Part 6: Reconnaissance

5 1 0
                                    


Part 6: Reconnaissance 👫

DIAN'S POV

Buong buhay ko, akala ko ako na lang ang makakaalam sa kakaibang kakayahan ko. Natatakot kasi ako sa kung anong pedeng mangyari. Wala akong pakialam sa backlash na idudulot nun sakin. Ang concern ko ay yung lola ko.

Yes. I love her. Pero never kong sinabi kung anong meron ako. Ginawa ko yun dahil mahal ko si lola at ayoko nang makadagdag sa problema.

Meron ding parte sa sarili ko na dinedeny yung katotohanan na ganito ako, na naiiba ako, na hindi ako normal.

F*ck society.

Ngayon...

Bukod sakin may tatlo nang nakakaalam.

Ang malaking tanong na lang ay... kaya ba nila akong panindigan?

"Dian, may pakiusap pala kami sayo," kinambyo ni Kuya Bucky ang sasakyan.

"Ano po yun?" tiningnan ko siya sa rearview mirror. Seryoso siyang nagmamaneho. Si Daniel naman na katabi niya sa harapan ay nakatunghay sa katabing bintana. Si Maki naman na katabi ko ay nakasandal lang habang napapa-hum kasabay ng pinapakinggan niyang kanta.

"Keep everything a secret. Don't tell your grandma or your bestfriend or anyone affiliated to you."

"Opo," napalukipkip ako.

"Good."

"Anong ulam mamaya?" biglang singit ni Daniel.

"Really? Food again? You just ate a whole cake," nakangiwing sabi ni Maki. Tinanggal niya yung isang headphone sa tenga niya.

"Dude, food is essential. And also, we're in need of more water."

"You and your stomach," inis at mahinang sabi ni Maki.

"Stop your bickering. Wala na kayong hiya kay Dian," saway ni Kuya Bucky.

"Don't worry Kuya. I actually find them amusing. Continue fighting guys," nakangisi't nang-aasar kong nilingon si Maki na sininghalan lang ako.

"Psh," masungit niyang sabi. "I'll just cook something."

"Ooh," asar ko sa kanya na tinusok siya sa tagiliran. "Ang ideal naman niya. Sana all."

Tiningnan niyang masama ang kamay ko. Everyone laughed at his distress.

"Hoy Dian! Stop flirting with my brother!" natatawang pang-aasar ni Daniel sakin.

"Flirting ba yun?" nagtataka kong tanong. "Sorry I suck in the love department."

Parang disappointed niya kong nginiwian. "You're hopeless."

"Stop teasing us. Hindi ako bagay sa isang mortal na gaya niya," nakangising sabat ni Maki.

"Wow! As if I like you!" inis kong sabi.

"As if I like you too," humikab siya at sumandal.

Nagulat ako nang lumiko kami sa isang parang abandunadong daan. Mapuno dito at madamo. Namangha ako sa mga naglalakihang mga puno. Geez! They're like centuries old!

Sa bandang dulo ay nadatnan namin ang isang malaki, itim at lumang gate. Ito yung mga tipo ng gate na nakikita sa movies. Pakiramdam ko nasa set ako ng The Haunted Mansion. Meron din kayang singing busts dito?

Automatic na bumukas ang gate. May mga nakaputing lalaki na nakatayo. Siguro sila yung mga bantay. Nagpatuloy sa pag-drive ang kotse. Napatingin ako sa fountain na malaki na may parang mga isdang nagtatalunan na disenyo. Namangha ako sa mansion. Puno ito ng mga dahon-dahon. Mukha siyang luma. Ipinark ni Kuya Bucky ang sasakyan sa isang malaking parking space na may bubong.

The Girl Who Can See Spirits (Babaylan EP# 1) Where stories live. Discover now