Part 7: Gabriel is not an angel

4 1 0
                                    

Part 7: Gabriel is not an angel 😈

DIAN'S POV

Nagsimula na kaming maglakad sa hallway.

Sinalubong kami ng maingay at magugulong estudyante. Habang naglalakad, pinagigitnaan ko ang dalawa. Sa kanan ko si Liz at si kuya naman sa kaliwa ko.

Na-imagine ko tuloy na si Liz yung guardian angel ko sa kanan at si kuyang unknown yung may sungay sa kaliwa. Gabriel is not an angel. Natawa ako sa naisip ko.

Sa dulo ng hallway ay napansin naming nagkukumpulan ang mga estudyante.

"Ayan na siya!"

"OMG! Kenna, andyan na yung girl!"

"Sino naman yan?"

"Yung jowa daw ni Maki?"

"What?!"

"No! Not my Maki!"

"Anong jowa? Wala namang announcement ah!"

"Gaga! Nakalimutan mo na ba yung sa canteen?"

"Ay oo nga! Umeksena sila dun eh!"

"Hindi naman kagandahan si ate girl! Akin ka na lang Maki!"

"No! Akin siya!"

"Grabe naman! Ang iingay ah!" maarteng sabi ni Liz.

"Ba't nandito yung mga yan?" nagtatakang tanong ko. Nasa harap kasi silang lahat ng building namin.

"No idea," bulong sakin ni Liz. Tiningnan ko naman si kuya sa tabi ko na nanatiling tahimik.

"Hi Dian!"

Isang pamilyar na sigaw mula sa dulo ng hallway ang tumawag sa pansin ko. Kaya naman pala...

Nandun lahat ang Lakan at pinagmamasdan kami. Nakangiti samin si Daniel pero unti-unting nawala yun nang makita niya si kuya sa tabi ko. Napansin kong nakatingin din lahat ng Lakan dun sa lalaki.

Seryosong nakatingin din si Maki sa lalaki. Anong meron?

"Ah," biglang nagsalita si kuya sa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya at nakangiti na siya sakin. "Mauuna na ko. Salamat sa pagsama sakin papasok. Thanks," bumaling din siya kay Liz.

"Ay wala yun! HIhihi!" ngumiti naman si Liz sa kaniya.

Nagulat naman ako nang biglang yumuko si kuya at bumulong sa tenga ko. "Salamat..."

Isang kamay naman ang humawak sa braso ko. "Let's go." Napatingala ako at nakita ang seryosong mukha ni Maki.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan nang magtitigan sila ni kuya ng ilang segundo. Ship. Lol.

"Okay, guys," binawi ko ang braso ko at umatras. "Pede na bang mag-move on? Hello? May classes pa tayong-"

"Who are you?" tanong ni Maki kay kuya.

Napatingin naman ako dun sa lalaki. Unti-unting nagbago ang kaninang seryosong tingin niya. Ngumiti siya, "I'm Gabriel Legazpi. I'm a transferee."

Nagsimula namang magbulungan ang lahat.

"Ooohhh!"

"He's a cutie."

"Ang pogi niya!"

"Hoy akin yan!"

"Ay bakla ka ng taon! Matuto kang mag-share!"

"Finders keepers girl!"

"Utot mo keeper!"

Bigla namang tumawa si Daniel at saka lumapit samin. He patted Maki's shoulder and then greeted Gabriel with a smile. "Kumusta? Welcome to East High."

Nakangiting tumango naman si Gabriel. "Nice to meet you and thanks for welcoming me. I think I gotta go," tumingin siya samin ni Liz at kumaway. "See you around!" Naglakad na siya paalis after nun. Gumawa ng puwang ang mga estudyante para makadaan siya.

The Girl Who Can See Spirits (Babaylan EP# 1) Where stories live. Discover now