Part 1: Suicide Shadow

47 2 0
                                    


[Will edit stuff when I have time.]

creds: google ^_^

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

creds: google ^_^

Part 1: Suicide Shadow 👻

Tumunog ang matining na school bell hudyat ng paglabas nila. Maraming estudyante ang nagsipaglabasan sa kani-kanilang mga classroom.

Isang babae ang nakatungong sumabay sa agos ng mga estudyante sa hallway. Maikli ang buhok niya, panglalaki kung iisipin. Natatakpan ng bangs niya ang kaniyang mukha at tanging ang isang mata niya lang ang nakikita. 

Napabuntong-hininga siya sa mga kapwa kabataan niya. Maiingay sila. Mayroong mga nagtitiliang mga babae na nakatingin sa mga lalaking bukas ang mga butones ng polo at nakasandal sa mga lockers. May mga estudyante namang nagsasayawan malapit sa open area na madadaanan sa hallway. May mga nagpapractice ng cheerleading doon. Mayroon din namang mga nagkukumpulang mga nerd sa mga pasimano sa gilid. Nagbubuklat sila ng mga nagkakapalang mga libro. Nandoon din ang mga barkadang masayang nagbabatian.

Lahat sila ay palabas na dahil natapos na naman ang isang araw ng nakakatamad na pag-aaral.

Tahimik siyang nakibagay sa lahat ng tao. Loner siya pero hindi siya nerd. Nakikipag-usap siya sa mga kaklase at minsan sumasama sa pagkain sa canteen. Hindi siya lampa. Napatunayan na yun ng minsan niyang sapakin ang bully niya nung Grade 7. 

Magaling siyang makisama. Sadyang mas gusto niya lang talagang mag-isa. Kaya naman ang bansag sa kaniya ay wirdo. Matalino't mabait pero wirdo.

Huling taon na niya sa Junior High School. Kapag Grade 10 ka na, madami kang gagawin. Bukod sa aasikasuhin mo ang Senior High application mo ay kailangan mong magpractice ng Completion Rights at syempre, ang pumasok sa eskuwela. Madaming clubwork at kailangan mong pag-isipan ng mabuti kung anong strand ang kukunin. Dapat may koneksyon sa college para di na hassle.

Bago marating ang main gate ay madadaanan muna ang malawak na quadrangle at isang arko. Naglakad siya patungo sa direksyon ng gate nang marinig niya ang isang tilian.

"Tulong!"

"Tulungan niyo kami!"

"Someone call the police!"

"Tumawag kayong ambulansya!"

DIAN'S POV

Napatingin ako sa bangkay na nakabulagta sa school grounds. Tinanaw ko ang rooftop ng four-storey building na tinalunan niya.

Isang itim na pigura ang nakita ko. Parang usok lang siya na umaalon-alon ang katawan.

'Black spirit...ano naman kayang ginawa neto at naka-attract siya ng ganyan?'

Dahil na-curious ako, napagdesiyunan kong akyatin ang building. Wala nang mga estudyante sa bawat palapag pero dinig ko ang wangwang ng ambulansya at ang mga boses ng mga estudyante kung nasaan ang bangkay.

The Girl Who Can See Spirits (Babaylan EP# 1) Where stories live. Discover now