Chapter 22 - Sean Family

10.3K 395 186
                                    

*THIRD POV*

"Daddy, Is this really our house?" Tanong ni Sean kay Jordan.

"Yes, man. Do you like it?"

"Yes, Daddy! This is sooooo big! This is like 100 times bigger than our house in States."

Kitang kita ni Leslie kung gaano kasaya ang anak niya dahil sa bagong titirahan nila pero higit sa lahat masaya si Sean kasi nakilala na niya ang Daddy niya. Pagkatapos agad ng operation ni Sean, pinakilala niya agad si Jordan kay Sean and to her surprise, naging close agad sila. Nagpasalamat si Leslie dahil kahit alam niyang malaki ang galit sa kanya ni Jordan, hindi nito dinamay ang anak nila. Kita rin ni Leslie kung gaano rin kasaya ni Jordan kapag kasama si Sean. One happy family sana sila kung hindi lang --

"Bitch, ipasok mo na lahat ng gamit niyo ni Sean. Hindi mo naman siguro inaasahan na tutulungan kita ipasok yan?"

Tumungo lang si Leslie sa sinabi ni Jordan. Hindi pa rin nagbabago pakikitungo ni Jordan kay Leslie. Pero tinitiis ni Leslie ang lahat para sa anak niya at sa pinagkasunduan nila ni Jordan.

Nang maipasok na ni Leslie lahat ng gamit nila, nakitang niyang buhat-buhat ni Jordan si Sean papunta sa kwarto nito at mukhang nakatulog na ito.

"Hoy, anong tinatayo tayo mo diyan?"

Nagulat nalang si Leslie dahil nasa harap na pala niya si Jordan.

"Nasaan na ang mga gamit mo?"

"Nasa kwarto ni Sean."

"Sino nagsabing doon ka matutulog?"

Parang kinakabahan si Leslie sa gustong mangyari ni Jordan.

"Put your things in my room."

"Jordan, wala naman ito sa pinagusapan natin."

"Why? Diba sanay ka naman na tumatabi sa ibat ibang lalaki."

At dahil sa sinabi ni Jordan, hindi napigilan ni Leslie na masampal ito. Pero ngumiti lang ng nakakaloko si Jordan.

"Don't try me, Leslie. Ilagay mo na ang gamit mo sa kwarto KO bago pa magdilim ang paningin ko sayo."

Hindi na nagdalawang isip si Leslie na sundin ang gusto ni Jordan. Mukhang dito na talaga magsisimula ang masamang panaginip niya. Hindi na rin niya mapigilan na iiyak ang mga narinig niyang masasakit na salita galing kay Jordan.

***********************************************

"Mommy, where is Daddy?"

"Tulog pa siya Sean." Pinapakain ni Leslie ngayon si Sean ng breakfast samantalang si Jordan, mahimbing pa rin natutulog.

Hindi na rin nagtataka si Leslie dahil simula noong natutulog silang mag-ina dito sa bahay ni Jordan, gabi gabi nalang umiinom si Jordan at umuuwi ito ng lasing.

"It's weekend na, Mommy."

"Yes weekend nga ngayon, baby. Why?" Nagtataka si Leslie sa inaasta ni Sean. Pero alam niyang may gustong sabihin si Sean.

"Sabi mo dati Mommy, kapag kasama na natin si Daddy pupunta na tayo ng mall every weekend."

Hindi alam ni Leslie at Sean na gising na si Jordan at pinapanood silang mag-ina. Nang marinig ni Jordan ang gusto ng anak, hindi niya maiwasan magalit na naman kay Leslie. Hindi sana nararamdaman ng anak niya ang ganito kung hindi nito tinago ang anak nila.

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOWhere stories live. Discover now