naman nasagot dahil hindi ko din alam pag gising ko kaninang mga 5:00 wala na sila ni mac sa sofa kaya ang akala ko umuwi na rin siya kaso nag taka ako dahil hindi man lang siya nagpaalam kaya tinext ko siya at ako naman gumising talaga ako ng maaga kahit antok na antok pa ako dahil hindi ako makatulog sa lintik na mga iniisip ko dahil sa sinabi niya, umuwi lang ako sa condo kaninang umaga para maligo at magpahinga saglit

"Huhu paano ako nakauwi?"
maktol ni mesi habang kinakalabit ako

"Yan inom pa"
segunda naman ni feli

"Wow ha? Parang Hindi ka gumapang papuntang kwarto mo ha!"

natawa ako sa sinabi ni mesi kay feli dahil sobrang epic din ang ginawa ni feli lasing na lasing talaga sila

"Rain, tell me it's not true"

tanong ni feli sakin habang naka hawak ang dalawa niyang kamay sa pisngi ko
kaya hindi ako sumagot at ginulo lang ang buhok niya kaya mas lalo siyang na stress dahil alam niyang hindi ako magsasalita

"Habang buhay mo yan pag isipan"

ngiting sabi ko at nauna ng maglakad papasok, nag kwentohan lang kami sa loob nang room namin at naglaro ng ML inis na inis si mesi dahil siya ay palaging namamatay pano nana lang alam na laruin balak sana naming mag aral kaya lang alam namin na hindi naman kami makakapag focus dahil sa ingay ng mga kaklase namin, ganito talaga e kapag walang proof doon kami nag iingay pero kapag naman may proof ang normal namin

"Queen duo daw kayo ni Reycil"

sigaw ng kaklase kong lalaki na nasa unahan at nag si ayiiieee naman ang iba na tumitingin sakin at kay reycil na seryosong nag ce-cellphone, hindi ko nalang iyon pinansin at nag focus sa laro namin

"Anubayan bobo ng mga kakampi"
maktol ni mesi

"Hindi ka lang talaga marunong"

"Grabe ka feli ha, e si Angela nga lang din naman alam mo ah ang kapal mo"

tinawanan ko nalang sila dahil kahit ako hindi rin marunong nung isang linggo nga lang kami nag start mag laro neto e ayaw ko nga sana dahil dag dag lang sa mb ng phone kaso pinilit ako ni mesi dahil nakakawala daw ng stress iyon kaya naman nag install kami

After namin maglaro na natalo din naman kaya inis na inis si mesi dahil nabawasan ang star niya, rank kasi iyon kaya sa strawberry shake niya binuhos lahat ng inis niya

"Grabe pala talaga kapag kayo ang kasama ko mag laro palaging talo"

lingo niya pa sa ulo niya na parang nagsisisi siya na kami ang kinasama niya, taas kilay kaming napatingin pareho ni feli sakanya

The End (on going)Where stories live. Discover now