Chapter 3 - He's Back!

136K 3.7K 1.3K
                                    

THANK YOU SO MUCH GUYS FOR ALL THE SUPPORT FROM CLASS 4-6 BOOK 1 & 2. I'm so sorry kasi ngayon lang ako nagupdate. And i cant promise to update frequently. Im so thankful for having you guys, kahit down na ko, andiyan talaga kayo.

********************************

Karissa's POV

After that day na nakipagusap sa akin si Jordan. Hindi na nawala sa isip ko si Leslie at Marion. Bakit ganun? Hindi ko maiwasan hindi magisip ng masama. Totoo ba yun mga sinabi ni Jordan? Tama bang paghinalaan ko ang asawa ko?

Sh*t. Kahit sabihin ko yun term na "asawa ko", ang sakit-sakit. From the start naman kasi, di pa naman nageexist un pagiging mag-asawa namin. Ang sakit lang isipin na may asawa pala ko.

Marion, ano na ba talaga? Nakalimutan mo na ba talaga ako dahil sa first love mo?

Tuwing nakikita ko ang mga bagong upload ng pictures nila sa facebook, mas lalo akong nasasaktan. Mas lalo akong naghihinala eh, mahal ba talaga ako ng asawa ko? Ano bang naging mali sa amin? May mali ba sakin? Akala ko ba di na niya ko sasaktan?

"Karissa?"

"Huh?"

Nagulat na lang ako dahil nasa harapan ko na pala si Steph.

"Hay naku, tulala ka na naman diyan. Si Marion na naman ba iniisip mo?"

"Hindi ah." Ganun ba ka-obvious?

"Wag mo ng itanggi dahil wala ka naman ibang hindi iniisip kundi siya lang."

Pwede ko kayang itanong yun kay Steph? Sure naman akong kilala niya yun dahil childhood friend din niya si Marion.

"Steph, kilala mo ba si Leslie?"

Nakita ko siyang napangiti sa akin.

"Sabi na eh, darating yun time na itatanong mo sa akin yan. Pero wag mong sasabihin kay Nathan na binanggit ko sayo toh."

Tumango lang ako. Hindi ako mapakali malaman yun kwento niya.

"Si Leslie? She's a very opposite of Janine. Kung si Janine is a living devil, siya naman ang living angel."

Ouch. Doon pa lang parang talo na ko.

"Sa totoo lang, di kami ganun kaclose. Hindi rin siya kasama sa circle of friend namin nila Nathan at Marion. Dahil sa totoo lang, hindi namin siya ka-school mate, silang dalawa ni Jordan ang magka-school mate. Based sa kwento ni Marion, na-love at first sight siya kay Leslie. Tinamaan nga daw siya ni kupido. Nakakatuwa nga nun nagkkwento sa amin si Marion dahil asar na asar pa si Janine noon. Noon pa lang kasi napaka-vocal ni Janine sa pagkakagusto kay Marion. Kaso hanggang kaibigan lang daw ang tingin ni Marion kay Janine. As time goes by, Sinasamahan na nga namin ni Nathan si Marion sa school ni Leslie para lang mangligaw sa kanya. At doon na rin namin nalaman na may gusto din pala si Jordan kay Leslie. Iyon na rin ang simula ng mas matinding alitan nilang magpinsan. Simula pagkabata kasi di na talaga sila magkasundong dalawa. Para silang mga batang laging nagaagawan sa isang kendi. Hanggang nagaral na sa Xavier Boy School sina Marion at Nathan, di pa din tumitigil si Marion sa pangliligaw kay Leslie. Hanggang sa nakaalis na ako papuntang Amerika. I don't know what really happened, pero nagulat na lang ako, bigla ko na lang nakita si Leslie sa Amerika at kasabay nun nabalitaan ko naging si Marion at Janine after umalis ni Leslie papuntang Amerika. At ang nakakalungkot pang nangyari, naging si Marion at Janine dahil sa utos ni Leslie kay Marion. Hindi lang namin alam kung anong klaseng utos yun at bakit sinunod ni Marion kahit alam naming lahat di naman talaga mahal ni Marion si Janine. Ang tanging nakakaalam lang ng rason ay sina Marion at Leslie."

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon