CHAPTER 79-"Pandora's Box" | (1)

8.9K 490 402
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love often comes in a box with a label that says 'do not open'.

It is a 'gift' created by the Gods with the intention to punish mankind.

Horrible things come out with it once opened. Greed, envy, hate, betrayal, pain, pain, pain, misery...

Just like Pandora's box, it is best, left untouched.

But you touch and open it anyway-- just like Pandora.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 79- "Pandora's Box" | Part 1

KNIGHT's POV

Kasalukuyang nasa isang press conference ang Star-X para sa bago nilang ire-release na album at sa upcoming nilang concert. 


Bored na naghihintay si Night na magsimula ang program nang bigla siyang maka-receive ng text mula sa demonyo. 


Ayaw niya sana buksan, kaso, bored na bored na siya kaya binasa niya ito.


No'ng una, para lang may tumapik sa akin nang mahina sa balikat habang mahimbing akong natutulog. Sa loob ni Night...


Hanggang sa


'yung mahinang tapik, naging pagkatok. 


Sa pinto. 


Malakas.


At sunod-sunod


na pagkatok.


Na nang maglaon, sinamahan na ng isang malakas na pagsigaw at pagtawag sa pangalan ko.


It felt... like a light, ignorable tap at the shoulder, which eventually became a loud, alarming knock on the door—the text I got from the devil.


Nagising ako mula sa pagtulog. Agad na napabalikwas at napabangon.


Reading his text felt exactly the same as back then. No'ng kakagising ko lang tapos, pagbukas ko ng pinto, my parents were telling me-  my twin brother's gone. 


"Wala na si Night."


"Wala na ang kapatid mo."


Walang rumerehistrong salita no'ng una, pero no'ng pumasok na rin sa wakas sa kokote ko, 


alarm signals started ringing.


"Night, naaksidente si Ruth."


Para akong dinala bigla pabalik sa araw na 'yon.


WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon