Chapter 22

73 1 1
                                    

kanina pa kami nagbababad ng katawan sa araw para daw umitim naman kami ideya to ni mesi e, ang dami niyang alam talaga.

pero mas okay na din, gusto ko nga din umitim ng konti, naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa gilid ko, nakita kong text ni Zach iyon kaya binasa ko kaagad nagulat naman si mesi sa agarang pag reply ko, magkalapit lang kami kaya alam kong alam niya kung sino ang nag text

"Come over and Let's eat"

nagtipa kaagad ako ng e rereply ko

"Alright"

umayos ako ng upo at magpapaalam muna ako sa dalawang to, halos dalawang oras din kaming nagbababad dito

"Ikaw ha, nahuhulog kana kay zach no?"

mapanuksong sabi ni mesi, kaya naagaw din ang atensiyon ni feli at bumaling rin sa akin

Ang totoo may nararamdaman na ako kay Zach at balak ko na siyang sagutin sana mamaya or bukas kung may pagkakataon na makapag amin ako sa kanya

"Omg! silence means yes? Hala dai?! nahulog kana nga?"

gulat na tanong ni mesi

"Hulog na 'yan, pano di mahuhulog e nasa iisang kwarto na nga"

sambit din ni feli habang sumisipsip ng buko juice niya

tinawanan ko nalang sila at nagpaalam na, pumasok ako sa room namin at nagbanlaw muna ako at nagbihis para makakain na, nagugutom na din ako

pagkatapos kong mag ayos, pumunta lang ako ng veranda dahil doon daw kami kakain

napa wow ako sa set up ng table sa veranda, may mga candles, rose's .. this is the first time... first time akong na surprise ng ganito... sa kdrama ko lang to napapanuod e, ngayon ginagawa na sakin .. sobrang saya ko

nakatalikod siya pagkapasok ko kaya hindi niya ako napansin na nasa loob na kaya bigla ko siyang niyakap patalikod, nagulat siya nang konti sa biglang pagyakap ko pero naramdaman kong ngumiti din siya agad...

"Thankyou"

iyan nalang ang nasambit ko dahil sa  sobrang saya ko

"You're always welcome mahal"

mas lalo akong namula sa sinabi niya..
mahal  never in my life na mag'aakalang makakatagpo pa ako ng lalaking magmamahal sakin nang ganito, akala ko wala na, akala ko ubos na sila, meron pa pala?

ngumiti nalang ako pagkaupo namin at sinimulan suriin ang mga pagkain, natakam kaagad ako sa mga putahe dahil gutom na talaga ako

"You're always been so gorgeous"

out of nowhere niyang sabi kaya napa ubo ako sa sinabi niya, binigyan niya ako kaagad nang tubig

pagkatapos naming kumain may kinuha siya sa kanyang bulsa, napa angat lalo ako ng tingin nang hinawakan niya mga kamay ko

"I know we're not together yet, but I just want to give you this"

napa awe ako sa sobrang ganda nang necklace na nasa harapan ko, a small pendant necklace pero kitang kita mo kahit nasa malayo dahil kumikinang

ngayon na ba? should I grab this opportunity para sagutin siya?
kinakabahan ako... hindi ko alam kung ngayon ko na ba siya sasagutin or bukas nalang? hindi ko talaga alam!

okay i got this!

nagtitinginan lang kaming dalawa at walang may balak na magsalita kaya inunahan ko na..

"Thankyou, you made me feel so happy tonight"

"It's because I love you"

mas lalo ako namula ng nilapitan niya ako at niyakap kaya humigpit din ang yakap ko sa kanya, nang bigla siyang napa ubo, kaya bumitaw ako at binigyan siya ng tubig, namumutla siya , sobrang lakas ko ba yumakap? nilalamig ba siya?

The End (on going)Where stories live. Discover now