BACK STORY- E

224K 4.6K 750
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love can make you do anything. ANYTHING.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Behind every person is a story...

Behind every action is a story...

Behind every story is another story not yet told...

Ever wonder kung bakit, paano, how come, naging magpartner sa ball ang laging magkaaway na si Ace at si Rocket? Well, here's the story behind it.

BACK STORY: Ace & Rocket?

THURSDAY

"Ash! Nandito ka na ba?!" sigaw ni Rocket kasabay ng pagsipa n'ya sa pinto ng boys' room kung saan kasalukuyang natutulog si Ace.

Dahil sa lakas ng pagkalampag ng pinto na sinabayan pa ng malakas na sigaw ni Rocket, agad nagising si Ace mula sa masarap n'yang tulog.

"T*ng *na! Hindi mo ba alam na may natutulog?!" bwisit na bwisit na sigaw ni Ace kay Rocket.

"Oh so wala pa si Ash dito," wari'y di narinig ni Rocket si Ace, tumalikod na s'ya para lumakad paalis.

Pero...

"Sh*t aray ko!" sigaw ni Rocket nang tamaan s'ya sa likod ng kung ano. Pagharap ni Rocket nakita n'yang tsinelas ang tumama sa likod n'ya. At isa lang ang pwedeng maghagis noon sa kanya, dahil isa lang naman ang tao dun sa kwarto.

Galit na galit na sinimot ni Rocket ang tsinelas na tumama sa kanya. "Jerk! Wala ka talagang manners! Paano mo nagawang paltukin ng tsinelas ang isang babae? Wala kang respeto!" sigaw ni Rocket, kasabay nun ay hinagis n'ya pabalik kay Ace ang tsinelas, ngunit nasalag iyon ni Ace.

"Mas wala kang manners. May natutulog na tao tapos basta-basta ka sisigaw. At anong respeto? Paano rerespetuhin ng isang lalaki ang isang babaeng basta-basta na lang pumapasok sa kwarto ng mga lalaki, sabihin mo nga?" sigaw naman ni Ace.

"Sasayangin ko lang ang oras ko kung magpapaliwanag ako sa'yo." 

"Mas sayang oras ko sa'yo!"

Tumalikod na si Rocket kay Ace imbis na sumagot.

"Hoy isarado mo ang pinto!" sigaw ni Ace pero dire-diretso lang si Rocket sa paglalakad palayo, leaving the door open.

"Damn bitch!" sigaw ni Ace nang sobrang lakas. Padabog n'yang isinarado ang pinto.

"Lazy jerk!" sigaw naman ni Rocket habang bumababa s'ya ng hagdan.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Matapos magising dahil sa sigaw ni Rocket, hindi na muli nakatulog pa si Ace, dala narin siguro ng sobrang pagkairita. Ayaw na ayaw n'yang naaabala ang pagtulog n'ya.

Bumaba na lang si Ace at kumain ng cupnoodles sa veranda. Doon kasi mahangin kaya trip na trip n'yang doon tumambay.

Habang kumakain, may tumabi kay Ace na itim na pigura. Kung noon nagugulat s'ya pag ganun, ngayon hindi na, sanay na si Ace sa kanya, kay Shield.

Tahimik lang na naupo si Shield sa tabi ng kumakain na si Ace. Napansin ni Ace na panay ang buntong-hininga nito habang nagtatype ng kung ano sa cellphone.

Gusto sanang itanong ni Ace kung bakit panay ang buntong-hininga nito, pero naisip ni Ace na ano nga bang pake n'ya? Hindi n'ya hobby ang makiusyoso sa buhay ng iba. Wala s'yang pakialam sa kahit kanino bukod sa sarili n'ya.

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now