Part 10: The new mission

5 1 0
                                    


Part 10: The new mission

BUCKY’S POV

Parang normal na estudyante lang sina Daniel at Maki na naglalakad sa hallway. Tanaw na tanaw ko sila mula sa rooftop na kinatatayuan ko ngayon.

Pinagmamasdan ko ang bawat galaw ng mga mortal at mga kasamahan namin. May mga nakatago sa ibabaw ng puno habang nasa anyong ibon. Mayroon ding mga nagpapanggap na mga estudyante na humalo na sa iba na busy na sa paglalakad at sa kung anu-ano pa dahil uwian na.

Mula sa rooftop, tiningnan kong mabuti ang paligid. Napangisi ako nang makita ko ang target. Siya ang huling ahas na kailangan naming hulihin. Mukha naman itong mahina kumpara sa amin. Payat ito, maaring resulta ng ilang linggong pagtatago, at mabagal na. Sinubukan niyang magtago sa madaming estudyante pero kitang-kita ko siya. Lalo pa’t isa mga kakayahan ko ang malaman ang posisyon ng sinumang nakita at pinupuntirya ko. Mata at tenga ko ang bawat pader at haligi. Maging ang mga yabag ng paa ng kalaban ay naririnig at nararamdaman ko.

Kumanan siya.

“Pupunta siyang rooftop ng building sa tapat ko,” pinaalam ko gamit ang intercom sa mga tenga namin.

Naramdaman kong kumilos ang lahat papunta sa direksiyon ng ahas. 

“Bilisan niyo. Sa rooftop siya.”

“On it,” rinig kong sabi ni Maki.

Matapos ang ilang sandali, nagulat kaming lahat nang may mga sumigaw sa grounds. Apparently, may tumalon na babae. Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang itsura niya.

“T*ngina! Nahuli niyo ba? Siya ba may gawa nun?” inis na sigaw ni Daniel.

Umling ako. “Hindi ang ahas ang may gawa nun. Kasalukuyang naglalaban sila ni Maki kaya hindi siya nakapuntang rofftop.”

“Nandito ako sa baba. May dark residues na umaalingasaw sa dugo niya.”

“Venom?”

“Hindi. Ibang mahika ito.”

Naglakad ako papuntang likod at saka tumalon mula sa rooftop pababa sa grounds. I hit the dirt with a thud. Pinagpagan ko ang sarili ko at nagsimula akong umalis para asikasuhin ang namatay. “Everyone, out. Maki, dalhin mo siya.”

“I don’t think we should waste this opportunity, Buck,” sagot ni Maki.

“What? Hahayaan mong nakakawala yan?”

“Para malaman natin kung kanino to babalik. Malakas ang kutob kong may ibang nagsasagawa ng kagaguhan dito.”

“Just make sure that sh*t won’t give us any more casualties.”

“Tanga na lang ang isang to kung susubok pa siya.”

“Do what you think is best, then. I’ll pay the victim a visit.”

“Susunduin kita Maki!” singit ni Daniel. 

“Sige. Iisahan ko lang to saglit.”

“Huwag mong puruhan to the point na maging madugo diyan, ha? Ang baho ng amoy ng dugo nila.”

“Let’s all meet after this,” sabi ko at saka nagmadaling pumunta sa patay.

MAKI’S POV

Kasalukuyan na kaming nag-da-drive ni Daniel pabalik ng mansion. 

“Bakit ikaw lang ang sinabihan sa misyon na iyan?” tanong ko. 

“Habang hinuhuli natin yung huling ahas, pinadalhan ako ng mensahe ni bos,” he cheekily smiled. Tinigil niya ang kotse nang kumulay pula ang traffic light.

The Girl Who Can See Spirits (Babaylan EP# 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon