Chapter 26 - Nicole Sandoval

6.3K 214 97
                                    

Ms. A: Hello Ayers! Ito na yata ang pinakamabilis na update ko. I want you to know na malapit na matapos ang TBMG. :( Gusto ko man bagalan yung update dahil ayaw ko pa talaga magend ito pero syempre alam kong naghihintay na kayo. Super mamimiss ko ang KarMar loveteam pero syempre kailangan magkaroon ng ending ang story nila para naman makamoveon tayo sa mga susunod pang story na gagawin ko.

May pasurvery pala ako-

Kung kayo pipiliin ng gusto niyong basahin ngayon, ano mas gusto niyong lead guy?

A. Superstar Kpop Idol na secret husband ni fangirl
B. Poor guy pero mukhang totoong prinsipe na gustong gusto ni real life princess
****************************************************************

*Karissa's POV*

Andito kami sa airport ngayon para ihatid sila Jordan, Leslie and Sean. Pupunta silang Japan para doon magpapagamot si Leslie. Sa wakas naging maayos na rin ang pamilya nila, kitang kita ko kung gaano kasaya si Sean dahil buo na ang pamilya niya.

"I'm happy for you, Leslie. Ipagdadadasal namin dito ang health mo. Pero sigurado akong gagawin ni Jordan lahat para maging ok ka."

"Salamat Karissa. Salamat sa inyo ni Marion. Hindi ko akalain na magiging tama ang desisyon ni Marion na dalhin kami dito ni Sean."

"Naku Leslie, huwag na huwag mong babanggitin kay Marion yan. I'm sure sasabihin na naman niya yung favorite line niyang "Sino nga ko?"."

Natawa na lang si Leslie sa sinabi ko pero habang kausap ko siya may napansin akong makinang sa daliri niya.

"OMG Leslie!"

Nagulat si Leslie sa sinabi ko pero naintindihan na niya agad kung bakit ganito reaksyon ko.

"Kailan pa?"

"Noon nasa hospital pa ko, Karissa. Ngayon ko lang siya sinuot."

"Congrats! Nakakainis ka bakit hindi mo naman sinabi sa amin edi sana nagcelebrate tayo."

"Sabi ko kay Jordan, inaannounce nalang namin pagbalik namin galing Japan."

"Naku, bilisan niyo na sa Japan para pagbalik niyo dito magpapbridal shower kami para sayo."

"Salamat Karissa."

Oo tama nabasa niyo. Bridal Shower. Dahil ang nakita kong suot suot ni Leslie sa daliri niya ay isang engagement ring syempre galing kay Jordan iyon. Minsan din ang bilis ni Jordan ah.

Hindi rin nagtagal umalis na sila Leslie at Jordan kasama si Sean.

"Kin, we need to go now. Malalate tayo sa OB mo."

Nagsisimula ng maglikot ang mga babies namin sa tiyan na akala mo meron silang boxing match sa loob. Ganyan sila kapag naririnig nila ang boses ng Daddy nila.

3 months na lang mga little Marion makikita niyo na Mommy and Daddy niyo.

Alam kong hindi lang ako ang excited na makita ang mga little Marion namin syempre pati na rin si bakulaw na kapre. Oo, iyan pa rin ang tawag ko sa kanya. Kung alam niyo lang kung gaano kaexcited si Marion. Every check-up namin sa OB, sinisigurado niya na kasama ko siya. Kahit may importanteng meeting pa siya, gagawan niya ng paraan para makasama siya.

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOWhere stories live. Discover now