Chapter 10 - Honeymoon

91K 1.9K 886
                                    

(Babala po sa mga bata para sa BS part)

Karissa's POV

H-honeymoon!? Juice ko po. Biglang naginit ang buong mukha ko. Oo aaminin ko, g-gusto ko rin ito. Sino ba namang hindi? Kinasal ka tapos iniwan din agad. Tapos ito, pitong buwan kami bago magkita at naaksidente pa si Marion. Pero.. Kinakabahan ako!

"Hey Kin. You're spacing out." Untag sakin ni Marion kaya nabalik ako sa realidad.

"A-ah uhm, pwede ba munang libutin natin itong isla? Gusto ko sanang makita ang kabuuan nito." Hindi makatingin sakanya na sagot ko. Sana pumayag sya. Bukod sa kinakabahan ako sa honeymoon na sinasabi nya ay totoong gusto ko munang makita ang buong isla.

"Ok, if you say so." Medyo napawi naman ng kaunti ang kaba ko.

Tinotoo naman ni Marion ang gusto ko. Pero ng mapansin nyang palubog na ang araw ay nagaya na sya sa bahay -este mansyon namin. Eto nanaman ang kaba ng dibdib ko! Normal lang ba ito?

"Let's go back Kin. Magpahinga muna tayo bago kumain." Sa di malamang kadahilanan ay naginit ang mukha ko! Walangya, Karissa ano ka ba!? Anong masama sa pagkain!?

"Kin? What's the matter? Bakit ba kanina ka pa tahimik at tulala? Sasagot ka man sa tanong ko ay oo o hindi lang sinasabi mo, and sometimes you just nod." Napansin ko ang sakit sa mga mata niya. Bakit nga ba kasi ako tahimik? Hindi ba dapat ay masaya ko ngayon at dinadaldal ko sya? Nagkukwento at nagpapakwento ko sakanya? Kasama ba sa dahilan ang kaba o takot ko? O may iba pang dahilan? Gaya ng tanong ko, Tungkol kay Leslie? Magkaibigan. Pero di ba nga ay minahal nya si Leslie noon? Minahal nalang ba? O mahal pa rin?

Naputol ang pagiisip at pagkatulala kong muli dahil naramdaman ko nalang na yakap na ko ng napakahigpit ng asawa ko. Asawa ko. Kasal na kami kaya ako na ang mahal nya. Tama, iyan ang dapat kong isipin.

"Tell me everything that you're thinking. Because the way you treat me. It kills me slowly, Kin. I love you so much, remember that." Mababakas sa boses ni Marion ang sakit at lungkot. Hindi ko naman sinasadyang pakitungahan sya ng ganto. Sadyang naaapektuhan lang ako ng mga iniisip ko.

"I.. I love you too.. Mar-"

Tsup.

"It's Kin. Call me again with other names and I'll punished you." Seryoso nyang banta at alam kong namula nanaman ako >...<

"You wanna take a bath or eat first?" Pagkasabi nyang kakain ay nakaramdam na ako ng gutom kaya't inaya ko na syang kumain.

Pagdating sa dining area ay agad akong nalula! Aba matinde dadalawa kami dito pero akala mo fiesta! Hala sya.

"Balak mo ba kong gawing patabaing baboy!?" Sumagot sya pero di nya ako tinitignan dahil abala na sya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Yeah, masyado na kasing napapalapit sayo ang pinsan ko. Tss. Mahirap na maagaw ka pa." At talaga naman ang daming baong pakilig ng taong to kainis!

Matapos kong kumain.. Oo AKO LANG! Pinanuod lang kasi ako ni Marion kumain, grabe ang sarap yata matulog lalo na pagnakaligo na ako!

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Oo nga pala, nasa iisang kwarto lang kami at mukhang tapos ng maligo ang asawa ko. Wah! Ako na ang susunod.

Nang naririnig kong papalapit na ang yabag nya ay agad akong tumayo pero sa ibaba ang tingin. Naglakad na ko papunta sa banyo at hindi nakatakas sa ilong ko ang napakabangong amoy nya. Ano ba Karissa! Huhu mas bumango yata sya ngayon?

"Make it fast, Kin." Namamaos na utos nya! Ayoko na yatang lumabas ng banyo!!!

Siguro ay may isang oras din akong nagkulong sa banyo dahil nga kasi kinakabahan ako! Ano ba!

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOWhere stories live. Discover now