Chapter 21 - From Bubuyog to Clown

17.4K 586 337
                                    

*Karissa's POV*

Gustong-gusto kong kainin na ko ng lupa na kinatatayuan ko. Bakit ba hindi ko naisip na kapag meeting room, syempre meron meeting.

Kitang kita ko yung mga gulat na mukha ng mga tao dito sa loob ng meeting room ni Marion.

Nawala lang ang katahimikan dito ng nagsalita si Marion.

"Hello everyone, please meet my wife."

"Good morning Mrs. Gotiangco." Sabay-sabay pa sila ngumiti habang binabati ako.

"Go--good morning."

"Meeting is adjourned."

Then after noon, nagsipagalisan na yun mga kameeting ni Marion.

Nagulat na lang ako dahil nasa harapan ko na pala si Marion at bigla niya kong hinalikan sa lips.

Feel ko lalo akong namula dahil sa ginawa niya dahil hindi pa naman nakaalis lahat ng kameeting niya. Hindi pa rin kasi ako sanay sa PDA. Eh kaso itong kapre na ito, hilig magPDA.

"Let's go to my office, Kin."

Hinawakan na niya kamay ko at hinila niya ko papunta sa isang pinto which I think connecting door papunta sa office niya.

"Lee, order everything in the menu of Jollibee."

Nagningning yun mga mata ko sa utos ni Marion. Hindi na ko nagugulat sa ganitong utos ni Marion dahil simula noon kumain kami sa Jollibee, eto na lagi pinapadeliver ni Marion.

At kung iniisip niyo, binili niya si Jollibee. Hindi kayo nagkakamali. Pero muntik na, oo pagkatapos niyang bilhin ang EK, may plano pa siyang bilhin itong si Jollibee. At doon ko na siya pinigilan. Hindi naman sa ayaw kong lumawak yung negosyo niya pero mas lalo siyang magiging busy kung pati si Jollibee bibilhin niya. Ok na ko sa lahat ng menu ni Jollibee ang bibilhin niya.

Pagpasok namin ng opisina niya, namangha ako sa sobrang laki at ayos. Parang sa sobrang linis niya, parang hindi nagttrabaho si Marion.

"Why are you here, Kin?"

"Bakit bawal na ba ako pumunta dito?"

"That's not what I mean. Is there a problem at home?"

"Wala naman. Nabored lang ako. Yung mga girls kasi, busy sila ngayon dahil sa exam."  Eh ako tapos na ko doon sa exam. Bigla ako napaisip doon sa mga kameeting niya kanina.

"Kin, sino pala yung mga kameeting mo kanina?"

"They are the board of directors."

"ANO?!!!"

"Don't shout my queen. It's ok. We can reschedule our meeting, ang importante dinalaw ako ng Kin ko. Siguro iniisip mo nambabae ako."

"Hindi noh. I know, patay na patay sa akin ang isang Marion Gatcheco-Gotiangco." At dahil sa sinabi ko, tinawanan ako ng malakas ni Marion. Bwisit talaga to. Alam ko naman na yung mga ganung linyahan yung gusto niya marinig.

"So ano ang gusto mong gawin ngayon? Gusto mo bang nag-mall tayo para bumili ng gamit ni little one?" Uy gusto ko yung suggestion ni Marion, ngayon ko lang naisip hindi pa kami nakakapunta ni Marion sa mall ng magkasama kami. Pero naisip ko work time niya ngayon at based sa mga naririnig ko sa kanila ni Daddy, busy si Marion ngayon sa kompanya niya.

"I know what you are thinking." Edi ikaw na si Madam Auring. "Pupunta tayo ng mall after ng trabaho ko dito. Now, are you happy?"

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOWhere stories live. Discover now