Part 5: I made a filler but...

7 1 0
                                    

Part 5: I made a filler but... 🤫

DIAN'S POV

"Say hello to Lakan."

Bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Daniel, ang seryosong mukha ni Kuya Bucky na tinanguan ako, at ang blankong ekspresyon ng dalawang lalaki na ngayon ko lang nakita.

"Hi Dian!" magiliw na bati ni Daniel.

Nalilito akong pumasok sa classroom. Wasak na ang isa sa dalawang blackboard at ang madami sa mga upuan.

"Why did you bring me here?" baling ko kay Maki na seryosong umupo sa isa sa mga silya matapos isara ang pinto.

"Didn't I tell you earlier? To talk."

"Okay. Mag-usap tayo," seryoso ko ding sabi. Umupo din ako sa isa sa mga upuan dun. Nakaharap ako sa kanilang lahat. Yung dalawang lalaki na di ko kilala ay nanatiling nakatayo lang sa tabi. Nakasandal sila sa pader.

"As you know," biglang nagsalita si Kuya Bucky. "Dalawang suicides na ang nangyari." May pinakita siyang papel. "August 15, 2030. Tumalon sa building si Janice Maturan. 15 years old. Grade 9 Section C. And then the incident in the library where Marcus Lario killed himself, 16 years old, Grade 10 Section B, August 16," basa niya dito.

"I was there after she jumped," sabi ko habang inaalala ang nangyaring yun sa unang biktima.

"Do you mind telling us what you saw?"

"Why don't you ask him? Nandun din siya," ngisi ko saka tiningnan si Maki na nakasimangot sakin.

Suminghal lang siya. "I was there because of a jerk. Ni hindi ko nga kilala yung babaeng tumalon. Eh ikaw? Anong dahilan mo at umakyat ka pa sa rooftop? For bird's eyeview?"

"I already saw her up close so what's the need?" mataray kong sagot.

"You always redirect the attention, missy," inis nitong sabi.

"Bakit ka ba naiinis sakin eh tinatanong lang naman kita?" inis ko ding sabi.

"Teka! Chill guys! Taympers muna!" awat ni Daniel.

"Hindi tayo matatapos dito kung panay away lang ang gagawin niyong dalawa," makapangyarihang dagdag ni Kuya Bucky kaya naman napalunok ako at napaiwas ng tingin. Nakita ko ding umiwas ng tingin si Maki sa gilid ng mata ko. "Dian," seryoso niyang sabi. "What did you see?"

Bakit ba palagi na lang ako natatanong ng ganyan?

~TRANSITION~

"What did you see?" galit na tanong sakin ng isang lalaki.

Nanginginig akong yumuko. Nakaharap ako sa kaniya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng maskara na kulay itim.

"Are you deaf, kid?! What the f*ck did you just see?" gigil na sabi niya. Nasa loob kami ng isang kwarto na hindi pamilyar sakin. Nakaupo ako sa isang couch na kulay beige. Sa gilid namin ay isang malaking bintana. Pumapasok dito ang malakas na liwanag kaya kita ko sa gilid ng aking mga mata ang mga anino naming parang sumasayaw.

"Wa-wala po," humihikbing sabi ko.

"Anong wala?! Put*ng ina!" galit na galit na sigaw niya.

Umiyak lang ako ng umiyak.

~TRANSITION~

"Dian?" nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang tawag sakin ni Kuya Bucky.

The Girl Who Can See Spirits (Babaylan EP# 1) Where stories live. Discover now