BACK STORY- D

248K 4.9K 1K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is in the air.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Behind every person is a story...

Behind every action is a story...

Behind every story is another story not yet told...

Ever wonder kung bakit hinahanap ni Rocket si Ash saying na si Ash ang susi sa pangarap n'ya? Well, here's the story behind it.

BACK STORY: Air, Rocket, Ash

SUNDAY

Kakatapos lang kumain nila Rocket, habang naghuhugas ng pinagkainan nila si Mika, biglang may bumusinang kotse sa tapat ng apartment nila. Pupuntahan na sana ni Rocket pero...

"Rocket, ako na lang yung maghuhugas ng pinggan mamayang dinner, pwede pakituloy na lang nung hinuhugasan ko? Kailangan ko na kasing umalis eh." Halatang nagmamadali na si Mika kaya umoo na lang si Rocket.

Matapos maghugas ni Rocket ng mga pinggan, nauhaw s'ya kaya naman binuksan n'ya yung refrigerator para kumuha ng malamig na tubig, ngunit habang kumukuha s'ya, napansin n'yang halos wala ng laman yung ref nila. Wala na silang pangdinner mamaya! Kailangan na nilang mamalengke.

Dito sa apartment nila, nagaambagan sila weekly para sa pagkain nila. Si Mika yung taga luto nila dahil masarap itong magluto, tapos the rest of them halinhinan sa pamamalengke. Naisip kasi nilang mas makakatipid sila kung ganoon, kumpara sa kung magkakanya-kanya sila ng bili ng pagkain kada araw.

So dahil wala na nga silang pang dinner mamaya, pinuntahan ni Rocket ang mga kasama sa apartment na kasalukuyang nasa living room, para hingan ang mga ito ng ambag.

Madali namang nagbigay ang mga ito, maging si Ace na dati ay aayaw-ayaw pang maki-ambag at nagttyaga sa noodles lang para sa araw-araw n'yang pagkain eh madali lang nahingan ni Rocket ng pera. Nakakasawa rin nga naman kasi ang noodles no.

Wala ng kaso sa pera, so yung mamamalengke na lang ang kailangan.

"Oi Ace! Ikaw naman ang mamalengke ngayon! Ikaw na lang ang hindi pa nakakaranas nun eh!" sigaw ni Rocket kay Ace na kasalukuyang nakahiga sa sofa, hinagisan n'ya ito ng plastic bag.

"Ayoko nga! Nakakatamad!" sigaw ni Ace tapos itinapon yung plastic bag pabalik kay Rocket.

"You jerk! Kung ganyan ka lang rin, wag ka ng maki ambag sa amin! Ibabalik ko na tong pera mo!" sigaw ni Rocket.

"Ang ingay mo, dun na nga ako sa taas matutulog." Aburidong bumangon sa pagkakahiga sa sofa si Ace, at nilampasan lang si Rocket habang humihikab pa. Jerk nga talaga ang isang yun.

Sisigawan pa sana s'ya ni Rocket pero biglang nagtaas ng kamay si Shield. Nagtaas lang ng kamay pero di naman umiimik. Well, sanay na sa kanya ang mga kasama n'ya kaya kahit ganun lang eh nainitndihan na s'ya ni Rocket.

"Sure kang ikaw na lang ang mamamalengke?" tanong ni Rocket kay Shield.

Tumango lang ito.

"Kaya mo bang mag isa? Hindi kita masasamahan kasi maglalaba pa ako." Tumingin si Rocket kay Ash hoping na sasamahan nito si Shield ngunit absorbed na ito sa binabasang libro. Hindi naman n'ya ito mautusan na samahan si Shield dahil ito na yung huling namalengke nung nakaraang linggo.

Titingin palang si Rocket kay Ivan, nagsalita na ito.

"Ako! Sasamahan ko s'ya!" sigaw ni Ivan. Natuwa si Rocket na marinig iyon.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon