BACK STORY- K

62.7K 1.6K 265
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love can make you less of a man sometimes. 

But, if there's something worth being less of a man for, it's love. 

It's always love.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Behind every person is a story...

Behind every action is a story...

Behind every story is another story not yet told...

Ever wonder kung bakit no'ng pumasok si Ivan sa kwarto nila Mika, he looked like he is so out of it?

Well, here's the story behind it.

BACK STORY: One Less Manly People In The World (But it's gonna be fine)

6 years ago...

Busy ako sa pamamalantsa ng uniforms ng tatlo kong nakababatang kapatid nang bigla na lang nila akong higitin palabas ng bahay.

"Saan n'yo ba ako dadalhin? 'Di pa ko tapos mamalantsa!" 

"Basta kuya! Sumunod ka na lang sa 'min!" sigaw ni Ivy na s'yang humihigit sa akin sa braso, habang tulak-tulak naman ako sa likuran nila Irene at Iris.

"Pero kailangan ko pang plantsahin 'yung mga uniforms n'yo! Tuturuan ko pa kayo sa assignments di'ba? Ikaw Ivy may project ka pa di'ba? Gagawin pa natin 'yo--" May tumigil na tricycle sa tapat namin. Tricycle ni Mang Pete, kapitbahay namin.

"Mang Pete, alam n'yo na po kung sa'n dadalhin si kuya di 'ba?" sabi sa kanya ni Irene at Iris.

"Oo naman I sisters! Si Mang Pete ang bahala sa kuya n'yo!" sumaludo pa si Mang Pete sa dalawa kong kapatid.

"Hoy teka ano ba 'tong--" Magsasalita dapat ako, itatanong kung ano bang nangyayari, pero naitulak na ako ni Ivy papasok ng tricyle, na agaran namang pinatakbo ni Mang Pete.

"Enjoy kuya!" sigaw nila Ivy, Irene, at Iris habang nagbaba-bye sa papalayong tricycle.

"Mang Pete, sa'n n'yo ho ba ako dadalhin?" 

"Makikita mo na lang iho. Pinangako ko sa I sisters na hindi ko sasabihin sa'yo kung sa'n kaya hindi kita masasagot e."

Seryoso si Mang Pete sa 'di pagsagot sa akin. Hindi n'ya ako inimikan buong byahe. Sobrang lakas talaga sa kanya ng I sisters (Irene at Iris). Wala na lang tuloy akong nagawa kung 'di maghintay na malaman kung sa'n nga ba kami pupunta.

Tumigil ang tricyle ni Mang Pete sa tapat ng basketball court na malapit sa barangay hall. Punong-puno ng mga tao 'yon ngayon dahil may Battle of The Bands na pacontest si Mayor. Bakit kami nandito?

"Si Lydia na ang bahalang magturo ng assignments sa I sisters. Si Lynette naman ang bahala sa pagtulong kay Ivy sa project n'ya. Ako naman ang magtutuloy ng pamamalantsa sa uniform ng mga kapatid mo. Kaya hulong iho, bumaba ka na at mag-enjoy," nakangiting sabi sa akin ni Mang Pete.

"Ha? Pero Mang Pete--"

"Hulong na iho. Regalo ito sa'yo ng mga kapatid mo kaya't wag mong tanggihan. Hayaan mo ang sariling mag-enjoy naman ngayong gabi. Kami na muna nila Lydia ang bahala sa mga kapatid mo.  Maligayang kaarawan iho!"

Pinaandar na ni Mang Pete paalis ang tricycle. Marami pa 'kong gustong sabihin pero isang maikling 'salamat' na lang ang nasabi ko. Ayokong maiyak kasi hindi 'yon manly, pero may kumawalang kaunting luha mula sa mga mata ko nang makaalis si Mang Pete. Hindi ko akalaing may pakulong ganito ang mga kapatid ko. Halata ba masyado sa akin na gustong-gusto ko talagang pumunta sa Battle of The Bands na 'to?

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now