Chapter 2 - Her trust

146K 3.1K 977
                                    

MS. A: SORRY! (lagi na lang nagsosorry si ako)  Super tagal na naman ng update ko. Nawawalan lang ako ng time para magtype. Sana andiyan pa din ang mga diwatang readers ko. I think kapag walang lovelife si Ms. A mas nakakapagupdate ako. hehe. like ngayon! Mas inspired ako magsulat pag walang lovelife. LOL. Baligtad? Or baka masyado lang akong masaya ngayon dahil in 2 months, makakasama ko na din ang SUPER IDOL ko! keke. baka matulad na rin ako sa love story ni Sai (kilala niyo siya? kung hindi, punta kayo sa Class 4-6 Book 3). Anyway, dumadaldal na naman ako. ITO NA ANG CHAPTER 2. And as always, DON'T FORGET TO LEAVE A COMMENT!!! PRETTY PLEASE???????

Karissa's POV:

First day ng 2nd sem ngayon dito sa Xavier University. Mabuti na lang may isang subject na parehas kaming lahat nila Rayne, Ciara, Steph, Nathan, Vince, Japs at Chris. First time naming magkakaclassmate sa isang subject dahil nun last sem, nahirapan kaming kumuha ng subject na magiging classmate kaming lahat. Yun iba kasi, may kulang samin isa o dalawa. Mabuti na lang hindi naming classmate si Jordan dito. Mukhang hindi maganda na magsama un Class 4-6 boys at si Jordan sa iisang classroom. Giyera yun for sure! Nun nalaman nga nilang same course kami ni Jordan at classmate ko siya sa halos lahat ng subject, halos giyerahin nila yun registrar para lang malipat ako ng class. Pero pinigilan ko na lang sila, dahil wala naman magagawa yun registrar dahil kaunti lang nagtake ng MedTech dito sa XU. Halos puro isang class offer lang yun ibang subject namin. Sinabi ko naman dun sa tatlo na iiwasan ko nalang si Jordan. Classmate lang naman at classmate ko din si Steph. Kaya wala naman silang kailangan ipagalala. Hiniling ko na rin sa kanila na wag sana nilang sabihin ito kay Marion.

Kung sila nga ganun ang reaction, pano pa kay Marion? Baka umuwi pa ng Pilipinas yun ng de oras. Kahit gustong-gusto kong mangyari yun, ayaw kong gawin. Gusto kong umuwi siya dito ng tapos na lahat ng business or what niya sa Amerika.

At kung tatanungin niyo ko kung anong reaction ko about sa nakita sa facebook. Ano naman kung lagi niyang kasama yun Leslie Trinidad na yun? Oo, lagi niyang kasama yun. No, let me rephrase it. SIYA ang laging NIYANG kasama. Nalaman ko dahil nun ncheck ko yun account ni Leslie puro stolen pictures nilang dalawa ni Marion. Akala mo may fanclub sila na taga-picture sa kanila. Ok, I'm not bitter nor jealous. Di naman talaga. MALAKI ang tiwala ko kay Marion. Hihintayin ko siya bumalik para making sa lahat ng explanation niya.

"Naiirita na talaga ako diyan sa Marion na yan." inis na inis na sabi ni Rayne habang tutok na tutok sa laptop niya.

"At tignan mo pa, pahawak-hawak pa sa braso ni Marion. Pinaglihi ba siya sa linta?!" galit na galit na sabi ni Ciara.

I don't know, pero parang sila yun asawa ni Marion.

"HOY!" Tumingin naman ng masama sakin si Ciara. "Ano? Martyr na asawa ang drama mo? Wala ka bang gagawin diyan?"

*sigh* Heto na naman kami.

"Ciara, Rayne. Malaki ang tiwala ko sakanya." Nginitian ko sila pero mukhang hindi umubra sa dalawa.

"Ang tindi naman ng tiwala mo." Rayne gave me a sarcastic smile. "Tandaan mo, 7 months na siyang hindi nagpaparamdam. Nagka-amnesia yata yan asawa mo at hindi niya maalala na may iniwan siyang asawa dito."

"Tapos ganito pa, nakikita namin update ko sa kanya. Lagi niyang kasama yun first love niya!"

Bago pa ko makasagot kay Ciara, sumingit si Nathan. Andito na pala tong mga lalaking toh.

"Uy! Wag niyo nga sinisiraan si Pards kay Karissa."

Nagsalubong naman ang kilay nila Rayne at Ciara sa sinabi ni Nathan.

"Hay naku, andito na naman ang dakilang lawyer ni Marion." yan ang tawag ni Ciara kay Nathan.

"Wala na ba kayong tiwala kay Pards?"

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOWhere stories live. Discover now