CHAPTER 35- The Man Behind The Mask

193K 5.7K 3K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is-- wait... you are...?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 35- The Man Behind The Mask

MIKA's POV

May nagawa ng melody si Ace. Super awesome nung melody, ang sarap sabayan. Ang kailangan na lang namin ngayon ay lyrics, at mukhang doon kami magtatagal. Sabi ni Ace hindi s'ya tutulong sa pag gawa ng lyrics dahil ayaw daw n'ya nung theme, corny daw. Si Shield naman na pinakapag-asa namin, ayaw din n'yang gumawa ng lyrics kasi hindi daw s'ya makarelate dun sa theme, wala daw s'yang taong gustong bigyan ng message. Kay Rocket, Ivan at Ash, wala kang aasahan, dahil:

1. Si Rocket ang alam lang na salita, "Air"

2. Si Ash naman sa sobrang daming alam na salita hindi mo na magets yung sinasabi ng lyrics n'ya dahil sa sobrang nakakanosebleed na English words.

3. Si Ivan naman juscolored! Ang ginawan n'ya ng kanta ay ang sarili n'ya! Pinupuri n'ya yung sarili n'ya sa kantang ginawa n'ya na ang title ay "Ivan you're so manly". Gaahd, di ko maaatim na kantahin yun in public.

Dahil d'yan sa mga dahilan na yan, mas lalo akong napressure sa pag-iisip ng lyrics. I mean, gusto ko talagang lyrics ko yung gamitin namin sa performance, pero hindi ko naman inexpect na do or die yung magiging sitwasyon ko, na pag hindi ako nakaisip ng lyrics, nganga yung grupo namin.

Tinutunaw ko sa pagtitig yung blangkong papel na nasa harapan ko, nang...

"Ru--"

Napalingon ako dahil parang narinig ko yung boses ni Vincent. Hindi n'ya naituloy yung pagtawag sa akin pero sigurado akong boses n'ya yun. Hinanap ko s'ya sa paligid pero hindi ko naman s'ya nakita.

Nagkibit balikat na lang ako tapos bumalik na lang ulit ako sa pakikipagtitigan sa papel.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

HELL's POV

"Hell, gusto ko ng pizza," sabi ni Vincent.

I looked at him and said this mockingly, "Kung gusto mo, edi umorder ka. Dude, walang mangyayari kung tatanga ka lang."

"Same to you."

"Ano?"

A crooked smile formed across his face, lumapit s'ya sa akin at bumulong, "Dude, walang mangyayari kung tatanga ka lang."

He looked at one part of the wide open field, the part where the Stupid Flat Tops is currently sitting on. Another annoying smile formed across his face.

"I don't know what you're talking about," I said to him.

"Okay, play dumb Mr. Cool Guy. At least yung gusto kong pizza hindi mauubos kahit tumanga lang ako. Pero yang tinitingnan mo ngayon, pag may nakakuha d'yan, wala ka ng mahahanap na katulad n'yan kahit kailan."

I smirked, "Walang kukuha sa isang pizza na walang toppings."

"So sinasabi mong hindi ka interesado sa kanya?"

"Not a bit."

"So hindi ka rin interesado dito?" May inilabas si Vincent mula sa bulsa n'ya na ikinalaki ng mata ko. Isa yung polaroid picture kung saan nandun ako at yung Flat Tops, hawak-hawak ko yung pisngi nung Flat Tops. Close up yung kuha, parang hahalikan ko s'ya. Yun ata yung oras na pinunasan ko yung sulat ng ballpen sa mukha n'ya. Fvck.

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now