CHAPTER 79-"Pandora's Box" | (2)

9K 554 548
                                    

CHAPTER 79- "Pandora's Box" | Part 2

Continuation...

KNIGHT's MEMORY BOX

Natutulog ako sa kwarto nang biglang may asungot na nagsimulang magkakatok.


"K!" 


"K! Gising!"


Inignore ko lang no'ng una hoping na magsasawa rin pero-


"K!!"


Mukhang walang balak tumigil ang walangya kaya...


"K! Gisi-" 


"Ano?" inis kong sabi sa kaniya. Sa bwisit na si Night. Pagbukas ko ng pinto.


"Anong sobrang kailangan mo't kailangan mong manggising at around king inang 2 in the morni-"


Bigla niyang tinakpan ang bibig ko. "Shhh... baka magising sila mommy."


Hinigit niya ako bigla papasok ng kwarto niya. Ni-lock niya 'yong pinto.


Naupo ako sa kama niya. Naghikab. Humiga. Nagsimulang matulog.


"K, I need your opinion," sabi niya.


"Ha?" sagot ko. Habang nakahiga. Nasa loob na ng kumot.


"Kakatapos ko lang nitong kanta. Pakinggan mo. I need your honest opinion. Ipe-perform ko 'to sa graduation."


Napakunot ako ng noo. "Ano malay ko sa ganyan? Isa pa, kahit naman ano iperform mo, siguradong ayos lang sa lahat. Ikaw nga si Night Cervantes 'di ba? May ginawa ka na bang 'di nagustuhan ng iba?"


"K... Please."


Hindi ako kumibo.


"Please..."


Bumangon ako. Irita.


Tinitigan ko siya saglit bago nagbuntong-hininga. "Sige na. Sige na! Bilisan mo na nang makatulog na 'ko ulit."


"Thank you, K! Kunin ko lang gitara ko! Saglit." Umalis siya sa harap ko't kinuha nga 'yung gitara niyang ando'n sa isang tabi.


Pagbalik niya sa harap ko, nagsimula na siyang tumugtog.


♪♫~♪♫~~♪♫~~~♪♫♪♫


(A/N: Kindly click the link below para ma-imagine kung ano naririnig ni K^^ It's in Japanese so just turn on the captions.)

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now