Chapter 15 - She's what?!

39.7K 1K 724
                                    

Ms. A: I know nagpost ako FB ko na I'm going to hiatus for now. Pero dahil hindi ko rin naman matiis ang AYERS heto na. Wag kayong magalala I'm working on it na and bahala na si God para sakin. Nagupdate ako lalo na it's my birthday today! YEY!!! Kaya heto na muna ang birthday treat ko sa inyo. Actually i am planning to have a meet and greet sana and it also birthday celebration ko na rin however, hindi kinaya ng time ko this time :( Sana magustuhan niyo un bday treat ko sa inyo today.

Have a good day everyone!

*****************************************************

Karissa's POV

"Kin, ito na yun gamot mo."

Nakaalis na si Leslie sa bahay. At pagkakuha ko ng gamot para sa allergy ni Marion binigay ko na agad sa kanya kahit wala naman akong nakikitang pagaatake ng allergy niya.

"Medicine for what, Kin?"

"Sa allergy mo."

Bigla na lang natawa si Marion. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Kin, i don't need that. Wala na kong allergy sa hipon."

"What? Paanong wala NA?"

"Pinatanggal ko."

"Huh? Anong pinangtanggal? Is that possible?"

"Sino nga ko, Kin?"

Hay. Iyan na naman yang linya niya. Tinignan ko na lang siya ng masama dahil naiinis na ko ayaw pa niya sabihin lahat.

"I asked one of the doctor in US if puwede bang matanggal ko itong allergy ko sa hipon. Of course, they told me they haven't done it. And because I'm Marion Gatcheco-Gotiangco i asked them find a way and i will pay everything."

"At nagawa nga nila?"

"Of course. Halos mabili ko na nga yung ospital nila."

"What?!"

"Halos lang, Kin. Next time, I will buy it pag doctor ka na."

"Ewan ko sayo, Kin. Pero matanong ko nga, bakit kasi gusto mo patanggalin ang allergy mo sa hipon?"

"Because I want to eat your Ginataang Hipon. At hinihintay kong matikman yon simula nun bumalik ako dito. Hindi ako makakapayag na ako lang hindi makakatikim sa specialty ng asawa ko."

What?! Dahil sa ginataang hipon ko kaya pinilit niyang mawala ang allergy niya sa hipon.

"Paano mo nalaman na specialty ko yun?"

"Sino nga ko?"

"Haist! Ewan ko sayo Gatcheco! Bahala ka diyan! Naiinis na nga ko sa mukha mo at ang baho mo pa!"

"WHAT?!!!"

************************************************************

"Anong SINO NGA KO? Para sabihin ko sa kanya, KAMI ni Rayne nagsabi sa kanya na specialty mo yun!"

Umagang umaga galit na naman si Ciara.

"Kumalma ka nga Ciara. Marion Gatcheco - Gotiangco yan eh."

Habang kumakain kami sa cafeteria, kinukwento ko sa kanila kung ano nangyari kahapon.

"Kamusta naman si Leslie?"

"Parang gusto ko na maniwala sa yo, Steph na isa nga talaga siyang anghel at literal na mukhang anghel."

"Naku! Huwag kang papaniwala sa ganyan. Too good to be true yung mga ganyan."

"Huwag kang nega diyan, Ciara."

Habang naguusap kami, nahagip ng paningin ko si Jordan. At kitang kita ko kung gaano niya ko tinititigan ng masama. Ano na naman kaya problema ng isang iyon?

Nawala ang atensyon ko sa kanya dahil may dumating na classmate ko.

"Karissa, pinapatawag ka ni Doc Torres. Ngayon pala schedule mo ng physical exam."

Hala, bakit nakalimutan ko iyon?

"Ano yun Karissa? Bakit kailangan mo magpaphysical exam?"

"Required kaming lahat sa isa namin subject. Sige alis na ko ah."

Nagmadali na kong pumunta sa clinic ni doktora para sa physical exam. Late na talaga ako. Pero mabute na lang hindi nagalit si doktora o baka dahil isa na kong Gotiangco kaya hindi niya magawang magalit. Nagstart na rin kami agad at ng matapos, pinaghintay muna ako ni doktora para makuha ko yung ibang result.

"Mrs. Gotiangco."

May kaba akong naramdaman ng tinawag niya ko. Hindi ko alam kung bakit pero kita ko sa mga mata niya ang pagaalangan.

"I think you need to take another test. Sayang i can't confirm pa dahil wala pa yung nrerequest kong machine"

"Huh? May kulang pa po ako? Ano yun doc?"

Hindi siya sumagot pero mayroon siyang binigay sakin. At laking gulat ko ng makita ko kung ano ito.

PREGNANCY KIT?!

Hindi na ko nagtanong at pumunta na ko sa restroom. Syempre alam ko naman kung paano gamitin ito dahil tinuro na sa amin ito.

Sa totoo lang, kinakabahan ako.

Pagkatapos kong gawin lahat ng dapat gawin. Hinihintay ko na lang ang nakakabang result.

Hindi ko alam kung ano ba dapat magiging reaksyon ko sa kung ano man ang magiging result nito.

Ito na...............

3

2

1


.... it's POSITIVE.

*******

Sorry for the late update. Dapat talaga kahapon ito pero unfortunately, naging busy ang araw ni Ms. A kahapon and wala pa ko tulog :(

Anyway, i want to take this oppurtunity to thank everyone who had attended the MIBF Booksigning esp for those people who fall in line for me to sign their Class 4-6 book. Hindi ko talaga inexpect na ang dami niyong pumila at gustong gusto kong maiyak sa tuwa. Sayang lang dun sa mga hindi nakaabot pero dont worry laging may next time. 😘😍

Thank you so much Ayersss!!! I love you all.

- Ms. A

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOWhere stories live. Discover now