Part 4: When enemies become friends (sort of)

5 1 0
                                    

Part 4: When enemies become friends (sort of) 😏

DIAN'S POV

"Apo!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Dali-dali akong tumayo at yumakap kay lola. Ever since, si lola talaga ang kasama ko. Never kong nakilala ang parents ko. Naalala ko pa dati nung maliit ako. Inggit na inggit ako sa mga kaklase ko pag family day kasi kompleto sila. May nanay, tatay at anak. Tapos si lola laging busy sa panahian niya kaya lagi siyang wala pag school events.

'Hays...'

Pero pag nasa peligro ako o kalokohan na di ko malusutan, laging to the rescue si lola. Yun ang gusto ko sa lola ko. Madalas siyang wala pero nandyan pag kailangan ko ng tulong. Tulad ngayon, nandito siya para sakin.

Nangiti naman ako habang nakayakap kay lola. "Sorry lola."

Kumalas naman sa pagkakayakap si lola. "Naku apo eh okay lang yun."

"Excuse me," sabi ng isa sa mga pulis. "Kayo na po siguro yung guardian ng bata?"

"Opo, madam."

"Tara po dun," magalang na sabi nung babaeng pulis. Napatingin naman to sakin at nagulat ako nung bigla akong sinimangutan.

'WTF?'

"Dun tayo miss," masungit na sabi niya sakin.

'Anong ginawa ko?'

Pumasok kami sa isang may kalakihang kwarto. May ilang lamesa dun at mga upuan. Magkatabi kaming umupo ni lola at saka lumabas yung pulis para tawagin yung kukuha ng statement ko.

Maya-maya pa ay pumasok yung mamang pulis kanina. Hinawakan niya ang balbas niya at umupo sa harap namin.

"Good evening po," magalang nitong sabi.

"Good evening din po sir."

"Magsimula na po tayo," inayos niya ang mga papel na dala niya. "Kayo po si Dian Adiano?"

Tumango ako. "Opo."

"Paano po bigkasin yung pangalan?"

"Di-yan," may diin na sabi ko.

"Ilang taon po at taga-saan?"

"16 po. Taga Brgy. 112 dito po sa lugar naten."

Bumaling naman siya kay lola. "Tatanungin ko na po siya tungkol sa insidente."

"Sige po," tumikhim si lola.

"Ano pong nakita niyo?" tanong sa akin.

Sa loob-loob ko ay naramdaman ko ang matinding kaba dahil alam kong sa sarili kong hindi ko yun nakita ng mismong oras na yon.

"Ahmm... yun pong namatay... nagmamadali po siyang maglakad papasok sa library..."

"Nakita mo siyang pumasok?"

Napalunok ako at tinago ang kaba. "Opo kasi po tahimik sa library... wala pong tumatakbo kaya po nadinig ko po yung mga yabag niya... na parang nagmamadali..."

Inilipat niya ang pahina sa folder na hawak. "Wala ka bang nakitang kasama niya?"

'Meron...'

"Wala po."

"Sige iha, okay na. Pede ka nang umuwi. Kapag may mga katanungan kami ulit, tatawagan ka namin."

Nakahinga ako ng maluwag. Lumabas na kami ni lola. Nagulat naman ako at nandun pa din pala yung tatlo. Nakatambay sila sa parking lot.

"Hi Dian!" nakangiting bati ni Daniel.

"Sino sila apo?" tanong ni lola nung lumapit kami sa kanila.

"Magandang gabi po lola," bati ni Kuya Bucky.

The Girl Who Can See Spirits (Babaylan EP# 1) Where stories live. Discover now